webnovel

Lihim na karamay (6)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Biglang natigilan si Xu Jiamu bago siya muling tumingin sa delivery man para magpatuloy sa pakikinig sa sinasabi nito. "Kalahating kilo ng celery, isang bag ng star anise, toyo, suka, isang bag ng asin, isang kilo ng sili…

"Sir, ito na po ang lahat ng inorder niyo," mungkahi ng delivery man habang inaabot kay Xu Jiamu ang listahan. "Pwede po ba kayong pumirma dito?"

Kinuha ni Xu Jiamu ang pen at pumirma. Pagkaalis ng delivery man, nanatili pa siyang nakatayo sa may pintuan ng kalahating minuto bago niya iwanan ang mga kahon na nasa tabi niya para maglakad papunta sa katabing mansyon.

Pinindot niya ang doorbell gamit ang isa niyang kamay habang nakapamulsa ang isa niya pang kamay. Medyo matagal siyang naghintay at nang magbukas na ang pintuan, masaya siyang ngumiti at masigasig na bumati, "Bro."

Noong narinig ni Lu Jinnian ang doorbell, wala siyang ideya kung sino ang posibleng dumating kaya laking gulat niya na makita si Xu Jiamu na masayang nakangiti nang sandaling buksan niya ang pintuan. Bigla siyang natigilan pero hindi nagtagal ay bahagya siyang tumango rito bilang pagsagot sa naging pagbati nito.

Sanay na si Xu Jiamu sa ugali ni Lu Jinnian kaya hindi niya dinibdib ang naging pagsagot nito. Nanatili siyang masayang nakangiti at sinabi, "Bro, inimbitahan ko si Anxia at ang mga iba pa para magdinner ngayong gabi. Gusto mo bang sumama?"

Sinilip ni Lu Jinnian ang mansyon ni Xu Jiamu at naalala niya ang imahe ni Qiao Anhao na hinihila ang maleta nito papasok sa katabing bahay noong isang umaga habang nagbubukas siya ng mga kurtina. Matapos ang ilang sandali, iginalaw niya ang kanyang mga labi at sumagot gamit lamang ang isang salita, "Sige"

-

Sa kasalukuyan, maituturing pa rin sina Qiao Anhao at Xu Jiamu na magasawa pangalan kahit pa nagkasundo na sina Qiao Anhao at Xu Jiamu na magdidivorce na sila. Matapos niyang umalis sa mansyon ni Lu Jinnian, batid niyang hindi na siya maaring bumalik sa bahay ng Qiao family at ayaw niya rin namang manhirahan kasama ang mga Xu dahil alam niyang kakailanganin nilang magsama ni Xu Jiamu sa iisang kwarto. Matagal niya itong pinagisipan hanggang sa mapagdesisyunan niya na bumalik nalang sa Mian Xiu Garden ngunit sa pagkakataong ito, hindi na sa mansyon ni Lu Jinnian, kundi sa mansyon na ni Xu Jiamu.

Pero dahil nagmamadali na siyang umalis para sa gagawin niyang commercial sa ibang bansa, inilapag niya lang ang kanyang maleta sa mansyon ni Xu Jiamu at dali-dali rin siyang umalis kaagad para maabutan ang kanyang flight.

Sobrang napagod siya sa naging biyahe niya mula Paris hanggang Beijing kaya nang sandaling tumuntong siya sa Beijing nitong umaga, agad siyang dumiretso sa Mian Xiu Garden para makapagpahinga.

Pagkagising niya kinahapunan, may mga boses siyang naririnig na parang naguusap sa baba. Noong una, akala niya ay nanaginip lang siya kaya nagpalit lang siya ng pwesto at muling ipinikit ang kanyang mga mata para ipagpatuloy ang kanyang tulog. Pero hindi nagtagal, lalo pang lumakas ang mga boses kaya kahit nakapajamas pa siya ay dali-dali siyang bumangon at tumakbo pababa. Sinilip niya ang living room at nakita niya na maraming tao rito na naguusap at nagtatawanan.

Medyo sumakit ang ulo ni Qiao Anhao dahil sa gulo ng nakita niya pero bago pa man din siya tuluyang mahimasmasan, bigla niyang narinig ang boses ni Qiao Anxia na kinakausap siya. "Qiao Qiao, kakagising mo lang?"

Napakunot si Qiao Ahao ng kanyang mga kilay. "Sis, bakit nandito kayong lahat?"

"Sabi ni Jiamu magluluto daw siya ng dinner para sa lahat." Itinuro ni Qiao Anxia ang pintuan kung saan nakita ni Qiao Anhao si Xu Jiamu na nakaluhod sa tabi ng isang karton habang inaayos ang iba't-ibang klase ng gulay at prutas. 

Si Xu Jiamu na may hawak na isang kahon ng kamatis ay biglang lumingon para tignan si Qiao Anhao. "Qiao Qiao, nakabalik ka na pala galing France? Kamusta ang commercial?"

"Mabuti naman…" Habang nagsasalita si Qiao Anhao, biglang tumunog ang doorbell. Tatayo na sana si Xu Jiamu mula sa sahig pero biglang naglakad si Qiao Anhao at sinabi, "Ako na."

Hindi na siya sumilip sa peephole ng pintuan at walang alinlangan niya itong hinila para pagbuksan ang taong nasa labas. Pagkaangat niya ng kanyang ulo, nakita niya ang napaka gwapong itsura ni Lu Jinnian.

Chương tiếp theo