webnovel

Paghahabol sa Kandidato (4)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

"Mga Ginoo, tapos na ba kayong mag-usap?" Umalingawngaw ang boses ni Jun Wu Xie.

Ang mga taga-Twelve Palaces na halos pumutok na ang ugat at pulang-pula na ang mga mukha dahil sa pakikipagtalo ay agad na natigil at sabay-sabay na lumingon kay Jun Wu Xie nang ito ay magsalita. Natural na ang magkaroon ng dalawang palasyo na mag-agawan sa iisang kandidato, sa huli ay ipapaubaya na lang nila sa kanilang pinag-aagawan ang desisyon. Kahit na hindi iyon ang kanilang gusto, kailangan nila iyong sundin dahil iyon ang rules para sa Battle of Deities Grand Meet.

Ngayong inilahad na ng Twelve Palaces ang kanilang interes kay Jun Wu Xie, hindi lang iyon dalawang palasyo. Bagkus, ang bawat palasyo sa Twelve Palaces ay gustong makuha si Jun Wu Xie. Bihirang-bihira lang mangyari ang ganoong pagkakataon.

"Pasensya na pero nakapili na ako ng palasyo." Marahang saad ni Jun Wu Xie.

"Oh?"

Biglang nasabik ang lahat nang kanila iyong marinig kay Jun Wu Xie.

Lihim na nagtiim-bagang ang iba pang mga kandidatong kasama ni Jun Wu Xie. Hinihiling nilang sana ay bilisan na ni Jun Wu Xie ang kaniyang pagpili upang sila naman ang mapansin. Dahil sa presensiya nito, para silang mga basura na walang silbi sa harap ng mga taga-Twelve Palaces.

Dahan-dahang inilabas ni Jun Wu Xie ang isang jade pendant mula sa kaniyang manggas at nag-angat ng tingin upang tignan ang mga kalalakihang nasa kaniyang harapan: "Nang matapos ang kompetisyon, mayroong nagbigay sakin nito, at ang aking pinipili ay ang palasyong pinagmulan nito."

Natigilan ang lahat dahil sa sinabing iyon ni Jun Wu Xie. Sabay-sabay nilang tinignan ang jade pendant na hawak ni Jun Wu Xie.

Subalit nang kanilang makilala ang jade pendant, tiinakasan ng kulay ang mga mukha ng mga Elder ng Twelve Palaces.

"Bata, kilala mo ba kung sino ang may-ari ng jade pendant na hawak mo?" Tanong ng Elder na mula sa Purple Thunder Palace.

Muling itinago ni Jun Wu Xie ang jade pendant saka sumagot: "Ang Panginoon ng Spirit Jade Palace."

"Ikaw, masyado ka pang bata at inosente kaya hindi ka namin sisisihin. Mayroon kang pambihirang talento. Paanong hindi mo alam kung anong klaseng lugar ang Spirit Jade Palace? Isang palasyong wala ngang mapirmihang lugar, tapos ngayon sila pa ang pipiliin mo?" Magkadugtong ang mga kilay na sagot ng Elder mula sa Flamboyant Palace. Iniisip nitong nababaliw na siguro si Jun Wu Xie.

[Lahat sa Twelve Palaces ay inimbitahan siya! Tapos ngayon ang pipiliin niya ay ang pinakamasahol sa lahat!]

Sprit Jade Palace, ang palasyong pinatalsik ng Twelve Palaces matagal na panahon na ang nakakalipas. Nagtatago lang ang mga ito simula nang patalsikin sila ng Twelve Palaces...maging ang isang tanga ay alam na maling piliin ang Spirit Jade Palace.

Hindi naman pinansin ni Jun Wu Xie ang tanong ng Elder na mula sa Flamboyant Palace. Bagkus ay tinignan si Su Jing Yan.

"May karapatan ba ang Spirit Jade Palace na mamili?"

Hindi inaasahan ni Su Jing Yan ang tanong na iyon ni Jun Wu Xie. Ilang sandaling nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan dahil doon. Tinitigan niya ang kalmadong mukha ni Jun Wu Xie, hindi niya mabas kung ano ang nasa isip nito.

Pero...

"May karapatan naman ang Spirit Jade Palace." Nakangiting sagot ni Su Jing Yan. Gayong napagdesisyunan ng Nine Palaces na huwag nang makisali, hindi ibig sabihin non ay hahayaan nalangv nilang magkagulo ang lahat.

Sumama ang timpla ng mga mukha ng mga Elder dahil sa sagot na iyon ni Su Jing Yan. Kahit na masama na ang tinging ibinibigay nila dito, hindi nila magawang sumagot.

Sa kabila ng lahat, si Su Jing Yan ay miyembro ng Nine Temples, ang Heavenly Wolf Temple!

Chương tiếp theo