Chapter 873: Sobrang Tigas Ng Ulo Niya, Ang Hirap Panoorin (4)
"Oo… akala ko ang taas taas ng tingin mo sa sarili mo, ayaw mo akong makasama, kaya tumakas ka kasama yung mga pinsan mo. Bakit? Nagsawa ba sila sayo, kaya gusto mong umuwi?"
"Ikaw… ang talas talaga ng mga salita mo…" Naisip ni Qin Yumin na maraming tao na siguro ang nasktan sa mtalas na dila ng asawa niya.
"Dati na akong ganito, kilala mo naman ako… Nakakatawa ka naman, bakit nagkukunwari kang gentleman ngayon?"
Nang marinig niya ang masamang usapan, ngumiti agad si Song YIshi. "Mrs. at Mr. Qin, handa na po ang dinner. Gumawa kami ni Lan ng shrimp dumplings, masarap."
"Yishi, the best ka talaga…" ngiti ni Mrs. Qin habang pababa ng hagdanan.
Wala nang ibang sinabi si Qin Yumin. Pagkatapos iakyat ng maid ang bagahe niya, umupo ang tatlo sa hapag kainan.
"'Di ka na aalis ng bansa, 'di ba, Yishi?" tanong ni Qin Yumin.
"Hindi, 'di na ako aalis."
Hỗ trợ các tác giả và dịch giả yêu thích của bạn trong webnovel.com