webnovel

Ang Salu-salo (Pang-anim na Bahagi)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Kung hindi magamot ng Puno ng Angkan ng Qing Yun, sino pa sa mundo ang makakagamot?

Gumaan ang loob ng Emperador sa pagsusuri ni Bai Yun Xian, tila isang malaking bato ang natanggal mula sa kanyang mga balikat.

Bumulong ng panalangin si Jun Xian na may maputlang mukha at tahimik na umupo. Nakita ng mga may matatalas na mata ang pagnginig ng mga kamay niyang nakahawak sa kanyang kopa.

Mukha ngang wala nang pag-asa ang kondisyon ni Jun Qing, tignan mo, nanginginig pati mga kamay ni Jun Xian! Nanginginig nga ang kanyang mga kamay ngunit hindi ito dahil sa kalungkutan kundi dahil nagpipigil siyang tumawa.

Kung hindi dahil sa kasalukuyang sitwasyon, hindi siya makakapaghintay na isigaw sa buong mundo na ang lason sa katawan ng kayang anak ay naalis na ng kanyang nnapakatalinong apo! Hindi lang iyon, malapit nang makalakad muli ang kanyang anak! Ang Angkan ng Qing Yun lamang ay… ay… sa simpleng salita, sila ay basura!!!

Kahit ang apo lang niya ay sapat na para alisin ang lason na itinuring ng Puno ng Angkan ng Qing Yun na wala nang pag-asa, sa gabay ng isang respetadong panginoon. May lakas ng loob ang Bai Yun Xian na ito para sabihing ang paraan ng kanyang amo ang pinakamabisa at kapag hindi ito gumana ay wala nang makakagamot sa kanya? Hmph!

Mataas ang tingin niya sa Angkan ng Qing Yun, subalit matapos niyang makitang nagawa ng kanyang apo ang hindi magawa ng kanilang Puno, nawala lahat ng kanyang respeto para sa kanilang angkan at kinutya na lamang sila.

Maliban sa kanilang Wu Xie, sino pa ang may lakas ng loob para sabihing sila ang pinakamagaling sa mundo?!

Tinignan ni Jun Xian ang kapaligiran upang makita ang reaksyon ng mga tao at nangako sa kanyang sarili na pag nakabawi ang Palasyo niya ng Lin, ipapaalam niya sa kanila kung saan sila nakatayo! Hindi siya makapaghintay na makita ang kanilang mga mukha pagkatapos nlang mahanap ang katotohanan!

Sa ngayon, nagkunwari siyang takot na takot.

Humanga lamang si Jun Wu Xie sa kanyang lolo at tito para sa kanilang pagkukunwari.

Matapos ang pagsusuri, bumalik si Bai Yun Xian sa tabi ng pangalawang prinsipe. Tinignan agad siya nito at sinabing: "Yun Xian, nagsipag ka."

Ngumiti ng matamis si Bai Yun Xian.

"Isa ka talagang romantiko, mahal kong kapatid. Mukhang malalim ang takbo ng iyong nararamdaman." Biglaang nagsalita ang tahimik na prinsipe, ng may matatalas na matang nakatitig kay Mo Xuan Fei.

"Kuya, marunong ka talagang magbiro." Hindi niyia maintindihan kung bakit bigla siyang pinuri ng kanyang kapatid.

"Kung gayon, medyo alibugha itong romantikong ikaw, hindi pamamaraan ng ating pamilya ang pagpili sa bago sa halip na piliin ang nauna. Ngayon, nandito ka, napakatammis ng pakikitungo kay Binibining Bai, napag-isipan mo na ba ang nararamdaman ng iba?" Tinukso ni Mo Qian Yuan.

Nanigas ang mukha ni Mo Xuan Fei.

Kahit ang mangmang ay maiintindihan ang ibig-sabihin ni Mo Qing Yuan. Hindi napansin ng lahat na nakatingin na sila kay Jun Wu Xie na hindi pinansin buong gabi.

Ang kilalang babae ay nakakagulat na tahimik lang, at kundi dahil sa pagbanggit ng unang Prinsipe sa kanya ay nakalimutan na siya ng lahat.

Magkatipan na si Mo Xuan Fei at si Jun Wu Xie, ngunit nang lumitaw si Bai Yun Xian, hindi na gaanong nakipagkita si Mo Xuan Fei kay Jun Wu Xie, at hindi nagtagal ay pinaghiwalay sila ng hari.

Nang maputol ang kanilang pagtitipan, kumalat ang balita pati sal labas ng Bayan ng Qi. Inabangan ng lahat ang gulo na dadalhin niya, subalit ay nanatili siyang tahimik at matagal na nawala. Sa katotohanan, ngayon lang siya nakita ng mga tao pagkatapos ng nangyari.

Bagaman mas maganda siya ngayon, naramdaman nila na may iba sa kanya kumpara sa dati.

Sa buong bansa, masasabing isa siya sa pinakamaganda. Gayunman, dahil sa kanyang matalas na dila, mainit na ulo, at bastos at mayabang na ugali, hindi masyadong napansin ang kanyang ganda. Ngayon, tahimik lang siyang nakaupo sa kanyang pwesto at nagmistula siyang ibang tao!

Chương tiếp theo