webnovel

The Time Was Right

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Sa daan pabalik ng Beijing, ang isipan Ni Chen Xingyan ay punong puno ng katanungan. Bakit bigla na lamang mayroong tsismis na ang kanyang ina ay nagkukunwaring ina ni Mo Ting?

Sino si Mo Ting?

At sino si Hua Wenfeng?

"Paanong nasangkot ang aking ina sa dalawang malalaking pangalan na ito?"

Si An Zihao ay nagmamaneho na ang isang kamay ay nasa manibela habang bahagyang kumikiling upang tumingin kay Chen Xingyan. "Kung ang ibang tao ang mapupunta sa iyong posisyon, sila ay magtatalon na sa saya sa posibilidad na maging kapatid ni Mo Ting. Sa totoo lang, nararamdaman mo rin iyon sa kaibuturan ng iyong puso di ba?" Ismid ni An Zihao.

Nang marinig ito, humarap si Chen Xingyan at tumingin kay An Zihao, "Taon ng karanasan ang nagsasabi sa akin na ako kailanman ay hindi isang pangkaraniwang tao."

"Hindi ka rin mayadong mapagkumbabang tao."

Chương bị khóa

Hỗ trợ các tác giả và dịch giả yêu thích của bạn trong webnovel.com

Chương tiếp theo