Si Lin Feng ay malamig na tumawa sa sarili ngunit ang kaniyang mukha ay nakangiti habang inubos ang
alak.
Tiningnan ni Qu Xin Rui si Jun Xie. Natuwa siya na makita na si Jun Xie ay tinanggap ang tagay.
Si Jun Xie ay hindi maihahalitulad sa mga kalalakihan na nagsisilibi sa kaniya sa Heavenly Cloud
Chambers, ngunit ang pares ng mata nito, at ang Fire Country sa likod nito, ay sadyang nababagay sa
pamantayan ni Qu Xin Rui.
"Halika at uminom." Si Qu Xin ay nakuntento.
Dahan dahang bumalik si Lin Feng sa kaniyang puwesto, ang kaniyang mukha ay may nakakahinalang
ngiti. Tahimik na tinitingnan si Jun Xie, medyo balisa ngunit puno ng antisipasyon.
Ang lahat ng bisita sa piging ay hindi na napagtuonan ng pansin ni Qu Xin Rui dahil ang atensiyon nito ay
nakatuon lamang kay Jun Wu Xie.
Kung si Jun Wu Xie ay ganoon ng katanga, mapapansin pa rin nito na tinatangka ni Qu Xin Rui kuhanin
ang loob ni Jun Xie.
Sa kalagitnaan ng salu-salu, sa tingin si Qu Xin Rui iyon na ang nararapat na pagkakataon, "Ang Young
Master Jun ay bago pa lamang sa pamumuno at binisita ang Thousand Beast City. Mukhang may
nakakuha ng atensiyon mo mula rito sa Thousand Beast City. Ang aking Thousand Beast City ay hindi
man makakapantay sa ibang nasyon ngunit nakukuha naming panatilihing maayos ang aming rehiyon. Si
Young Master Jun ay bago lamang sa posisyon ngunit ang kabataan ay mabilis na lumipas at ang isang
tao ay hindi nabubuhay ng matagal. Kung sabihin ko sa iyo na ang isang tao ay maaaring maging
immortal at walang hanggang buhay, ano ang masasabi ni Young Master Jun tungkol dito?"
Lumiit ang mga mata ni Jun Wu Xie habang naramdaman ang lamig sa mga salitang binitawan ni Qu Xin
Rui. Kung titingnan, halos hindi naapektohan si Jun Xie at nagsabing, "Sa kalangitan at sa lupa, ang lahat
ay nakatadhana."
Tumawa si Qu Xin Rui at tumugon, "Hangga't ang isang tao ay makapangyarihan, hindi ito matatakot na
sumalungat sa kalangitan at baguhin ang sariling tadhana. Si Young Master Jun ay tinatawag ako na
Ginang Qu, alam mo ba ang totoo kong edad?"
Sumagot si Jun Wu Xie, "Mukhang nasa punong edad, siguro dalawang sampu."
Mababaw na tumawa si Qu Xin Rui, ang kaniyang tingin ay lumagbas patungo kay Qu Wen Hao. "Si
Young Master Jun ay nagsasabi lamang ng matatamis na tugon. Alam mo ban a kahit ang
pinakamatandang pinuno ay tinatawag din ako na Ginang kapag nakikita ako nito? Ang edad na hula mo,
kahit pa tanggalin ang unang numero sa tunay kong edad, kulang pa rin ito ng ilang dosena sa hula mo."
"Talaga ba?" Nagkunwaring nagulat si Jun Wu Xie.
Tumango si Qu Xin Rui. "Higit pa ako sa isang daang taon ngunit napanatili ko ang bata kong anyo na tila
dalawampu lamang, hindi ka ba natinag tungkol sa lahat ng ito?"
Tumugon si Jun Wu Xie, "Kung ang isang tao ay maaring kahalintulad ni Ginang Qu, kshit ns dino sy
digursdong matitinag nito."
Ang pagiging Purple Spirit ay nakakadagdag sa haba ng buhay ng isang tao ngunit sa kung ang
pagpapabata ng anyo ang pag-uusapan, hindi magiging katulad ng sa kay Qu Xin Rui. Sikreto niyang
pinag-aralan at inobserbahan ang mukha ni Qu Xin Rui at nakita niya na ang anyo nito ay totoo at hindi
nabago gamit ang mga pamamaraan na alam na ng karamihan.
Makikita ang saya sa mga mata ni Qu Xin Rui at mabagal na nagsalita, "Mukhang madali tayong
nagkasundo at iniisip ko ung gugustuhin ba ni Young Master Jun ang makipagtulungan sa akin? Maari
tayong mag-anib puwersa para sa isang napakalaking layunin at pagkatapos nating magtagumpay, maari
kong ipagkaloob ang ano mang gustong hilingin ni Young Master Jun."
Ang lahat ay nagulat matapos marinig ang mga sinabi ni Qu Xin Rui.
Ang lahat ng nasa silid ay alam ang kahulugan sa likod ng alok ni Qu Xin Rui. Malinaw na gusto nito na
makipagtulungan sa kaniya si Jun Wu Xie at kapag nagtagumpay ay nangako itong ibahagi ang Purple
Spirit bilang kapalit sa pagtulong nito!
Kahit pa sa simula, ang Purple Spirit ay isang bagay na mahirap tanggihan sa kahit na sino man at
siguradong walang kahit na isa ang tatanggi sa mga ganitong klaseng alok!
Habang nakaupo sa kabilang banda, ang puso ni Qu Wen Hao ay tila bumara sa kaniyang lalamunan. Sa
mga sinabi sa kaniya ni Qu Lin Yue, ang alam niyang rason kung bakit si Jun Xie ay gugustuhin tumulong
kay Qu Xin Rui ay dahil sa hawak nitong mapa. At ngayong inaalok ni Qu Xin Rui na makipagtulungan sa
kaniya, na siguradong kapag pumayag si Jun Xie, mapapadali ang paghanap sa mapang iyon at may
dagdag pang kapalit na Purple Spirit. Kahit saang anggulo tingnan, malaki ang makukuha ni Jun Xie kung
pipiliin niyang makipagtulungan kay Qu Xin Rui!