Alas 10 ng umaga. Ipinahanda ni Mo Ting para sa mga kinatawan mula sa Switzerland na manatili sa isang hotel na malapit sa Hai Rui. Ang 3 lalaki at 2 babae ay tila bahagyang naiinis sa byahe.
"Hindi ba iniiwasan na natin ang makatrabaho ang Tang Corps? Ang CEO ay kasalukuyang nawawala, kaya wala ng paraan upang ipagpatuloy pa ang ating pakikipagtulungan. Napakaraming malalaking kumpanya ang naghihitay na makatrabaho tayo, bakit ba pinipilit ng Boss pumunta tayo sa Beijing?" isa sa kinakatawan ang nagsalita sa naguguluhang tono habang nakaupo sa sofa.
"Sa palagay mo ba na ikaw lang ang tanging hindi nakakaintindi? Kinailangan nating pumunta dito sa impyenong lugar na ito, kung saan ang hangin ay madumi."
"Magtiis ka na lang ng kaunti. Maaari na tayong umalis pagkatapos nating makipagkita sa kanila."
Hỗ trợ các tác giả và dịch giả yêu thích của bạn trong webnovel.com