webnovel

Ang Lakas ng Sinaunang Mammoth

Biên tập viên: LiberReverieGroup

At nagsimulang tumawa si Ling Tian.

Pagsuntok sa isang punching bag? Eksperto siya diyan!

Magkasing edad lamang sina Li Xin at Duan Ling Tian. Si Li Xin ay nakagapos sa poste ng kaparusahan sa ilalim ng napakainit sa sikat ng araw na ikinaberde ng kanyang mukha.

Nung marinig niya ang mga salitang iyon ni Li Rou ay labis na lamang ang naging takot ito at napasabing "Tulungan mo ako ama!"

"Li Rou, wag na nating palalain pa ito!" sabi ng ika pitong nakatatandang si Li Kun habang ang kanyang mukha ay galit na galit.

"Palalain pa ito? Madalas na inaapi ng anak mo ang anak ko Li Kun. At dahil sa mahina ang kanyang kakayanan ay tinatanggap ko na lamang hindi maiiwasan na magkaroon siya ng mga bali at sugat dahil dito. Ngunit muntik na siyang mapatay ng anak mo... Iniisip mo ba na ako, si Li Rou ay napakadaling apihin?"

Tiningnan ng malamig ni Li Rou si Li Kun at ang boses niya ay nagtataglay ng napakalamig na galit.

"Wag ka ng magdalawang isip at simulant mo na Tian! Makikita natin ngayon kung sino ang magtatangkang pumigil sa akin sa pagdidisiplina sa batang ito!"

Napuno ang tinig ni Li Rou ng espirito mula sa isang magiting na heroine.

Kahit na siya ay isang babae, ang kanyang pinakitang katangian ay hinding hindi bababa sa katangian ng isang tunay na lalaki.

"Ama!"

Tumingin si Li Kun sa ama habang nasa kanyang tabi si Li Nan Feng at umaasa na makakakuha siya ng kahit na anong uri ng hustisya sa pangyayaring ito.

"Ika pitong nakatatanda, ang mga pangyayari ngayon ay isang personal na bagay sa pagitan mo at ng Ika siyam na nakatatanda. At hangga't maaari ay ayusin ninyo ito sa pribadong paraan.

At tumango si Li Nan Feng.

"At ikaw pala ang bumugbog sa kanya hanggang siya ay malagay sa bingit ng kamatayan huh!" pabulong na sinabi ni Duan Ling Tian sa kanyang sarili.

Pak!

Umabante siya ng isang hakbang at agad niyang sinampal si Li Xin nang wala man lang binabanggit na kahit anong salita.

Isang napakagaang sakit ang naramdaman niya sa kanyang palad na nakapagpakunot ng bahagya ang noo ni Duan Ling Tian.

<Parang napakawalang kuwenta naman nitong katawan na ito. Ramdam ng ramdam ko ang sakit sa pagsampal isang punching bag!>

"Duan Ling Tian, kung tunay ka talagang lalaki, pakawalan mo ako rito! Maglaban tayo ng patas!" Ungol ni Li Xin na nalalapit na sa pag alulong habang ang kanyang mukha ay namamaga at ang kanyang mga mata ay kumikislap.

"Isang patas na laban? Pasensya na hindi kasi ako interesado. Sa kung ako ba ay isang tunay na lalaki o hindi, yun ang bagay na hindi mo na dapat iniisip." Humalakhak si Duan Ling Tian habang pinaghihiwalay niya ang kanyang mga kamay at itinataas ang kanyang mga balikat.

Pak!

Sinampal niyang muli si Li Xin.

"Napakakapal talaga ng balat sa mukha ng lokong ito."

Sumimangot siya habang iniihipan ang mahapdi niyang mga palad. Nakaramdam naman siya kaunting kasiyahan dahil nalilabas niya ang kanyang sama ng loob.

Hindi makaimik ang mga miyembro ng pamilya Li habang nakikita nila ang ginagawa at sinasabi ni Duan Ling Tian.

Habang nakagapos na lamang ang isa na parang isang punching bag para turuan niya ng leksyon ay nagawa niya pang mag reklamo kung bakit napakakapal ng mga balat sa mukha nito?

Anong problema ng batang ito!?

"Ang paggamit pa rin ng sapatos ay ang pinaka epektibo sa lahat."

Yumuko si Duan Ling Tian at tinanggal ang isang sapatos sa kanyang mga paa at inasinta ito sa mukha ni Li Xin.

