Ang Flame Spirit Auction House ay kilala bilang ang pinakamalaking auction house sa Yan
Country. Bihira at natatanging mga kayamanan ang dinadala doon upang isubasta at iba't
ibang tao ang maingay at magulong naglalaban-laban at nagkukumpetensya sa buong
bulwagan.
Walang interes si Jun Wu Xie sa mga bagay na naroon hanggang sa matapos ang isang
nakakabagot at mahabang paghihintay, sa wakas ay nakita na niya ang kaniyang kailangan.
Isang tangkay ng Blood Lotus ang dinala sa entablado. Tila ba inilubog ang buong bulaklak sa
dugo dahil sa mapupulang talulot nito. At doon nakuha ng bulaklak na iyon ang kaniyang
pangalan, ang kulay nito ay parang sariwang pulang dugo. Ang mga Blood Lotus ay may
epektong pasaganain ang dugo at pagkalma ng mga spirit at ang halaman na iyon ay bihira
lamang makita. Natatangi ang mga Blood Lotus at nakikita lamang iyon ni Jun Wu Xie sa mga
librong medikal.
Ang Blood Lotus ay isang uri ng halaman na kailangan ni Yan Bu Gui sa elixir. Matapos niyang
maghintay ng kalahating araw, sa wakas nakakita siya ng isang bagay na napakahalaga at
nararapat lamang para sa matagal niyang paghihintay.
Dahil sa ito ay bibihira, ang presyo para sa isang Blood Lotus ay napakamahal at ang simulang
presyo nito ay nagkakahalaga ng isang daang libong taels. Bukod pa rito,ang Yan Country's
Imperial Capital ay ibang-iba sa Chan Lin Town. Ang bilang ng mayaman at matagumpay na
mangangalakal dito ay hindi maikukumpara sa dami ng nasa Chan Lin Town!
Ang pagtawad para sa Blood Lotus ay nag-umpisa na at sa isang iglap ay biglang nagkagulo. Sa
paglipas ng ilang minute lamang ang simulang presyo ng Blood Lotus na isang daang libong
taels ay umakyat sa walong daang libo at patuloy pa iyon sa pagtaas at walang senyales na
humupa iyon!
Anuman ang gawin sa Blood Lotus, pakuluan at inumin man ng diretso o gamitin para maging
isang elixir ay siguradong may magandang epekto. At dahil ang Yan Country ang
pinakamaunlad na bansa, ang mga naninirahan dito ay mayayaman at napapasighap ang iba
dahil sa pagkamangha. Nang iniharap sa kanila ang pambihira at kakaibang kayamanan, ang
mga pinakamayayaman sa karamihang ng tao ay hindi makapirmi sa kanilang kinauupuan,
ipinagkakait na makuha ng bawat isa, nagtatapon ng pera na parang mga putik lamang,
nagpapataasan ng presyo para sa Blood Lotus!
Nanatili lamang si Jun Wu Xie sa kaniyang kinauupuan. Alam niya na kung maglalatag siya ng
kaniyang presyo ay madali lamang iyon madadaig. Nagdesisyon siya na maghintay hanggang sa
ang pagtawad ay tumigil bago siya magbigay ng presyo.
Subalit, habang tumatagal ay ay mas lalaong tumataas ang presyo ng Blood Lotus, tumaas ang
kilay ni Jun Wu Xie.
Ang pera na mayroon siya ngayon ay naipon niya sa Chan Lin Auction. Kahit na hindi iyon maliit
na halaga lamang, ay hindi rin naman ito ganoon kalaki upang makipagsabayan sa naturang
tawaran. Nang umabot na ng tatlong milyon taels ang Blood Lotus ay sumuko na si Jun Wu Xie
na magbigay ng presyo.
Tatlong milyong taels, sobra na iyon sa inaasahan niya. Ang lahat ng pera na hawak niya ay
nagkakahalaga lamang ng tatlong milyong taels at ang presyo ay patuloy pa rin sa pagtaas
ngunit ang pagtaas ng presyo ay unti-unting humuhupa. Subalit kahit na tumaas lamang ito ng
isang milyong taels, ay sobra pa rin iyon sa hawak na pera ni Jun Wu Xie.
Sa Chan Lin Auction House noon, ang mga bagay na pinapasubasta ay humigit kumluang sa
isang milyong taels lamang. Hindi pa siya nagkakaroon ng napakalaking halaga ng pera at ang
tanging pagkakataon na nagkaroon siya ng may kalakihang halaga ng pera ay noong nasa Chan
Lin Town siya at ang presyo sa Flame Spirit Auction House ay mas mataas kumpara sa Chan Lin
Auction House.
Natigilan siya sa Flame Spirit Auction House, walang magawa si Jun Wu Xie ang pag-angkin sa
Blood Lotus ay tumitindi at wala siyang magawa.
Ang Blood Lotus ay labis na mahalaga kay Yan Bu Gui. Kung si Jun Wu Xie lamang ang
nangangailangan nito ay hindi siya makakaramdam ng lungkot, ngunit kung hindi niya
makukuha ang Blood Lotus ngayon ay hindi niya alam kung gaano katagal pa ulit siyang
maghihintay upang makakita ulit ng isa.
Mag-iisang taon na simula ng siya ay muling nabuhay kung isasaalang-alang lahat ng nangyari,
hindi pa siya nakakakita ng kahit anong senyales ng Blood Lotus kahit saan. At ang makita na
ang presyo ng Blood Lotus na iyon ay patuloy sa pagtaas, pinapatunayan lamang nito kung
gaano ito kabihira at kahalaga.
Kinagat ni Jun Wu Xie ang kaniyang labi, mababakas sa mata niya ang bihirang makita na
pagkabigo.