webnovel

Origin-Sealing Parasite

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Habang sina Duan Ling Tian at Yang Da ay nasa kanilang daan palabas ng Black Armor City, nakita nila ang mga sundalo ng Black Armor Army na nagpaparada patungo sa lugar ng Lian Clan na may tindig na tila mukhang itim na ulap na patungo sa siyudad at nagbabanta na tabunan ito!

"Para bang sumobra na ako." Nangabayo si Duan Ling Tian pasulong at nahihiyang hinimas ang kaniyang ilong.

Umirap si Yang Da kay Duan Ling Tian. "Hindi mo kagagawan ang lahat ng ito, bata."

"Kung gusto mong pag-usapan ang tungkol sa nagsimula ng lahat ng ito, siguradong hindi ako iyon, tama ba? Wala akong mga pagdaramdam para sa Black Armor Army o Lian Clan, at kaya wala akong rason na bitagin sila. Hindi ba ang iyong Iron Blood Army ang humiling sa akin na kumpletuhin ang kalokohang misyon na ito? Isang mahirap ngunit walang pasasalamat na trabaho!" ungol ni Duan Ling Tian.

"Tara na. Dahil tapos na ang bagay na ito, siguradong gumaan na ang loob ng Kumander."

Chương bị khóa

Hỗ trợ các tác giả và dịch giả yêu thích của bạn trong webnovel.com

Chương tiếp theo