Dahil sa galit na sigaw ni Qu Xin Rui, ang mga kababaihan ay nilukod ng takot at kilabot. Sila ay
walang tigil na nanginig habang wala sa sarili na inilapit ang kanilang sarili sa kanilang
kapamilya.
Ang mga mamamayan na nasa tarangkahan ng siyudad ay gumalaw upang protektahan ang
mga kababaihan na nasa likuran nila, malinaw na senyales na hindi nila ibibigay ang kanilang
mga kababaihan.
Tinitigan ni Qu Xin Rui ang tindig na ginawa ng mga mamamayan at ang kaniyang mukha ay
nagdilim at nagbabanta. Inilipat niya ang tingin sa hapong si Qu Wen Hao at malamig na
sibigawan ito: "Qu Wen Hao! Hindi mo ba titipunin ang mga bihag!? hindi mo na ba nais na
makita ang iyong anak at asawa!?"
Biglang nagising si Qu Wen Hao at tumingin siya sa paligid at napagtanto. Naglakad siya sa
harap ni Qu Xin RuI na natataranta at tuliro at nagtanong: "Nasaan ang asawa ko… Nasaan
siya… Bakit hindi ko siya makita… Ang lahat ay nagbalik, bakit wala siya dito…"
Ngumisi ng malamig si Qu Xin Rui at sinabi: "Natural lamang na aalagaan kong mabuti ang
Madam ng Thousand Beast City at kung nais mo na makita ang iyong asawa, sa gayon ay
utusan mo ang mga guwardiya na hulihin lahat ng mga kababaihan!" sa kasunduan na hawak
niya sa kaniyang kamay ay hindi susuko si Qu Xin Rui. Bago niya makontrol ang Fire Country sa
pamamagitan ni Jun Xie, ang mga tao ng Thousand Beast City dapat ay manatili sa ilalim ng
kaniyang kontrol.
Nilingon ni Qu Wen Hao ang kaniyang ulo na natutuliro habang tiningnan ang mamamayan ng
Thousand Beast City. Sa mga mukhang iyon, nakita niya ang pighati at paghihirap ng mga tao.
Nakita niya na ang tapang ng mga tao ng Thousand Beast City na nawala ay unti-unting
bumabalik. Ang mga taong iyon na may matinding takot kay Qu Xin Rui ay hindi umaaktong
takot tulad noon. Ang mga mata nila'y puno ng katatagan habang itinutulak nila sa kanilang
likuran ang mga kababaihan, nakalabas ang dibdib, pinapakita ang kanilang pagsuway.
Lumipat ang sulyap ni Qu Wen Hao mula sa mga mukha ng tao papunta sa takot na mga
mukha ng mga kababaihan na nasa likuran nila. Ang mga kababaihang iyon ay mamamayan rin
ng Thousand Beast City ngunit binihag ni Qu Xin Rui ng ilang taon upang ikulong sa bilangguan
kung saan hindi nila nakikita ang liwanag ng araw. Dahil sa hindi sila nalalantad sa araw sa
matagal na panahon, ang kanilang balat ay may kakaibang putla. Ang mata nila ay puno ng
takot habang walang kurap na nakatitig kay Qu Wen Hao, ang kanilang Grand Chieftain,
tahimik na nakikiusap ang mga mata.
Naramdaman ni Qu Wen Hao na tili may bumikig sa kaniyang lalamunan habang nakatingin sa
hindi mabilang na pares ng mga mata na puno ng kalungkutan, at kaniyang napagtanto na
hindi niya kaya na sundin ang utos.
"Qu Wen Hao! Gusto mo ba talagang masira ang iyong pamilya!?" napansin ni Qu Xin Rui na
hindi gumagalaw si Qu Wen Hao matapos ang ilang sandali kaya walang tiyaga na sumigaw
siya.
Muli ay nagising ang buong katawan ni Qu Wen Hao nang hindi kanais-nais na mga imahe ang
biglang pumasok sa kaniyang utak, malakas na dumaluyong tulad ng isang karayom na
sumaksak sa kaniyang kamalayan.
"Grand Chieftain… Nagsisinungaling siya… Nagsisinungaling siya! Matagal ng wala si Madam…"
sigaw ng isa sa mga babae na nasa kumpol ng mga tao. Ang boses na iyon ay umalingawngaw
sa hangin at nakarating sa pandinig ng Qu Wen Hao na sumuntok ng matindi sa kaniya at siya
ay napaatras ng ilang hakbang, ang dugo sa kaniyang mukha ay nawala ng tuluyan sa kaniyang
mukha!
"Walang kwenta ang sinasabi mo! Mga guwardiya! Pugutan ng ulo ang malanding yan ngayon
din!" nabanaag sa mata ni Qu Xin Rui ang kaba, kaya galit siyang sumigaw. Si Shen Chi na
nakatayo sa kaniyang likuran ay biglang naglakad sa harapan, nais patahimikin ang babae na
nagsalita.
Ngunit si Qu Wen Hao ay tumayo sa harapan ni Shen Chi, hinarangan niya ang paglalakad nito.
Inangat nito ang kaniyang ulo at puno ng galit ang mga mata na tumingin kay Qu Xin Rui.
"NASAAN ANG ASAWA KO!"
Nagulantang si Qu Xin Rui at nilabanan ang taranta na unti-unting umuusbong sa kaniyang
puso kaya nagsalita siya ng may pangungutya: "Qu Wen Hao! Sino sa akala mo ang kausap
mo!?"
"NASAAN ANG ASAWA KO!" bulyaw ni Qu Wen Hao, ang mata niya ay namumula.
Napamura si Qu Xin Rui sa ilalim ng kaniyang hininga at sinabi: "Ang asawa mo ay buhay pa at
hiwalay ko siyang ikinulong. Huwag kang makinig sa walang kwentang sinasabi ng malanding
iyon!"