webnovel

Ang dalawa sa tatlong pinakamasasayang bagay (5)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Parang kailan lang, walong taon na kaagad ang lumipas, kaya oras na para

pumasok sina Little Rice Cake at Little Red Bean sa elementary school.

Katapusan ng Agosto tumama ang Mid-Autumn festival, kaya sama-sama

silang nagtipon sa bahay ng mga Qiao. Dinala nina Lu Jinnian at Qiao Anhao si

Little Rice Cake, sina Xu Jiamu at Song Xiangsi naman ay sinama rin si Little

Red Bean, samantalang sina Cheng Yang at Qiao Anxia ay parang

mag'girlfriend at mag'boyfriend pa rin na hanggang ngayon ay walang dalang

anak.

Kahit na nagkaroon ng iringan noon sa pagitan nina Han Ruchu, Lu Jinnian at

Qiao Anhao, malinaw sa lahat na kung ano man ang mga nangyari noon ay

hindi na damay dun si Xu Jiamu. Isa pa, best friend ito nina Qiao Anhao at

Qiao Anxia, kaya magaan talaga ang loob sakanya nina Auntie at Uncle Qiao.

Sina Little Rice Cake at Little Red Bean nalang ang mga naiwang bata sa

pamilya, kaya lahat sila ay giliw na giliw sa dalawang ito. Kumpara kay Lu

Jinnian, mas na'spoiled ni Xu Jiamu ang anak niya dahil mas naging

emosyunal ang naging pagkikita nila, pero sa kabila nito, hindi pa rin nito

malalamangan ang pangs'spoil nina Chen Yang at Qiao Anxia sa dalawan

bata.

Bilang isang malaking pamilya, masaya nilang pinagdiwang ang Mid-Autumn

festival, pero pagsapit ng alas otso ng gabi, nakatulog na ang dalawang bata

sa sobrang pagod kakalaro buong araw. Ang isa ay nakatulog kay Chen Yang

ang isa naman ay kay Qiao Anxia.

Nang makita ito ni Auntie Qiao, dali-dali siyang nagpahanda ng kwarto para

makahiga ang dalawa.

Gusto sana nina Lu Jinnian at Xu Jiamu na sila nalang ang magbuhat ng mga

anak nila, pero hindi pumayag sina Chen Yang at Qiao Anxia na ibigay ang

mga ito, kaya sila nalang ang nag'akyat sa mga ito.

Pagkalapag ni Qiao Anxia kay Little Rice Cake, dumiretso siya sa CR para

kumuha ng basang bimpo. Habang nasa labas, naiwan si Cheng Yang sa loob

habang binabantayan ang dalawang bata. Bakas sa mga mata nito ang

naguumapaw na pagmamahal na may halong hindi maintindihan na inggit.

Nang makita ito ni Qiao Anxia, bigla siyang natigilan, pero hindi nagtagal,

pumasok si Qiao Anhao kaya dali-dali siyang ngumiti at naglakad pabalik dala

ang mga basang bimpo na gagamitin nilang pampunas sa mukha ng mga bata.

Pagkababa nilang tatlong, nakita nilang nakapulupot si Auntie Qiao kay Song

Xiangsi at aliw na aliw na nakikpag'kwentuhan ng mga pinaka bagong balita sa

entertainment industry.

Sa totoo lang, wala naman talagang interes dati si Auntie Qiao sa

entertainment industry, pero simula noong magpakasal sina Qiao Anxia at

Cheng Yang, nahilig na siyang manuod ng TV at kagaya ng mga teenager, may

mga crush din siya.

Bandang huli, umabot ang usapan nila sa isang direktor. Tinanong ni Auntie

Qiao kung totoo bang pito ang anak nito.

Kinumpirma naman ni Song Xiangsi.

Sakto, kasalukuyang bumababa si Qiao Anxia nang muli itong magsalita, "Alam

mo… Biyaya kayang magkaroon ng maraming anak… Kahit mahal, sulit

naman."

Pero dahil likas talagang sensitibo si Song Xiangsi, dali-dali niyang binago ang

usapan nang makita niya si Qiao Anxia.

Malinaw naman kay Qiao Anxia ang intensyon ni Song Xiangsi, kaya para hindi

na rin lumaki ang gulo, nagpanggap nalang siyang walang narinig. "Ma."

Nagpatuloy pa ang kasiyahan hanggang alas dose ng madaling araw bago sila

magsi'uwian.

Habang nasa byahe pauwi, may tumawag kay Chen Yang na kaklase niya

noong college para imbitahan silang dalawa ni Qiao Anxia sa isang salu-salo

dahil nanganak daw ng kambal ang asawa nito.

Hindi naman siya tumanggi at nangakong makakarating sila.

Noong oras na 'yun, antok na antok na si Qiao Anxia, pero dahil sa tawag na

ito, bigla siyang nagising.

Chương tiếp theo