"Ito din ang unang beses na marinig si Zhang Xuan laoshi. Kaya, kumuha ako ng isang tao para tumingin sa kanyang pagkatao at… Hindi lang siya hindi star teacher, kinondena pa siya ng maraming tao…"
Inaalala ang mga laman ng ulat na kanyang binasa, hirap pa din maniwala si Emperador Shen Zhui. Ng may mapait na ngiti, umiling siya at nagsabi, "Alam mo ba ang dating reputasyon sa akademya?"
"Reputasyon? Ano ito?"
Naging interesado ang tatlong mga master teacher. Lumingon sila kay Emperador Shen Zhui ng masigasig.
"Ito'y… basura!" Ang sabi ni Emperador Shen Zhui.
"Basura?"
Nagkatinginan ang tatlong mga master teacher sa isa't isa.
"Tama ka. Narinig ko na itong Zhang Xuan na ito'y nakakuha ng zero sa kanyang Teacher Qualification Examination at siya din ay nagdulot upang ang cultivation ng kanyang estudyante ay magwala. Kaya, siya ay kilala bilang pinaka walang kwentang guro na nagkaroon ang Hongtian Academy!" Ang sabi ni Emperador Shen Zhui.
Hỗ trợ các tác giả và dịch giả yêu thích của bạn trong webnovel.com