webnovel

24 Beses ang Sabi ng Patnubay

Biên tập viên: LiberReverieGroup

"Nakalimutan ko." Pasimpleng tugon ni Ye Xiu na naging dahilan kung bakit hindi nakahanap ng dahilan si Chen Guo para kumutya. Siya'y kasalukuyang naka-abang para magnakaw ng kills at wala nang iba pa. Wala siya sa kahit ano mang peligro, kaya mabilis siyang umalis sa game at naghanap ng patnubay para sa Skeleton Graveyard. Tanong niya kay Ye Xiu, "Anong BOSS?"

"Skeleton Warrior. Kung anong gagawin para ma-drop niya ang Saber, 100% sa lahat ng oras." Tugon ni Ye Xiu.

"Saber? 100% drop?" Mga limang taon nang hindi nagagawa ni Chen Guo ang mga ganitong low-level dungon. Alam niya kung ano ang Saber sa kadahilanang madalas niyang dinadala ang mga iba para hanapin ang item na ito. Pero wala siyang alam tungkol sa mga patnubay na mayroong ganoong impormasyon. Sa bagay, ang naaalala lang niya ay ang kaniyang pag-clear sa dungeon gamit ang kaniyang main account, bakit pa siya maghahanap ng mga ganitong patnubay?

"Yeah, gamitin mo yan bilang kauna-unahang paksa." Sagot ni Ye Xiu na may pagtitiwala sa sarili. Kahit na nakalimutan niya ang mga detalye, alam niyang umiiral talaga ito dahil ito'y isinulat din niya noon.

Mabilis na isinulat ni Chen Guo ang keywords, "Skeleton Warrior", "Saber", "100%" at sa inaasaha'y may mga resultang lumitaw. Noong nakita ang forum post's date, nalaman na ito'y sampung taon na pala. Binuksan ni Chen Guo at tiningnan. Siya'y mabilis na nasurpresa: "Ito'y post ni Ye Qiu." Ang pangalan ng orihinal na naglathala, sa kaniyang gulat, ay si One Autumn Leaf.

Hindi ito sekreto sa Glory community. Alam ng lahat na bago pa nagkaroon ng Glory Professional Alliance, ang ID ni Ye Qiu ay kilala na bilang isang bihasa. Kung hindi, ang Professional Alliance ay hindi siya iimbitahin bilang pro-gamer.

"Oo, yan. Tingnan mo kung ilang beses ko dapat tamaan ang hibilya na nakakapit sa Saber." Sabi ni Ye Xiu.

"Ano?" Hindi pa nakikita ni Chen Guo itong post. Sandali'y wala siyang alam sa kung ano ang sinasabi ni Ye Xiu. Mabilisan niyang tiningnan ang post at sawakas ay nakita niya ang hinahanap ni Ye Xiu.

"24 beses. May mga larawan pa kung saan ito tatamaan. Gusto mong makita?" Sabi ni Chen Guo.

"Palakihin mo para makita ko." Tugon ni Ye Xiu.

Binuksan ni Chen Guo ang larawan at pinalaki, "Heto, tingnan mo."

Ibinaling ni Ye Xiu ang kaniyang ulo at sandaling tiningnan ito bago bumaling palayo.

"Tapos ka na?" Nagimbal si Chen Guo.

"Oo." Sabi ni Ye Xiu.

"May ibang kailangan ka pa ba?" Tanong ni Chen Guo.

"Wala." Tugon ni Ye Xiu. Naalala niyang kailangan niyang bigyan ng saktong damage and mga targets. Kahit hindi niya naaalala kung magkanong eksakto, pero kasama ang Myriad Manifestation Umbrella's 180 Physical Attack plus ang kaniyang strength, naniniwala siyang abot ni Lord Grim ang kinakailangan.

"Seven Fields, punta ka sa kaliwa; Sunset Clouds, ikutan mo sa likod; Drifting Water medyo atras ka pabalik kung hindi tatamaan ka ng susunod na shock wave." Mabilisang inutusan ni Ye Xiu ang tatlo sa kani-kanilang mga posisyon, habang pinagpapatuloy ang paghahanap ng opportunidad para umatake. Noon, ang apat na mga players ay palaging umiilag lang. Kapag walang utos ni Ye Xiu, walang nagpangahas na umatake. Habang naghahanap si Ye Xiu nang patnubay, Sina Seven Fields at ang iba pa'y hindi alam na hindi siya naghahanap ng patnubay kung paano talunin ang Skeleton Warrio, kung hindi'y ano ang gagawin para ma-drop ang kaniyang Saber 100% sa lahat ng oras.

Ang Saber na ito'y ornamental equipment lamang, wala itong epekto sa strength ng tao, kaya ito'y may 100% drop method. Pero kinakailangan parin ng pambihirang husay para magawa ito.

Natapon na ni Chen Guo ang kaniyang laro at nakatayo sa likod ni Ye Xiu. Gusto niyang makita kung papaanong tatamaan ni Ye Xiu ang Saber Buckle ng 24 na beses. Tiningnan niya ang patnubay. Ang hibilyang iyon ay nasa balakang ng Skeleton Warrior. Ang player ay kinakailangang tamaan ang hibilya sa lahat ng direksyon. Kung hindi nakalapit ng kahit two meters ang player, ito'y imposibleng tamaan.

