Sa parehong sandali na umalis ang Fire Country, si Qiao Chu at mga kasama nito ay
naglalakbay na patungo sa Condor Country.
Hindi lang si Mo Qian Yuan at ang miyembro ng Jun Family, pati sila ay minasdan ang pag-alis
ng hukbo. Isang matangkad at balingkinitang anyo ang malungkot na nakatayo sa labas ng
pader ng siyudad, upang masdan ang likuran ng maliit at munting anyo na nakaupo sa mataas
na kabayo, nakasakay sa pinakaharapan ng buong hukbo ng Fire Country.
"Lord Jue." Tawag ni Ye Mei habang nakatayo sa isang tabi, nakamasid sa napakalayong tingin
ni Jun Wu Yao.
"Hmm?"
"Bakit hindi sinabi ni Lord Jue sa Young Miss ang tungkol doon? Ngayon na alam na nila na
mayroong isang piraso ng mapa sa Condor Country, isang piraso na lamang ang kailangan
nilang hanapin ngayon." Tanong ni Ye Mei, tila naguguluhan. Ang kaniyang Lord Jue ay matindi
ang pagnanais na sumama sa Young Miss ngunit nagtataka kung bakit lagi nitong pinipili ang
malungkot na pag-alis upang iwasan ito matapos makipagkita dito.
"Ye Mei."
"Narito ang inyong lingkod."
"Nararamdaman mo ba, na ang kasalukuyang ako, ay angkop kahit isipin lang na makabuo ng
relasyon sa kaniya?" saad ni Jun Wu Yao na walang sigla ang tono, may bahid ng tamlay,
ngunit ang baritonong boses nito ay tila napunit sa tunog ng dumaan na hangin.
Ang puso ni Ye Mei ay lumakas ang tibok.
Naiintindihan niya ang pag-aalala ni Jun Wu Yao.
"Ang inyong lingkod ay gagawin ang lahat gamit ang aking lakas upang lipulin ang mga taong
iyon!" Bahagyang naningkit ang mata ni Ye Mei, ang kaniyang mata ay agad napuno ng
pagpatay na yumanig hanggang kalangitan.
Tumatawang saad ni Jun Wu Yao: "Kung ganoon sila kadaling lipulin, kailangan ko bang
manatili sa estado na ito? Ngunit ayos lang naman… Sa oras na ang munting bata ay lumusob
sa Middle Realm, ay oras na para sa akin upang ayusin ang ilang marka sa mga matatandang
iyon. Sabagay, mas mabuti sa kanila na patuloy pang maging kampante nang mas matagal pa,
ang lasa ng pagpapabagsak sa kanila mula sa pinakamataas na ulap ay mas matamis, hindi
ba?" Saad ni Jun Wu Yao na bahagyang tumawa, ngunit walang kahit kaunting kasiyahan na
mararadaman doon.
"Oo!" sumagot si Ye Mei na may lubos na katiyakan.
"Si Little Xie ang pinaka-kagiliw-giliw na taong nakilala ko. Nais kong makita kung gaano kalayo
ang mararating niya. Kung hindi ko magagawang makita na marating niya ang pinakadulo,
kahit paano ay nais kong makita angpagibol niya sa panahon na ito." Saad ni Jun Wu Yao na
tumatawa.
Sa simula, maging sa sarili mismo niya ay hindi niya naisip, na ang nagsimula sa panunukso, sa
huli ay magkakaroon ng lugar sa kaniyang puso.
At sa oras na ibigay niya ang kaniyang puso, ay imposible sa kaniya na kuning muli iyon, at
hindi niya nais na kunin iyong muli.
Parang atraksyon ng isang gamugamo sa apoy, kahit na alam nitong hindi siya dapat lumapit,
ay hindi niya maiwasan na ilapit ang sarili.
Nagdahan-dahan siya sa bilis ng sarili niyang mga plano, para lamang magkaraoon ng
mahabang oras na makasama si Jun Wu Xie. Hindi pa sapat ang pagkakakita niya sa mukha
nito, hindi pa sapat ang pagkakarinig sa boses nito, paano siya magiging handa sa kaniyang
paglisan?
Ito ang unang pagkakataon na hindi siya handa sa paglisan, at itong kamangha-manghang
emosyon ay nagawa na itabi ang poot na nararamdaman niya sa kaibuturan ng kaniyang puso,
protektahan ito habang ito ay unti-unting lumalaki.
Hindi nakialam ng labis si Jun wu Yao sa mga gawain ni Jun Wu Xie. Bagama't taglay niya ang
kapangyarihan, ngunit hindi niya iyon ginawa, dahil alam niya, ang nais ni Jun Wu Xie ay hindi
ang isang malakas na tulong, kundi nais nito na palakasin ang sarili.
Kapag napalakas na nito ang sarili, magiging kapangyarihan na magbibigay sa kaniya ng
garantiya!
"Ang Young Miss ay tunay ngang kakaibang nilalang." Tungkol sa bagay na iyon, si Ye Mei ay
nakakasiguro. Sa tuwing siya at si Ye Sha ay haharapa kay Jun Wu Xie, ay nakakaramdam sa
kanilang sarili ang kalabisan sa presensiya ni Jun Wu Xie.
Bagama't hindi pa ganoong kalakas si Jun Wu Xie, ngunit ang potensyal niya ay malakas na
naramadaman ng kanilang sensitibong diwa.
Tumawa si Jun Wu Yao. Anumang papuri eksaherado o hindi, para sa kaniya, pakiramdam niya
ang papuri ay bunton din sa kaniya.
"Ang aking Little Xie malamang ay naiiba sa mga karaniwan." Saad niya, ang tono ng boses ay
puno ng pagmamalaki.
Naghabol ng huling sulyap sa unti-unting nawawalang hukbo sa malayo, ang katawan ni Jun
Wu Yao ay kuminang, at naglaho sa hangin kasama si Ye Mei.