Ang pangyayaring ito ay nagpanginig sa mga buto ng mga miyembro ng pamilya Li.

"Etong si Duan Ling Tian, hindi niya naman siguro naiisip na gamitin iyang sapatos niya sa mukha ni Li Xin hindi ba?"

"Kung gagamitin niyang pang sampal sa mukha ni Li Xin iyang sapatos na yan ay siguradong bubukas ang pisngi nito na para bang isang bulaklak na namumukadkad!?"

"Bastos kang bata ka! Humanda ka sa akin!"

Hindi na mapigilan ni Li Kun ang kanyang sarili at mabilis na siyang nagtungo kay Duan Ling Tian na para bang isang lumilipad na agila nang makita niya ang mga pangyayari.

"Humanda ka sa akin!"

Agad ding pumunta si Li Rou sa harap ni Duan Ling Tian na para bang isang diwata na dinadala ng hangin. Siya ay nauna ng isang hakbang kay Li Kun.

Inilabas niya ang kanyang mahinhing kamay na nagniningning at kumikinang dahil sa kanyang Origin Energy at sinampal si Li Kun.

Sinabayan ito ng dahan dahang pagbagsak ng maliliit at makikinang na bagay na parang kristal sa kanyang ulunan.

"Tingnan natin kung gaano ka talaga kalakas Li Rou."

Tumingin ng tuwid si Li Kun habang binababa niya ang kanyang kamay na parang isang pamaypay.

Biglang lumabas ang kanyang Origin Energy ng buong lakas at agad nitong hinabol si Li Rou!

Agad naming lumabas ang apat na mga nakatagong silweta ng sinaunang mammoth sa ibabaw ni Li Kun.

At umatake ni Li Kun ng buong lakas gamit ang mga enerhiya na nanggaling sa langit at lupa at lumikha sa apat na silweta ng mga sinaunang mammoth.

Sa madaling salita, ang katumbas ng lakas na kanyang ibinigay kay Li Rou ay kapareho ng pinagsama samang lakas ng apat na sinaunamg mammoth!

Ang isang sinaunang mammoth ay may lakas na 10,000 pounds.

"Ina…"

Nakaramdam ng pagalala si Duan Ling Tian at ang kanyang mukha ay bumagsak.

Pinanood maigi ng mga miyembro ng pamilya Li ang laban sa pagitan ng ika pito at ika siyam na nakatatanda dahil napakadalang lamang nila makakita ng ganitong klaseng pangyayari ng labanan.

Bang!

Nagsalubong sa harap ng mga nakapalibot na manonood sina Li Kun at Li Rou habang sila ay nagpalitan ng palm strike

Nahatak ang pareho nilang katawan ng mga enerhiyang kanilang inilabas. At ang makinang na kristal na bumabagsak sa ulunan ni Li Rou ay naging mga sinaunang mammoth din.

Anim! Lakas ng anim na sinaunang mammoth!

Hinarap ng lakas ni Li Kun na katumbas ng apat na sinaunang mammoth ang lakas ni Li Rou na katumbas ng anim na sinaunang mammoth. Naging halata na sa lahat ang kalalabasan ng labanang ito!

At kaagad na tumalsik ng parang isang palaso na itinira sa pana. Lumipad siya ng humigit na sampung metro bago pa man niya maitayo ang kanyang sarili.

"Waa!"

Dumura ng napakaraming dugo si Li Kun habang biglang namutla at nagberde ang kanyang mukha.

Punong puno siya ng pagtataka habang siya ay nakatingin sa anim na kumukupas na mga sinaunang mammoth sa ulunan ni Li Rou.

"Paano ito naging posible! Ang lakas ng anim na sinaunang mga mommoth! Nabibilang siya sa ika apat na antas ng mga Core Formation Martial Artist?!"

Nasindak ng husto si Li Kun.

Hindi niya akalain na kahit ang napakahinhin na si Li Rou na hindi kailan man nagawang manakit sa pamlilya Li ay nagtatanglay ng katakot takot na lakas!

Napabuntong hininga ang mga miyembro ng pamilya Li na nanonood sa laban. "Napakalakas ng ika siyam na nakatatanda! Kaya niya ang lakas ng anim na sinaunang mammoth!"

"Ayon sa mga kalkulasyon, kung ang kaya ng ika siyam na nakatatanda ang lakas ng anim na sinaunang mammoth ay nabibilang siya sa ika apat na antas ng Core Formation Stage."

