Ang pagkatalo ni Huang Yuanhu ay naging dahilan upang hindi matanggap ng mga Central disciples ang katotohanan, lalo na ang mga nakakakilala kay Zhao Feng.
Gulat at may panghihinalang nakatitig ang Senior Martial Sister Wan Rong kay Zhao Feng. Naramdaman niya na ang kasalukuyang Zhao Feng ay iba ang aura at lakas mula sa dating Zhao Feng. Noong tila naramdaman na ni Zhao Feng ang titig nito, ngumiti si Zhao Feng at tinignan din si Senior Martial Sister Wan Rong.
Hindi lamang gwapo si Zhao Feng; mayroon din siyang lakas ng loob. Ang kanyang dating ay kayang magpabilis sa tibok ng puso ng mga babae.
Noong nagtagpo ang kanilang mga mata, bumilis ang tibok ng puso ng Senior Martial Sister Wan Rong.bang mga misteryoso nitong mata ay tila naglalaman ng mapang-akit na kaluluwa, nahulog siya dito. Nagsimulang mamula ang kanyang mga mata, ag napayuko siya dahil sa hiya.
Hỗ trợ các tác giả và dịch giả yêu thích của bạn trong webnovel.com