"Umalis kayong lahat dito! Ayoko manatiling dito! Gusto kong lumabas! Gusto ko laruin lahat ng laro!"
Sinundan ng tingin ni Huo Mian ang pasyenteng malakas na sumisigaw at nakita niya ang isang batang lalaki na nasa 17 o 18 taon gulang na nakahiga sa kama.
Payat, madilaw ang balat at maiitim ang mga ilalim ng mga mata nito. Halatang kulang ito sa tulog.
Tiningnan ni Huo Mian ang chart ng binata – Huang Jiaming, lalaki, 17 taong gulang, grade 10, class 9 ng 2nd High School. Nang dahil sa pagkabaliw, nilabag niya ng maraming beses ang patakaran ng eskwelahan at pwersahang pina-drop out. Ang mga magulang niya ay nagmamay-ari ng isang malaking lokal na suprmarket. Siya lang ang kanilang natatanging anak at namuhay ngmarangya.
Gamit ang impormasyon na nakuha niya, halos sigurado na si Huo Mian sa nagdudulot ng mga sintomas nito.
Kaya naman lumapit siya sa binata...
Hỗ trợ các tác giả và dịch giả yêu thích của bạn trong webnovel.com