Kahit na nais ni Tangning na malaman kung sino ang bidang lalake, hindi niya ito ipinakikita sa kanyangng mukha. Alam niya, kapag sa wakas ay magkaroon sila ng eksenang magkasama, sila ay magkikita rin. Kaya, kaunting panahon na lamang iyon.
Dahil si Tangning ay walang manager at assistant na nasa kanyang tabi, ang mga crew ang nagaalaga sa kanya. Sa katotohanan, ilang miyembro ng staff ay hindi masyadong maintindihan kung ano ang iniisip ni Tangning.
"Tingnan mo ang iyong sarili. Ikaw ay napakasikat at mayroon ng lahat ng gusto mo, bakit hindi hanapan ang iyong sarili ng assistant? Kung titingnan mo ang ibang kilalang tao, sila ay mayroong 2 assistant at 4 na bodyguard sa kanilang tabi; ito ay normal na sa ngayon. Pero, ginagawa mo pa ring mag isa ang lahat ng ito ."
Ang auntie na naghahatid ng pananghalian ang nakapansin na wala ni isa man ang kumuha ng pagkain ni Tangning para sa tanghalian, kaya personal niyang dinala ito kay Tangning.
Hỗ trợ các tác giả và dịch giả yêu thích của bạn trong webnovel.com