webnovel

Labintatlong taon kitang minahal (22)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Kung si Lu Jinnian ang paguusapan, hindi maintindihan ni Xu Jiamu ang nararamdaman niya para sakanyang kapatid.

May mga pagkakataon talaga na ang mga kalalakihan ay masyadong mapupusok at mabilis uminit ang ulo. Noong nalaman niya na binili ni Lu Jinnian ang malaking parte ng Xu Enterprise, pinuntahan niya ang kapatid niya para tanungin kung anong dahilan nito. Pero noong nasa lobby na siya ng Huan Ying Entertainment, may tumawag sakanya para sabihing si Lu Jinnian ang dahilan kung bakit napurnada ang investment ng kanyang ina na siya ring naging dahilan kung bakit bumagsak ang stocks ng Xu Enterprise. 

Higit sa lahat, nahimatay pa ang nanay niya sa sobrang sama ng loob. Noong mga oras na 'yun, hindi niya ikinakaila na kumulo talaga ang dugo niya sa kanyang kapatid kaya naman kung anu ano nalang ang nasabi niya rito. Pero kahit dumating na sila sa punto na tuluyan ng nasira ang mabuti nilang ugnayan, hindi niya pa rin maiwasang magalit noong narinig niyang sinasabihan ng sarili niyang ina at ng kanilang mayordoma ng masasakit na salita ang kanyang kapatid.

Nangingibabaw ang lungkot sa puso ni Xu Jiamu. Kahit gaano pa kasama ang naging trato sakanya ni Lu Jinnian, hindi niya pa rin kayang tanggapin na magkakalayo na sila ng kanyang half-brother… Napakuskos nalang ng mukha at napalunok ng laway si Xu Jiamu sa sobrang pagkagulo ng kanyang isip. Hindi nagtagal, muli siyang nagsalita na halatang hinang hina na, "Qiao Qiao, pumasok ka muna sa loob. Samahan mo si mommy. Medyo masakit ang mga nasabi ko, siguradong nasaktan siya."

Tumungo lang si Qiao Anhao bilang tugon.

Mabilis na bumaba ng hagdanan at lumabas ng bahay si Xu Jiamu. Dumiretso siya sa isang puno na nasa kanilang bakuran kung saan siya sumandal at nagsindi ng sigarilyo. Habang napapalibutan ng usok, inalala niya yung mga panahong bata at pilyo pa siya.

Sa ilalim ng parehong puno, nagsindi siya ng paputok na muntik niya ng ikabulag. Ang kanyang napakatahimik na kapatid, na maikukumpara niya sa isang napaka hinhin at magandang babae, ang biglang umagaw sakanya ng paputok. 

Noong mga panahong 'yun, itinuturing siyang munting hari ng Xu Family kaya sa isang iyak niya lang ay maglalabasan na ang lahat. Kahit maraming taon na ang lumipas, tandang tanda niya pa rin kung paano siya sinamahan ng lahat papasok sa bahay nila noong araw na 'yun. Pagkalingon niya, nakita niya ang imahe ng isang bata na kahit kailan ay hinding hindi na mawawala sa isip niya – si Lu Jinnian na magisang nakatayo sa ilalim ng puno na para bang walang pakielam sa mga nangyari pero halatang nasaktan ng dahil sa paputok inagaw nito na makikita sa sobrang panginginig ng kamay nito. 

Habang inaalala ni Xu Jiamu ang nakaran, hindi niya mapigilan ang sarili niyang maluha kaya humithit siya ng malakas sa hawak niyang sigarilyo. 

-

Pagkabalik ni Qiao Anhao sa kwarto, nakita niya na kinakalma ng mayordoma si Han Ruchu. Umupo siya sa isang gilid ng kama at may ilan din siyang sinabi para pakalmahin ito. Noong mga oras na 'yun, hindi mawala sa isip niya si Lu Jinnian.

Nagkaroon ng leukemia si Lu Jinnian noong tatlong taong gulang palang ito at si Xu Jiamu ang nagligtas dito….. Si Xu Jiamu ang nagligtas ng buhay nito. Pero, bakit naman itatrato ni Lu Jinnian ng ganun ang taong nagligtas sa buhay nito? Isa pa, kung gusto talaga nitong maghiganti sa Xu Family, bakit hindi nito tinanggal si Xu Jiamu sa kumpanya?

Sa totoo lang, hindi tumanggi si Lu Jinnian noong tinanong niya ito ng tatlong beses. Para sakanya, mas masakit yun kumpara kung sa balita niya ito maririnig. Noong mga oras na 'yun, nawalan siya ng oagkakataong makasagot kaya hindi niya alam kung anong sasabihin niya. Ngayon na mas naging kalmado na siya, hindi mawala isa sa mga bumabagabag sa isip niya ay ang mga sinabi ng mayordoma at ni Xu Jiamu. Hindi niya maintindihan ang mga bagay-bagay pero pakiramdama niya ay may mali.

Kanina, natatakot siyang harapin ang paguusap dahil ang nagsasalita laban sa taong mahal niya ay isa sa mga taong nagpalaki sakanya. Ngayon, sobrang nalilito siya at hindi niya maintindihan kung anong nararamdaman niya.

Masyado siyang naging emosyunal kaya hindi niya na napagisipan ang mga sasabihin niya. At hindi rin siya nakinig kay Lu Jinnian noong nagsasalita ito kanina…Ngayon na pinagdudugtong niya ang mga nangyari, matapos niyang sabihin na "Kung si Xu Jiamu yan, siguradong hindi niya gagawin yan sayo", ano nga ulit ang sinabi ni Lu Jinnian sakanya? Parang may ipinapaliwanag ito sakanya?

Chương tiếp theo