Akala ni Huo Mian na ang mga malulungkot na alaalang yun ay magpapa-iba ng trato ng nanay niya sa kanya ulit.
.
Pero, nagulat siya, si Yang Meirong ay napatikom at sinabi, "Matagal na siyang patay, Bakit pa kailangan natin itong pag-usapan? Masaya na ako ngayon, tara at i-enjoy na lang natin ang pagkain."
Natural, ang ibang mga babae ay nagpalit ng mapag-uusapan nang marinig nila ito kay Yang Meirong.
Habang sila'y naghahapunan, si Huo Mian ay pumunta sa kusina para kumuha ng kanin, at tahimik siyang sinundan ni Jing Zhixin.
"Sis, kalimutan mo na yung mga matatandang babae, machismis lang talaga sila."
"Alam ko naman, kinalimutan ko na yun."
"Maganda kung ganun. Mukhang di ka na abala nitong mga nakaraaang araw, tama?" Tanong ni Jing Zhixin sa kanyang kapatid.
"Oo, binigyan ako ng ospital ng tatlong araw na pahinga kaya wala ako masyadong gagawin."
Hỗ trợ các tác giả và dịch giả yêu thích của bạn trong webnovel.com