"Sino ba ang magaakala na ang ika siyam na nakatatanda na pangkaraniwan ay mahinhin at mabait ay nagtataglay ng ganoong katindi na lakas… Kung hindi lang nalagay sa bingit ng kamatayan ni Li Xin si Dian Ling Tian ay hindi natin masisilayan ang tunay na kakayanan ng ika siyam na nakatatanda!"

Tumayo ng tuwid si Li Rou, at ang kanyang napakapayat na katawan ay masasabi nilang napakatayog.

"Hindi ko lubos maisip na nagtatanglay ng ganoong uri ng lakas ang aking ina. Sa pagkuha ng enerhiya sa langit at lupa ay tiyak na siya nga ay nasa ika apat na antas na ng Core Formation Stage."

Nakahinga na si Duan Ling Tian ng maluwag.

Sa mundong ito, ang unang hakbang sa pagiging isang martial artist ay kilala sa tawag na Body Tempering Stage na may siyam na antas.

Ang pagsasanay sa ika siyam na antas ng Body Tempering Stage ay maguudyok sa ating katawan na magkaroon ng lakas na katumbas ng 10,000 pounds.

Kung gagamitin mo ang buong iyong buong lakas, ang paggamit ng enerhiya galing sa langit at sa lupa ay magiging posible. Ito ay malilinang bilang isang silweta ng sinaunang mammoth na magbibigay sa iyo ng kakayanan na magkaroon ng lakas na katumbas ang isang sinaunang mammoth.

Kasunod ng Body Tempering Stage ay ang Core Formation Stage.

Ang malaking pinagkaiba ng Body Tempering Stage sa Core Formation Stage ay ang Origin Energy.

Pagkatapos mong makamit ang ika siyam na antas ng Body Tempering Stage ay magsisimula ka ng lumikha ng Origin Energy na makapagpapaangat sa iyo sa unang antas ng Core Formation Stage.

Ang lakas ng unang antas ng Core Formation Stage ay katumbas ng lakas ng isang sinaunang mammoth at kung susumahin ang lakas na ito sa lakas na tinataglay ng iyong katawan ay maaari kang makalikha ng lakas ng dalawang sinaunang mammoth.

Habang ang pagpapalakas ng katawan ay makakapagresulta sa pagtaas ng antas ng lakas na kaya mong ikontrol.

<Pinalalakas ko ang aking sarili sa nakaraang buhay pamamagitan ng Form at Will Boxing na kung saan ay napakahirap kong makahanap katunggali… Pero lakas kaya ilabas internal energy katawan mayroon lamang katumbas 10,000 pounds, ika siyam antas Body Tempering Stage mundong ito.< p>

Natural na napakalakas ng mga tao sa mundong ito kaysa sa mga tao na galing sa Daigdig sa aking nakaraang buhay… Mas malakas at mas mataas din ang kakayanan ng Origin Energy kaysa sa internal energy. Dati sa aking nakaraang buhay, nasa hangganan na ako ng pagpapalakas sa aking katawan… Ngunit sa mundong ito ay ang kakayahan ko na iyon ay kabilang lamang sa sumula ng pagpapalakas.>

Makikita ang isang ngiti sa magkabilang dulo ng bibig ni Duan Ling Tian habang siya ay nagiisip hanggang sa puntong ito.

<Mukhang magiging interesado ako sa mundong ito.>

"Wala ng manggugulo sa iyo ngayon Tian … Maaari ka ng magpatuloy."

Tinig ni Li Rou na dumampi sa mga tainga ni Duan Ling Tian na nagpapaalala sa kanya na ituloy ang kanyang naputol na ginagawa kanina.

"Iligtas mo ako ama!"

Noong marinig niya ang mga salitang binanggit ni Li Rou ay nag karoon ng pagpapakita ng matinding takot sa kanyang mga mata at ang kanyang mukha ay nagberde…

Walang biro na ang sapatos sa kamay ni Duan Ling Tian ang sasampal sa kanya!

Napuno ng takot ang mukha ni Li Kun at dahil sa kanyang pagkasindak kay Li Rou ay hindi na siya nagbalak na muling gumawa ng hakbang.

At tumawa ng malakas si Duan Ling Tian.

Pak!

Walang awang niyang hinampas ng kanyang sapatos si Li Xin.

Agad na umiyak ng parang isang baboy na kinakatay si Li Xian habang nagiwan ng marka sa kanyang mukha ang sapatos na inihampas sa kaniya.

Pak! Pak! Pak! Pak! Pak! .....

