"Bata, narinig mo ba ang sinabi ng Vice Guild Master? kung hindi mo mapatutunayan na isa kang Grade Nine Alchemist, babawiin sa iyo ng Alchemist guild ang iyong sagisag." Tumingin si Xiao He kay Duan Ling Tian na tila nakatingin sa isang katatawanan.
Isang katatawanan!
Hindi siya maniniwala na isang Grade Nine Alchemitst ang maliit na batang ito.
Isa-isa ay nabaling ang tingin ng mga tao kay Duan Ling Tian, at mas dumami pa ang taong naghihintay na mapahiya si Duan Ling Tian.
Tumingin sa mga tao si Duan Ling Tian habang nagtatanong, "Walang sinuman sa inyo ang naniniwalang ako ay isang Grade Nine Alchemist?"
Kahit na walang sumagot, ang kanilang mga nagtatakang tingin ang nagpaliwanag ng lahat.
"Tinatawag kang Xiao He?" ibinaling no Duan Ling Tian ang kaniyang tingin kay Xiao He, at ang kaniyang nga mata ay ay puno ng panunukso na hindi niya hiniyaang makita ni Xiao He.
Hỗ trợ các tác giả và dịch giả yêu thích của bạn trong webnovel.com