Bilang karagdagan, maingat din niyang pinag aralan ang mga nakapaligid na surveillance camera, tiningnan kung saan ang bawat isa nakalugar at pinag aralan ang pinakamagandang blind spots. Bukod pa dito, nagtago rin siya sa research lab at nag aral ng drug interaction ng ilang araw. Kailangan niyang makahanap ng pinaka malinis na paraan ng pag atake.
...
Sa mga nakaraang panahong iyon, si Tangning ay hindi mapalagay. Palagi siyang nakakaramdam na tila may isang tao ang nanunubok sa kanya, pinapanood ang kanyang bawat kilos.
Ipinaliwag ni Auntie Bai na ito ay dahil sa siya ay malapit ng manganak, kaya natural lamang na siya ay masyadong maging sensitibo sa kanyang kapaligiran. Pinag isipan ni Tangning ang tungkol sa paliwanag ni Auntie Bai ng ilang sandali at napakiramdaman na lubha naman itong may katwiran.
Hỗ trợ các tác giả và dịch giả yêu thích của bạn trong webnovel.com