webnovel

Malaking Pagbabago

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Nasupresa ang mga God Eye descendants sa biglaang pag-atake ng Blazing Gold Race.

"Devil Shattering Heaven Flame Palm!" Pinangunahan ni Ancient God Giant Spirit ang pag-atake, nagpakawala siya ng isang malaking palad ng gintong apoy.

Ang makakapangyarihang mga atake ng iba pang miyembro ng Blazing Gold Race ay sumabay dito.

Ako ang pakay nila! Nanginig ang puso ni Zhao Feng. Napagtanto niya na ang mga atake ng Blazing Gold Race ay patungo sa kaniyang direksyon.

Siyempre, napansin din ng mga God Eye descendants ito.

"Gusto nilang patayin si Zhao Feng!" Sumigaw ang batang mula sa Life Sacred Land. Alam niyang galit ang Blazing Gold Race kay Zhao Feng.

"Buwisit, ang batang ito…!" Tinitigan ni Ancient God Departed Spirit si Zhao Feng at siya'y nagmura. Mukhang malaking dahilan si Zhao Feng kung bakit ganito umatake ang Blazing Gold Race.

Chương bị khóa

Hỗ trợ các tác giả và dịch giả yêu thích của bạn trong webnovel.com

Chương tiếp theo