webnovel

Will You Always Love Her? (4)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Narealize ni Qiao Anhao pagkatapos magtanong ni Lu Jinnian na na hindi ito maysadong nakakaipagusap sakanya noon. Nilunok niya muna ang pagkain na nasa kanyang chopsticks at mahinang sinabi, "Umakyat ako sa bintana"

Umakyat sa bintana…Nakagat ni Lu Jinnian ang kanyang labi. Kinuha niya ang kanyang chopsticks at kumuha ng random na ulam at isinubo para pigilan ang kanyang ngiti. Itinuloy niya ang kanyang pagkain at hindi nagsasalita.

Pagkatapos ay dahan dahang tinignan ni Qiao Anhao si Lu Jinnian. Mukhang wala naman itong balak na pagusapan ang mga naging pagtatalo nila noon. Dahil dito, nagpatuloy siya sa kanyang pagkain habang nakayuko at sinimot ang kanyang kanin.

Sobrang tahimik ng dining room. Kumakain sila ng magkaharap pero hindi manlang naguusap.

Noong malapit na silang matapos kumain, biglang nagsalita si Lu Jinnian at nagsabi ng anim na number.

Nagulat si Qiao Anaho at tinignan si Lu Jinnian. Nanlaki ang kanyang mga mata dahil wala siyang kaalam alam sa sinasabi nito.

Bago magpatuloy sa kanyang pagkain, sumulyap muna si Lu Jinnian si Qiao Anhao at noong naramdaman niyang busog na siya, inilapag niya ang kanyang chopsticks at inulit ang anim na number, bigla niyang tanong, "Kuha mo?"

Ano yun? Tumango si Qiao Anhao para sabihing naalala niya pero bigla rin siyang umiling.

Biglang kumunot ang mga kilay ni Lu Jinnian at sa kagustuhan niyang makuha ito ni Qiao Anhao, tumayo siya at umalis ng dining room para kumuha ng papael. Pagbalik niya, inilagay niya ito sa harap ni Qiao Anhao.

Isinulat niya sa papel ng nakacursive writing ang anim na number na sinabi niya.

Tinignan ni Qiao Anhao ang papel. Tapos tumingin siya ulit kay Lu Jinnian.

Tinignan ni Lu Jinnian si Qiao Anhao mula sa itaas at ang kanyang napaka gwapong mukha ay walang reaksyong itinuro ang papel. Kumatok siya ng dalawang beses at sinabi ang limang salita, "The passcode to the mansion."

Tumalikod siya at umalis ng dining room.

Biglang may pumasok sa isip ni Lu Jinnian at huminto siya sa may pintuan, pagharap niya ay sinabi niya, "Mula ngayon ay huwag ka ng aakyat sa bintana. Kapag nahuli ka ng security system, tatawag yun ng pulis. At kapag nangyari yun, wag mo akong ituturo para piyansahan ka sa police station."

Pagkatapos sabihin niyang sabihin ang gusto niyang sabihin ay umalis na siya agad.

Pagkaakyat niya, nakita niyang hindi nakasara ng maayos ang kanyang floor-to ceiling window.

Hindi niya pa nasasabi sa kanyang assistant ang tungkol sa kanyang mansyon sa Mount Yi dahil kapag hindi maganda ang mood niya o kaya ay may sakit siya, kadalasan mas gusto niyang mapag-isa. Dahil dito, hindi siya nakahanap ng part-time na tagalinis kaya sa ngayon ay siya lang ang nagaasikaso ng mansyon. Noong pumunta siya rito few months ago, diniligan niya ang mga halaman at binuksan ang bintana para makapasok ang sariwang hangin, siguro doon niya nakalimutang isara ito.

Habang inaabot ni Lu Jinnian ang kanyang floor-to-ceiling window para maisarado ito, bigla niyang naisip yung taong nasa dining room na kumakain. Napatigil siya at sa huli ay hinayaan niya nalang na nakabukas ang bintana at patuloy siyang umakyat sa taas.

Ang passcode na may anim na numero. Pagkatapos niya itong sabihin ng dalawang beses, hindi pa rin ito maintindihan ni Qiao Anhao at ang isinulat niya sa papel, sinong nakakaalam baka bigla niya iyong mawala. Kapag bumalik siya…at kailangan nanaman niyang umakyat sa bintana… dahil mahilig naman talaga siyang umakyat sa binta, mas mabuti ng hayaan niya nalang itong nakabukas.

Chương tiếp theo