Agad na nagising sa realidad sina Luo Feng at Candace sa loob ng battle room nang matapos ang kanilang laban.
"Natalo ako?"
"Natalo ako?" Hindi magawang hubarin ni Candace ang kanyang suot-suot na dark blue helmet kahit na wala na itong makitang kahit ano kundi kadiliman. Walang imik itong nanatili sa sofang kinauupuan niya.
"Paano ako natalo? Walang kahit anong paraan para matalo niya ako, wala! Isa na lang ang brasong mayroon siya roon at kayang kaya ko pang magbigay ng isang napakalakas na atake. Ang kanyang huling atake… ang kanyang bilis…" Nagpatuloy na umupo si Candace sa sofa habang nagtutunugan ang kanyang mga kamao hanggang sa mamuti ng husto ang mga ito. Pagsisisi, nagsisisi siya ng husto sa ginawa niyang ito!
Mula sa bilis ni Luo Feng sa huli ay malinaw na naintindihan ni Candace na—tumaas ang fist strength level ni Luo Feng ng napakalaking bilang!
"Pinagbigyan ko siyang makabawi sa isang napakaimportanteng oras?"
Hỗ trợ các tác giả và dịch giả yêu thích của bạn trong webnovel.com