Kinontrol na ni Ye Xiu si Lord Grim para harapin ang BOSS. Nung pinagaling niya ang party, ang Skeleton Warrior ay minarkahan siya bilang pinakaunang target. Si Lord Grim ay paulit-ulit na umilag habang sina Seven Fields at ang iba pa'y nagpaikot-ikot sa paligid, naghihintay ng utos sa pag sugod mula kay Ye Xiu.

Pagkatapos tiningnan ni Ye Xiu ang patnubay, inilagay niya silang tatlo sa malayo. Walang alam ang tatlo sa intensyon ni Ye Xiu, sila'y nakinig lang sa kaniyang utos. Nung nakita nilang kaharap ni Lord Grim ang Skeleton Warrior, tumindig ang kanilang balahibo: Sawakas ay magsisimula na ang labanan.

Ang Skeleton Warrior ay mabilis na sumugod, mula ulo hanggang paa'y may nakakarinding tunog ang lumalabas sa kaniyang katawan. Ibinaling ni Ye Xiu si Lord Grim para harapin ito, pero ang kaniyang mga mata'y nakatutok lang sa balakang ng Skeleton Warrior. Si Chen Guo, na nasa likod niya'y, nadiskubrehan: Ito'y mas mahirap pa sa kaniyang iniisip, ang patnubay ginawang madaling makita ang target sa Saber Buckle. Pero sa paghaharap, ang Skeleton Warrior ay nagwawagayway, sa galaw nitoy' natatago ang targets sa Saber Buckle.

Iniunat ng Skeleton Warrior ang kaniyang espada habang two meters ang agwat kay Ye Xiu. Kalmado at walang pagmamadali, mabilis na umatake si Ye Xiu. Paniguradong ang attack speed ng kaniyang Myriad Manifestation Umbrella ay mas mataas pa sa malaking espada. Kadalasan, ang mga higanteng espada ay may attack speed na 1. Sa ganito kalayo, kahit na malaki ang higanteng espada ng Skeleton Warrior, ang taas nito'y hindi nakakakumpara sa battle lance.

Mahinahon na pinindot ni Ye Xiu ang kaniyang mouse. Ang battle lance ni Lord Grim ay lumipad, natagalan pero unang dumating, sinaksak ang kalansay gamit ang Dragon Tooth. Habang ang Skeleton Warrior ay pansamantalang natuliro, si Lord Grim ay nasa harapan na nito at ginamit ang Sky Strike.

Ang katawan ng Skeleton Warrior ay mas mabigat kung ikukumpara sa Midnight Phantom Cat, pero ito'y mas magaan parin kaysa dun sa malaking-ulo at matabang-tiyan na Spider BOSS. Pagkatapos ng Sky Strike, ang Skeleton Warrior ay lumipad pataas. Hindi pinalampas ni Lord Grim and opportunidad at sinaksak, ang atake'y lumikha ng tunog na kakaiba sa tunog ng paghataw sa kalansay ng Skeleton Warrior.

"Natamaan mo." Natutuwang sigaw ni Chen Guo.

"Isang beses lang iyon." Sabi ni Ye Xiu na walang pagaatubili. Sa pitik ng kaniyang mga kamay, umikot si Lord Grim at humataw ulit. Ang Skeleton Warrior na napalipad ay natamaan uli ng Sky Strike, kasama ang isang "peng" na tunog, ang atake'y tumama rin sa kaniyang sibilya.

Hindi naging masiba si Ye Xiu, pagkatapos ng dalawang tama, mabilis niyang kinontrol si Lord Grim para umurong. Habang papatayo ang Skeleton Warrior, tinamaan niya ang lupa para suportahan ang sarili, at gumawa ng 360 degree shock wave. Ito'y para mapigilan ang mga walang hiyang manlalaro sa pagpapatuloy sa pag-combo sa kaniya gamit ang knock down at floor sweep skill. Halos lahat ng mga BOSS ay lumilikha ng ganitong shockwave habang papatayo.

Nakita ni Chen Guo ang dalawang tama niya sa sibilya. Nung una, siya'y hindi mapakali para sa magandang simula ni Ye Xiu. At noong napaisip siya, nalaman niyang ang dalawang tamang iyon sa sibilya ay totoong nakakatakot. Habang siya'y nakatayong balisa, isang "peng" nanaman ang dumating sa kaniyang mga tainga.

Tumalon si Lord Grim sa perpektong oras, inilagan ang dulo ng shockwave. Pagkatapos nawala ang shockwave, nakontrol na ni Ye Xiu si Lord Grim para sumugod ulit, at sa isang sundot, ang kaniyang lance ay sinaksak nanaman ang sibilya.

Ang dalawang kamay ng Skeleton Warrior ay lumagpak. Mabilis na gumulong paurong si Lord Grim at ang muntik siyang tinamaan ng higanteng espada. Kahit na ang nanonood na sina Seven Fields at ang iba pa'y hindi masabi kung nasaktan pa si Lord Grim o wala. Mabilis na tiningnan nila ang party list na ipinapakit ang kaniyang HP and MP at nadiskubrehang lubos na nailagan niya ang espada.

Chương tiếp theo