webnovel

Fear Spreads (4)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Ang Elder ng Cloud Banner Peak ay si Cai Zhuo, isang lalaking nasa higit limampu ang edad. Bago naging Sovereign si Qin Yue, siya ay Elder na ng Qing Yun Clan. Dahil sa kaniyang katagalan sa serbisyo, nakaani ng respeto si Cai Zhuo sa mga Elder ng ibang pangkat, maging si Qin Yue ay may pagkakataong umuurong dito.

Hindi nila inaasahan na mangangahas si Ke Cang Ju na pumunta ng Cloud Banner Peak at harapin si Cai Zhuo at kumuha ng dalawang disipulo sa presensiya nito. Ang paraan ng pagdodomina nila ay halos ikahimatay ng Elder dahil sa galit!

Kayabangan! Isang kalupitan!

Ang trahediyang sinapit ng Ash Cloud Peak ay nangyari din sa Cloud Banner Peak sa pagitan lang ng ilang araw! Ang hindi pa katanggap-tanggap ay pinilit ni Ke Cang Ju na kumuha ng dalawang disipulo sa kabila ng mariing pagtutol ni Cai Zhuo, binalewa nila ang awtoridad ng Elder.

Noong kuhanin ang mga disipulo ng Ash Cloud Peak, ang ibang pangkat ay iniisip na dahil iyon sa wala ang mga ito ng proteksyon mula sa Elder kung kaya't nangahas si Ke Cang Ju na magdomina sa mga ito.

Ngunit sa kaso ng Cloud Banner Peak, malinaw na malinaw ang kalupitan ni Ke Cang Ju!

Narito ang kanilang Elder at buhay. Ngunit kumuha pa rin si Ke Cang Ju ng disipulo dito sa harap mismo nito! Akala mo ay pag-aari nito ang Cloudy Peak!

Nagngingitngit si Cai Zhuo kaya naman hinikayat siya ng mga disipulo na puntahan niya si Qin Yue. Detalyadong inilahad ng Elder ang kayabangan ni Ke Cang Ju sa Sovereign at nagmakaawa dito hanggang sa ito ay mapaos. Ngunit hindi nito nagawang kumbinsihin si Qin Yue na kumilos laban kay Ke Cang Ju.

Bilang pangpalubag-loob ni Qin Yue kay Cai Zhuo, pinangako niya ditong sa susunod na sila pagsungko, hahayaan niyang maunang pumili si Cai Zhuo ng mga tao. Pagkatapos noon ay wala na itong ibang binanggit.

Nang humiwalay na si Cai Zhuo kay Qin Yue, tinakasan ng kulay ang kaniyang mukha dahil sa galit na kaniyang pinipigilan. Sa mismong pagkarating nito sa pintuang daan ay nahimatay ito at kinailangang bitbitin ng kaniyang mga disipulo pabalik sa Cloud Banner Peak!

Bilang unang halimbawa sa nangyari sa Cloud Banner Peak, nagsimulang mag-alala ang ibang mga Elder. Ipinakita ni Ke Cang Ju ang kalupitan nito at nanatili ang Sovereign na dumistanya sa sitwasyong iyon. Bagkus ay hinayaan pa nito si Ke Cang Ju.

Ang Ash Cloud Peak at Cloud Banner Peak ay sinagasaan. At inaasahan na nila ang trahediyang kakatok sa kanilang mga pinto, di katagalan!

Hindi naman gaanong maapektuhan ang mga Elder sa pagkawala ng isa o dalawang disipulo. Mas pinagtuunan nila ng pansin ang pinsalang dala ni Ke Cang Ju para gawin nito ang masama nitong balak! Darating ito sa kanilang mga pintuang daan at kukunin ang mga disipulo ng Elder sa harap mismo ng mga ito. Hindi nila maatim ang katusuhan nito!

Ang ginagawa ni Ke Cang Ju ay nagmistulang bukas na sikreto sa mga disipulo ng Qing Yun Clan. Kung hahayaan ng mga Elder na pwersahang kumuha si Ke Cang Ju ng disipulo, mawawala ang kanilang kredebilidad sa mata ng mga disipulo. Para lang nilang sinasabi na ang kanilang Guro ay walang silbi at walang laban sa kalupitan at hindi man lang kayang protektahan ang kanilang disipulo!

Isa iyong sampal sa pagmumukha ng bawat Elder!

Hindi na nila mapapayagan iyon!

Simula sa oras na iyon, matamang nagmatyag ang mga Elder sa bawat galaw ng Hidden Cloud Peak. Nagsimulang matakot ang lahat ng disipulo para sa kanilang kaligtasan.

Ngunit hindi sila pinalagpas.

Sa loob ng anim na linggo, nalibot ni Ke Cang Ju ang anim na pangkat at ang mga mukha ng mga Elder ay nasampal dahil sa paraan ng pagdodomina ni Ke Cang Ju.

Walang habag si Ke Cang Ju. Mayabang itong susulpot dala ang pahintulot ni Qin Yue at pwersahang kukuha ng dalawang disipulo sa harap ng kanilang Elder.

Ang reputasyon ng bawat Elder ay natapak-tapakan at naglaho sa loob lang ng ilang linggo. Nagsimulang matahin ng mga disipulo ang kanilang Elder at sila ay nawawala na ng tiwala sa mga ito. Ngunit wala namang magawa ang mga Elder kundi tanggapin ang kahihiyan iyon.

Naglaho ang kanilang dignidad sa kanilang sarili, nasira ang respeto ng mga disipulo sa kanilang mga Guro. Ang poot at galit ay sumabog sa Qing Yun Clan. Sinumpa ng mga Elder si Ke Cang Ju sabay ng pagbuo din ng galit kay Qin Yue dahil sa kapabayaan nito at kawalang-pakialam sa mga Elder!

Chương tiếp theo