webnovel

Until When

"Hello po Miss Xen" bati nitong nakangiti na sinuklian naman niya ng ngiti at babatiin na rin sana pabalik dahil para na rin niya itong nakatatandang kapatid nang bumukas ang pintuan nang opisina ng kaniyang lola at lumabas dito ang hindi niya aakalaing makikita niya ng personal at sa ganun pang sitwasyon.

"Ahem!" panggising ng sekretarya kay Mcain na nakatitig na sa taong lumabas kanina pa at madadaanan na siya nito.

Agad namang natauhan si Mcain at nagkunwaring wala lang sa kaniya ang dumaan.

"Ms. Merly ito na yung schedule niya sa araw na maaari siyang available" tawag ng babaeng nasa 30 years old, na isa sa lumabas at saka inaabot ang isang folder kay Ms. Merly na sekretarya ng kaniyang Lola.

"Thank you Mrs. Lina" tugon nito habang nakangiti at saka bumaling kay Zyna na nagkukunwaring na naiinip na habang naghihintay malapit kay Mrs. Lina.

"Madam pwede na po kayong pumasok" pagtukoy ng sekretarya kay Mcain na dali-dali namang pumasok at hindi na inisip na matanda ang ayos nito, dahil hindi na niya matiis na malapit lang sa kaniya ang taong ilang taon na niyang hinahangaan.

"Lola!" Pagmamaktol agad nito pagkapasok niya ng opisina ng kaniyang lola at makikitang nakatingin agad ang Doña sa kaniya pagkapasok pa lang nito at tinawanan siya agad.

"Oh amiga, anong problema?" Pagbibiro nito na mas ikinainis ng kaniyang apo.

"Lola naman... bakit ngayon? Bakit?" naiinis na talaga nitong reklamo sa Doña, at saka naman bumukas ang pintuan ng opisina nito at pumasok ang sektretarya at agad itong lumapit kay Mcain.

"Oh ano ang feeling ng makilala ang napakasikat, napakahot, napakatangkad at napakagwapong Hollywood singer na si Carter Mathew Smith?" Kinikilig nitong tanong kay Mcain dahil halos mag a-apat na taon na rin niya itong gusto.

"Pwede ba ate Merly. Nakakainis talaga kayo, sana man lang sinabi niyo agad at nakapaghanda ako. Alam niyo namang matanda ang pagmumukha kong papasok dito, para tuloy akong hindi matanda kanina na ang bilis maglakad papasok" pagkukunwari nitong naiinis pa rin

"Naalala ko na naman noong araw na umuwi ka galing mall at dali-dali mo akong pinatawag kay nanay para lang iparinig sakin yung narecord mong kanta nito noong araw na napadaan ka sa mall niyo" pagkukwento ng sekretarya dahil sa mansyon nila ito nakatira at nagtratrabaho silang mag-anak sa Pamilya Raconia.

Biglang napabalik si Mcain sa araw kung saan nakilala niya ang pangalang Carter Mathew Smith.

Noong mga araw na yun ay kailangang pumunta ni Mcain sa mall nila at kahit na napakabata palang nito ay iba na ang IQ nito at napakamature na kung mag-isip kaya siya mismo ang pumupunta para suruin ang mall nila at para na rin mas maging handa siya kapag siya na ang mamahala sa lahat ng mga ari-arian nila.

Pauwi na ito nang madaanan niya ang paborito nitong cafe kaya dumaan muna ito dito. Naghihintay siya ng mga oras na 'yun at pinapatugtog ang kantang Grace Kelly by Mika at ng matapos ito ay sumunod ang kantang ni minsan hindi niya pa naririnig at ang boses nung kumakanta ay pakiramdam niya ito na ang pinakamagandang boses na narinig niya sa buong buhay niya. Nagbibigay ito ng kakaibang feeling sa kaniya na parang pakiramdam niya sa kaniya nakalaan yung kanta at hanggang sa unti-unting hinihiling ng puso niya na sana pagmamay-ari nalang niya ang taong kumakanta nito.

Malapit ng matapos ang kanta ng natauhan siya at naisip na irecord ito para alamin kung sino ang nagmamay-ari ng boses na yun dahil gustohin niya mang tanongin ito sa mismong cafe ay naisip niyang sa mansyon nalamang at gusto na rin niya itong isearch agad kaya agad-agad itong umalis na tinatawag pa ng casher dahil hindi na hinintay ang sukli nito at umalis nalang agad.

At laking tuwa nito ng malamang apat na taon lamang ang agwat nila at talagang binata pa at kung gaano kaganda ang boses nito ay ganun din kaganda ang mga mata't ngiti nito. Kakaiba ang kulay ng mga mata nito, ito ay kulay dilaw. Ngunit, sa pagkatuwa nitong malaman na bata pa't wala pang asawa ay ganun din ang pagkadismaya ng mapanood ang isa nitong interview kung saan tinanong kung may napupusuan ba ito ay agad nitong inamin at sinabing may gusto siya sa matalik niyang kaibigan na isa ring Hollywood singer na si Nifer Rubles ang isa napakasikat na singer at modelo.

Nakita niya kung gaano karami ang nagkakagusto kay Carter at puro pa babae ang mga fans nito kaya labis talaga ang dinamdam nito na hanggang ngayon ay dinaramdam niya pa rin dahil para sa kaniya. Ang pagkuha na magustuhan ka rin ng taong gusto mo ang pinakamahirap, lalo na't alam mong may gusto ring iba ang taong gusto mo.

Napansin ng Doña at Merly ang pagbabago ng reaction ni Mcain na halatang sa pagkainis ay naging malungkot. Madali lang basahin ang reaction ni Mcain kung nais niyang ipakita ang nararamdaman nito at sa kanila niya lang hinahayaan ang sarili na makita nila ang totoo nitong nararamdaman.

"18 years old ka na apo kaya dapat na rin sigurong lumabas ka na bilang Mcain Xen at hindi Nex. Tandaan mo apo, ikaw si Mcain Xen Peter Fetherston, kilala ng buong mundo ang pangalan mo apo. Ang pagkatao mo nalang ang hinihintay nilang malaman" paalala ng Doña sa kaniya.

Chương tiếp theo