webnovel

Pagiging Magkapatid

Biên tập viên: LiberReverieGroup

"Captain Hong, maaari ba natin tong pag-usapan sa ibang lugar?"

Sambit ni Duan Ling Tian kay Hong Yu nang bigla siyang sumulyap sa

batang babae na tangan niya.

Tumango si Hong Yu.

Naniniwala siya na dapat alam ng kahit sino mang nagmula sa Latent

Dragon Camp ang mga patakaran ng Mound Hill City, kaya't inasahan

niyang tiyak na hindi papatay si Duan Ling Tian ng kahit sino sa

lungsod nang walang dahilan.

"Natapos na ng grupo namin ang gawain namin at babalik na kami.

Maaari mo akong sundan pabalik sa city guards' base camp at doon na

tayo mag-usap." Pagtugon ni Hong Yu.

Tumango si Duan Ling Tian, hindi tinatanggihan ang mungkahi niya.

"Linisin ito at babalik na tayo!" Matapos silang utusan ni Hong Yu,

ang walong mga city guards ay dali-daling kumilos at nilinis ang gulo

sa lugar. Sunod ay nagmartsa na sila sa isang maayos na linya sa

likuran ni Hong Yu na nakasakay sa kaniyang Wild Beast.

Chương bị khóa

Hỗ trợ các tác giả và dịch giả yêu thích của bạn trong webnovel.com

Chương tiếp theo