Matapos akyatin ang Dubhe Peak, nagpaalam na si Duan Ling Tian kina Shi Lan at Hu Li bago maglakad patungo sa batong plataporma kung saan nakalagay ang kadenang tulay na patungo sa Megrez Peak.
Kahit na hindi ito ang unang pagkakataon na naglakad si Duan Ling Tian sa kadenang tulay na ito, hindi pa rin niya mapigilan lumitaw ang gulat sa kaniyang puso...
Nakatayo sa kadenang tulay at nakatingin sa mga bundok malapit sa Seven Star Sword Sect, nararamdaman niya na parang ang lahat ng mga bundok sa kaniyang paningin ay maliliit.
Matapos lagpasan ang kadenang tulay, yumapak si Duan Ling Tian sa Megrez Peak.
"Hmm?" Kayayapak pa lamang ni Duan Ling Tian sa batong plataporma ng Megrez Peak nang may nakita siyang mabangis na mga mata na nasa kalayuan na napunta sa kaniya.
Inangat ni Duan Ling Tian ang kaniyang ulo upang tingnan.
Isang anyo ang dahan-dahang naglalakad palapit sa kaniya.
Hỗ trợ các tác giả và dịch giả yêu thích của bạn trong webnovel.com