webnovel

Pagpapatuloy (4)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Literal na nanlaki ang mga mata ni Xu Jiamu sa sobrang gulat habang

hinihintay si Song Xiangsi na matapos sa pagpapaliwanag. Pagkalipas ng

tatlong segundo, inis na inis siyang sumagot, "Diba kasal ka na? Bakit hindi

mo nalang papuntahin ang asawa mo dito?"

Dahil sa naging reaksyon ni Xu Jiamu, biglang namutla si Song Xiangsi at

hindi na nakapagsalita.

Hindi alam ni Xu Jiamu kung bakit ito ginagawa ni Song Xiangsi kaya sa galit

niya, walang preno siyang nagpatuloy, "Bakit? Nahihiya ka na sabihin sa

papa mo na nagpakasal ka sa lalaking mas matanda sayo at madrasta ka na

ngayon ng dalawang bata? Natatakot ka ban a madisappoint siya sayo at

mamatay siyang masama ang loob?"

Wala sa plano ni Song Xiangsi na linawin kay Xu Jiamu ang lahat… Ang

gusto niya lang naman ay maging masaya ang papa niya sa mga huli nitong

araw, kaya hindi na siya umimik at lumong lumong pinakinggan nalang ang

mga pangiinsulto nito.

Malinaw na nanlilisik ang mga mata ni Xu Jiamu habang nakatitig sa

nakayukong Song Xiangsi, pero nang maramdaman niya kung gaano ito

kalungkot sa naging sagot niya, maging siya ay nahimasmasan din kaya

pinilit niyang kumalma ng bahagya at sinabi, "Tara na nga."

Kaya gulat na gulat na napatingin sakanya si Song Xiangsi.

Hindi na siya sumagot pa at hinila na ang kamay ni Song Xiangsi pabalik sa

kwarto ng papa nito, pero noong malapit na sila, naalala niya na namamaga

nga pala ang paa nito, kaya bigla niyang binagalaan ang paglalakad.

Pero nang itutulak na sana niya ang pintuan, bigla siyang pinigilan ni Song

Xiangsi, kaya muli, tinignan niya ito ng may nanlilisik na mga mata.

Dali-dali namang umiwas si Song Xiangsi sa tingin nito, at kinakabahang

nagpaliwanag, "Sinabi ko kasi kay papa na may boyfriend ako at eleven years

na kami ngayon… Sinabi ko rin sakanya noon na mayaman siya at may

malaki siyang kumpanya…. at… at….may plano siyang pakasalan ako next

year."

Biglang kumunot ang noo ni Xu Jiamu.

Sa puntong ito, hindi na talaga kayang tumingin ni Song Xiangsi ng diretso sa

mga mata ni Xu Jiamu, sa takot na baka panghuhusga at pandidiri lang ang

makita niya. "At… Yung fifty thousand dollars… Ang alam kasi ni papa galing

talaga yun sa boyfriend ko."

"Sabi ko sakanya, sobrang bait ng boyfriend ko..."

Halos hindi na makapagsalita si Song Xiangsi sa sobrang kahihiyan kay Xu

Jiamu, kaya halos limang segundo rin siyang natigilan, bago siya magpatuloy

na halos hindi na marinig sa sobrang hina, "Kaya, pwede bang magpanggap

kang sweet sakin mamaya… Kahit sa harapan lang ni papa…"

Pagkatapos niyang bitawan ang mga salitang ito, naisip niya na baka

masyado na siyang demanding, kaya dali-dali siyang nagpatuloy para palitan

ang sinabi niya, "Sa totoo lang, hindi mo naman kailangan maging sweet

sakin. Umupo ka lang sandali sa tabi niya, sampung minuto… pinaka matagal

na yun.. O kung gusto mo, limang minuto nalang… Hindi mo kailangang

magsalita masyado, ngitian mo nalang siya at umoo sa lahat ng sasabihin

niya…"

Sa totoo lang, hindi maipaliwanag ni Xu Jiamu ang nararamdaman niya…Ito

kasi ang unang pagkakataon na nakita niya si Song Xiangsi na sobrang

nagpakababa sa harapan niya, kaya ang galit na nararamdaman niya kanina

ay biglang napalitan ng awa…

Hindi tumanggi si Xu Jiamu, at dahan-dahang kumatok sa pintuan. Nang

marinig niya ang medyo paos na boses ng isang lalaki na nagsabing "Pasok",

binuksan niya ito at pumasok ng hawak hawak ang kamay ni Song Xiangsi.

"Pa, ipapakilala ko lang po kayo sakanya, siya po ang…." Ngayon na nasa

tabi niya na si Xu Jiamu, hindi inaasahan ni Song Xiangsi na di hamak na

mas mahirap ito kumpara sa inakala niya, kaya halos tatlong segundo rin

siyang natigilan bago magpatuloy, "Boyfriend ko po, si Xu Jiamu."

"Hello, uncle," Magalang bati ni Xu Jiamu bago siya yumuko sa harapan ni

Mr. Song.

Chương tiếp theo