webnovel

Pagsampal sa mga Dumumog (10)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Tinitigan ni Yin Yan si Ning Xin ng may takot sa kanyang mga mata, at ang takot ay nagsimulang kumalat sa kanyang katawan.

Matapos ang mga pangyayari ngayong araw, walang makakagamit sa nakaraan ni Jun Xie para siraan siya.

Si Gu Li Sheng mismo ang nagpabalik kay Jun Xie sa pakultad sa harap ng lahat. Wala na sa kanilang maglalakas ng loob na galitin si Jun Xie ngayon.

Ang katotohanang mas maalam pa siya kaysa kay Gu Li Sheng sa pamamaraan ng Spirit Healing ay sapat na para sumuko ang lahat. Ang kalagayan ni Jun Xie sa mga disipulo ng akademya ay nataas at hindi mapapabagsak. Ang mga sumumpa sa kanya, kasama ang kinamuhian siya, ay magmula ngayon, makikitang sira ang kanilang pagrarason at palusot sa kanilang mga ginawa. Sa katotohanan lang na gamay na ni Jun Xie ang Spirit Healing ay sapat na para umatras ang lahat.

Tinaas ni Yin Yan ang kanyang ulo para tignan ang makulimlim na langit.

May biglaang pagbabago sa Akademyang Zephyr, na maaalala sa araw na ito hanggang sa malayong hinaharap.

Ang takot ni Yin Yan ay pumuno sa kanyang puso. Inipon niya lahat ng kanyang lakas ng loob at hinila si Ning Xin, na tila nasiraan na ng ulo, para umalis sa plasa.

Matapos umalis ng dalawa, may naiwang payat, at gusgusing anyo na nakatayo sa isang kanto ng malawak na plasa.

Namumutla ang mukha ni Ah Jing, habang nakatitig sa plasang walang laman.

Narinig niya ng malinaw ang lahat ng sinabi ni gu Lis heng at ni Fan Qi. Parang ang lahat, nagpunta siya sa plasa ng inaabangan na pahihiyain si Jun Xie at paaalisin sa akademya ni Gu Li Sheng ngayon. Hindi niya inakalang ang pinuntahan niya ay ang katotohanang hindi niya mabuhat ang kanyang sariling paniwalaan.

Bumigay ang mga tuhod ni Ah Jing at bumagsak siya sa sahig. Anng kanyang mga daliri ay bumaluktot at kinalmot ang sahig, at nagiwan ng dugo sa sahig.

…..

Mas nakakapahiya pa ay ang pag-apak ng taong pinaka-kinamumuhian mo sa iyong ulo at pagtulak dito sa lupa.

Bagaman sa gitna ng mga pangyayari, walang sinabi si Jun Wu Xie, inapakan niya ang bawat mukha ng mga disipulo at miyembro ng pakultad sa lupa at madiin na dinurog ang ilan sa mga ito.

"Inimbitahan" ulit si Jun Xie sa pakultad ni Gu Li Sheng sa araw na iyon, at ang lahat ng mga disipulo niya ay walang nagawa kundi manood habang pumasok ang dalawa, at ang ibang mga disipulo ay hindi nag-tangkang lumapit sa kanila.

Lapitan sila?

Nag-aalab parin ang kanilang mga mukha sa hiya.

Ang mga katauhan nila bilang mga disipulo ng pakultad ng mga Spirit Healer na kanilang pinagmayabang, ay pinakita na isa lang pagkukunwari ni Gu Li Sheng na pinilit lang ang sarili na tanggapin sila dahil sa paguudyok ni Fan Qi, ang Punong Tagapagturo.

Hindi talaga sila tinanggap ni Gu Li Sheng.

Ngunit naging ignorante lang sila at sumunod sa daloy, sa pagpapahiya ng iba sa pangalan at reputasyon ni Jun Xie.

Sila…..

Ay kasuklam-suklam!

Sumunod si Jun Wu Xie papasok sa opisina ni Gu Li Sheng. Sa pagsara lang ng pinto nakapagpahinga si Gu Li Sheng, at ang mga linya sa kanyang mukha ay nawala.

"Kamusta? Tama ba ang ginawa ko sa iyong pakiusap?" Tinanong ni Gu Li Sheng, nakangiti kay Jun Xie. Ang mga kaganapan ngayon ay pinlano para sa kapakanan ni Jun Xue at umasa siyang makababawi siya kay Jun Xie sa mga pinagdaanan niya.

"Oo." Tumango si Jun Wu Xie.

Mahusay ang palabas na ginawa ni Gu Li Sheng ngayon, at nasiyahan si Jun Wu Xie.

"Ha ha. Magaling. Ngayon lang ako gumawa ng ganito." Nalunok na ni Gu Li Sheng ang kanyang puso na nakaangat sa kanyang lalamunan. Napagpasyahan niyang gawin itong isang enggrandeng pagtatanghal para ipakita ang kanyang katapatan kay Jun Xie, at para labanan ang kawalan ng katarungan na hinarap ni Jun Xie.

Ang pagrinig lang sa mga sabi-sabing iyon ay magdudulot na ng sakit sa maraming tao. Nang malamang natiis ni Jun Xie ang mga iyon, ang nagbigay sa kanya ng respeto mula kay Gu Lo Sheng.

Kung iba ang nalagay sa pwesto niya, ipaglalaban nila ang kanilang sarili sa simula palang. Kinaya ni Jun Xie na kimkimin ang lahat ng ito, at pinakita lang ang katotohanan matapos niyang magawa ang gawaing inatasan sa kanya. Ang pasensyang iyon at pagpupursige, ang nakapagpahanga kay Gu Li Sheng sa kanya.

Chương tiếp theo