At patuloy na hinampas ni Duan Ling Tian ng kanyang sapatos si Li Xin ng sunod sunod na beses.

Ang mga miyembro ng pamilya Li na nanonood sa pagpaparusa ay nakakaramdam ng matinding pagkakilabot habang patuloy na hinahampas ni Duan Ling Tian ang mukha ni Li Xin ng kanyang sapatos.

Tumigil lamang si Duan Ling Tian noong si Li Xin ay mawalan na ng malay.

<Rest in peace… Maipaghihiganti na rin kita.>

Pabulong ni Duan Ling Tian sa kanyang puso. At kung kilala lamang niya kung sino ang kanyang kausap.

Napansin ni Duan Ling Tian ang tingin ng ika pitong nakatatanda na punong puno ng galit at poot na para bang naghihintay lamang ito ng pagkakataon na lunukin siya ng buo habang sinusundan niya ang kanyang ina.

Nagkaroon ng takot sa puso si Duan Ling Tian.

Mangilan ngilang beses na siya nakakita ng ganitong klase ng tingin sa dati niyang buhay.

Ang isang tao na nagpapakita ng ganitong klase ng tingin ay isang taong kayang gawin ang lahat upang makuha lang ang kanyang minimithi!

Kaya noon ay agad niyang nililigpit ang mga taong nagpakita sa kaniya ng ganitong klase ng tingin bago pa man ito maging isang banta sa kaniya.

<Ikinatatakot ko na simula pa lamang ang lahat ng ito… Kailangan magmadali at pagpapalakas aking sarili. Kung hindi ay baka alam patay ako!>

Nakaramdam ng matinding pressure si Duan Ling Tian.

Kahit na mas malakas ang kanyang ina kaysa kay Lin Kun ay napakaimposible na palagi itong nasa tabi niya at alagaan siya ng sa kanyang buong buhay.

Kailangan kong umasa sa kanyang sarili upang mabuhay sa mundong ito. Dahil ang malalakas ay ang iginagalang sa mundong ito.

Ang natatanging kailangan niya ay lakas… Hindi mapapantayang lakas!

Bilang ika siyam na nakatatanda ng pamilya Li, si Li Rou ay may sariling patyo.

Mayroong tatlong silid sa patyong iyon, isa kay Li Rou, isa kay Duan Ling Tian at isa ay sa binibining tagapaglingkod.

Binati ni Duan Ling Tian si Li Rou bago pa man sila makabalik sa kanyang silid sa kanilang patyo.

"Matapos magtamo ni Tian ng malulubhang sugat ngayon ay parang siya ay nagbago ng kaunti…"

Bilang malapit ni Li Rou kay Duan Ling Tian ay agad nitong napansin pagbabago niya matapos niyang magising.

Hindi na niya ito pinagisipan ng malalim at naniwalang nagkaroon lamang ng pagbabago sa kanyang anak dahil sa natamo nitong mga sugat.

Paano niya malalaman na ang katawan ng kanyang anak ay kasalukuyang buhay ngunit ang kanyang kaluluwa ay napalitan na ng iba.

Maaliwalas ang mukha ni Duan Ling Tian nung nakabalik na siya sa kanyang silid at umupo sa kanyang higaan.

Base sa mga ligaw na mga ala alang ito ay nalaman niya na ang may ari ng katawang ito ay napakasakitin at napakarupok sa napakabatang edad.

Ang pagkakamit niya ng unang antas ng body tempering at maging martial artist ay kasing hirap ng pag akyat sa kalangitan!

<Napakalakas ng iyong ina ngunit nagkaroon siya anak na baldado kagaya mo? Napakamalas ko naman napasaakin pa ang katawan.>

Sambit ni Duan Ling Tian sa kanyang puso.

"HeHeHeHe…"

Nang biglang isang nakapangingilabot at namamaos na tinig na parang isang multo ang nagsalita sa loob ng isipan ni Duan Ling Tian.

"Sino ito!?"

Hindi maipinta ang mukha ni Duan Ling Tian.

"Hindi ka ganoon ka suwerte na kayanin ng kaluluwa mo ang mga iyon para sa akin bata! Pero walang nagbago… Teka, hindi ikaw yung batang iyon. Sino ka!? Bwisit! Nanghahahas ka talaga na agawin mo sakin ang katawang matagal ko ng nais! Mamatay ka na!!" Sabi ng namamaos na tinig na napupuno ng galit at kalupitan.

Chương tiếp theo