webnovel

Brother Hua (3)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Tinignan ni Hua Yao si Jun Wu Xie ng may pagkagulat, hindi niya inasahang makikita agad ng isang bata ang mga kamaliang ginagawa ni Ke Cang Ju ng detalyado sa loob ng kalahating araw sa Hidden Cloud Peak. Nakita niya na kakaiba nga si Jun Wu Xie.

"Tama ang hula mo. Yan nga ang modus operandi ni Ke Cang Ju. Magdadala siya ng ilan sa iba't ibang mga araw, at dahan-dahan silang pinapatay. Sa loob ng Hidden Cloud Peak, ang mga disipulong nakasuot lang ng uniporme ng angkan ng Qing Yun ang talagang ligtas dahil sila'y mga lobo ng isang grupo, at alam kung ano ang mga gawain sa tuktok." Sinabi ni Hua Yao, na natuwa kay Jun Wu Xie.

"Nung nakaraang buwan ka nakapasok?" Tanong ni Jun Wu Xie kay Hua Yao, at napansin ang malalalang sugat niya, ngnunit pag kinumpara sa iba dito, ay hindi masyadong seryoso, at may malay pa siya.

Tumango siya, "Ako ang huling dinala dito sa silid na ito mula sa naunang grupo, at pinadala ko ang aking contractual ringna nagdala ng lahat ng impormasyong ito kay Qiao Chu bago ako pumasok."

Pinagmasdan ni Jun Wu Xie si Hua Yao at napansin na namuo na ang dugo sa kanyang mga sugat. Mukhang masama ang lagay ng katawan niya, ngunit mukhang masigla siya. Kung hindi niya nakitang nakasabit ang kanyang katawan, walang makakahula na galing siya sa ganoong kalagayan.

Para sa isang karamihang tao, ang masaksak ang kanilang mga pelvic bones at ang saksakin ng maraming beses sa katawan, kahit na hindi sila mamatay, ay nasa huling mga hininga na sila. Ngunit mukhang masigla pa si Hua Yao.

Nang mapansin na nakatitig si Jun Wu Xie kay Hua Yao, tumayo si Qiao Chu at nagpatong ng isang kamay sa balikat ni Jun Wu Xie, "Wag mong pansinin ang lagay ni Brother Hua kanina. Wala lang iyon sa kanya."

Nagtaas siya ng isang kilay, at mula sa pagtakas ni Brother Hua mula sa mga gapos niya, makikitang kakaiba ang magandang binatang ito.

"Kaya kong ibahin ang anyo ng aking mga buto." Para linawin kay Jun Wu Xie, nagtaas si Hua Yao ng isang kamay at ang kanyang mga daliri ay nanlambot, at ang mga buto ay tila nawala, at nagmukhang lawlaw ang kanyang kamay sa kanyang pulso.

Nagulat si Jun Wu Xie. Nakakita na siya ng mga bumabaluktot, ngunit wala silang sinabi sa kayang gawin ni Hua Yao. Ang kontrol niya sa kanyang mga buto ay hindi lang sa pagbabaluktot, ngunit pati rin ang pagpapawala at pagbalik ng kanyang mga butoo sa kung kailan man niya naisin.

"Ano ang layunin mo dito?" Nanatili si Jun Wu Xie sa pagkagulat niya. Mula sa mga kilos ni Qiao Chu at Hua Yao, napagtanto niyang hindi sila kasapi ng angkan ng Qing Yun.

Basta't hindi sila kaibigan ng kanyang kaaway, magagamit niya sila.

"Nandito kami para bawiin ang ilang bagay, ikaw?" Binalik ni Hua Yao ang kanyang kamay. Hindi niya tinago ang kanyang layunin sa kanyang pagpunta dito. At parang si Jun Wu Xie, malinaw na hindi sila kaibigan ng angkan ng Qing Yun.

Mayroon silang mga layunin, at pwede silang gumawa ng pansamantalang alyansa. Bukod pa rito, mayroon silang pabor na hihingiin kay Jun Wu Xie, at alam ng henyo kung taus-puso ba sila o hindi.

Sa kanilang lahat, si Jun Wu Xie, Hua Yao, at Qiao Chu ay matatalinong tao.

"Nandito ako para burahin ang buong angkan ng Qing Yun." Sinabi ni Jun Wu Xie na parang wala lang, ngunit ang bawat salita niya'y gumulat sa mga nakikinig.

Nanlaki ang mga mata ni Qiao Chu sa gulat, nakatulala at hindi makapaniwala, at kahit si Hua Yao ay ganito rin.

"Nag… nagbibiro ka lang diba?" Sinubukang linisin ni Qiao Chu ang kanyang tenga, dahil baka mali lang ang narinig niya…..

Burahin ang buong angkan ng Qing Yun? Seryoso ba ang batang 'to?!

"Sa tingin ko, hindi magkasalungat ang ating mga layunin. Pakikipagtulungan, o mag-isang pag-laban?" Hindi interesado si Jun Wu Xie sa mahahabang pagpapaliwanag. Ang kaalaman ni Hua Yao sa Hidden Cloud Peak ay magagamit niya, at kung nagkasundo silang magtulungan, iikli ang panahong kailangan niya para wasakin ang angkan ng Qing Yun, at kung hindi, hindi niya sila pipilitin.

Chương tiếp theo