Batang babae pa rin siya, tama ba? "Bilang "nakakatandang kapatid niya" hindi naming hahayaan na maliungkot ang nakakabatang kapatid namin na si Jun Wu Xie"
"Kapag nakuha na natin ang Aqua Spirit Grass , bakit hindi natin ipatawag kay Qiao Chu si Rolly para bigyan ka ng mahigpit na yakap?" suhestyon ni Hua Yao na nilalaro ang "kahinaan" ni Jun Wu Xie.
Sa inaasahang ekspresyon, nang marinig ito ni Jun Wu Xie agad na lumiwanag ang mga mata nito. Tumango ito ng masaya at nag sang-ayon sa sinabi ni Hua Yao!
Hindi na nakaimik si Hua Yao at sumali na sila sa paglalakad sa grupo.
Gumalaw na ang grupo ng puno nag kasiyahan at pagtatawa. Ngunit may isang hadlang para sirain ang masayang samahan, para magtapon ng basang kumot sa masayang kaganapan.
Nanatili naman si Lu Wei Jie sa lugar kung saan umalis si Ning Xin naghihintay sa bunga na mahulog sa kanyang kandungan. Matagal syang naghintay matapos ang malakas na ungol ng Spirit Beast . Pinatapos niya muna ito umungol at nag-ipon siya ng lakas bumalik sa lugar kung saan inatake ng Spirit Beast ang Rui Lin Army. Ngunit nagulat siya ng tumambad sa harap niya si Jun Wu Xie at ang grupo nito ng marating niya ang Spirit Moon Lake!
"Senior Lu, sila yun!" isang dispulo na may matalas na paningin ang nakita si Long Qi at ang mga kawal nito. Sa isang tingin lang nito ay nakita niya si Fan Jin at ang ibang disipulo na nakasuot ng uniporme ng Zephyr Academy!
Nanigas si Lu Wei. Hindi niya akalain na mabubuhay si Long Qi at ang mga tao nito. Dahil nakaharap nito ang Guardian grade Spirit Beast, ang tanging resulta lang nito ay ang malagim nilang kamatayan!
Marahil ay may mga sugat si Long Qi at ang mga tauhan nito ngunit di nila ito alintana at kitang maayos sila.
Ito ang pangyayaring hindi niya inaasahang Makita.
"Mga walang hiya kayo! May gana pa kayong magpakita sa amin!?" ang init na naramdaman ng Rui Lin Army na muntik na nilang ikinamatay sa Gaurdian grade Spirit Beast.
Ito ang nag pahamak sa kanila!
Ang galit na sigaw nito ay nagpamalamig sa dugo ni Lu Wei Jie. Si Long Qi at ang mga tauhan nito ay buhay pa kahit binalak nilang ipain at ipapatay ito Gaurdian grade Spirit Beast. Ano na ang kanyang sunod na gagawin?
"Takbo!" Hindi na siya nanatili sa kanyang kinatatayuan. Ngayon niya lang naisip bakit hindi ni Ning Xin at Yin Yan itinuloy ang laban nito agad sa Spirit Hunt. Hindi aksidente ang mga ito. Kailangan nila malaman na buhay si Long Qi at ang mga tao nito at tumakas sila bilang pag anunsyo ng kanilang pagtakas!
Ang kakayahan ni Long Qi at kapangyarihan nito ay mas mataas sa kanila at wala itong duwag o dagang tauhan.
Nang bumalik ang Rui Lin Army para sa kanila para ayusin ang kautusan,ay pagbaybay lang ang hangganan sa huli para sa kanilang lahat!
Nang pumasok ito sa kanyang isipan, pinagmumura niya sa isipan si Ning Xin at Yin Yan sa isip niya at ligtas na nakatakas ng sa kanila lang. Alam nilang nakaligtas si Long Qi at ang mga tauhan nito ngunit wala silang sinabi ni isang salita at binigyan pa sila pag-isipan na pwede silang magnakaw na katawan ng ganun kadali. Nanatili sila ng matagal nang hindi nila alam ay hawak na sila ngayon ni Long Qi at ng mga tao nito.
Tumakbo ng mabilis si Lu Wei Jie. Sumunod ang kanyang grupo, takbo para isalba ang kanilang buhay.
Tumikom ng delikado ang mata ni Long Qi. Bilang namumuno sa mga kawal nito, hinayaan niyang maloko ng mga batang ito at nahihiya siya dahil muntik na itong ikapahamak ng mga buhay nila.
"Takbo? Hindi madali!" Sigaw NI Long Qi at ang ibang limang kawal ng Ruin Lin Army ay bagamat man may mga sugat ay tumakbo ang mga ito ng walang utos. Ilang taon na sila nakikipaglaban, nasanay na sila sa bilis at pagtakbo para sundan ang mga kaaway at ngayon ang mga disipulo ng Zephyr Academy ay hindi nanaisin banggain sila, kahit may mga sugat ito sa kanilang mga katawan, mabilis nilang nahuli ang mga ito!
Iba-ibang direksyon sila nagtungo ngunit nahuli pa rin sila ng mga kawal isa-isa, na itinapon sa matigas na lupa. Ginamit ni Lu Wei Jie ang kanyang Spiritual Power para magkaroon ng tuwid na daanan para makatakas kay Long Qi at sa mga tao nito. Ngunit nakatingin na diretso sa kanya si Long Qi at dumiretso na ito sa kanya.
Sinubukan pa ni Long Qi lumaban ngunit ngunit bago siya umatake ay nawala bigla si Long Qi, nakita niya na lang lumitaw ang paa nito sa kanyang dibdib, sinipa siya nito at napatalsik sa hangin !