webnovel

Paggawa ng Domain

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Nang mabanggit ng isa ang Pirate Emperor, ang lahat ng mga pirata sa Eighteen Corners Pirate Sacred Land ay nagbigay ng senyales, at ang kanilang paghanga at paggalang ay bukal sa puso.

Kasama na dito ang pagbibigay ng pagsasakripisiyo ng mga pirata para sa Pirate Kings.

Ang kauna-unahang Pirate Emperor ay maituturing na isang totoong maalamat.

"Ang Pirate Emperor ay hindi lamang isang peak-stage Void God Realm Emperor, siya rin ay isang Mechanisms Grandmaster, isang Array Grandmaster, at isang tao na dalubhasa sa spatial secret techniques. Siya ay mahusay sa lahat..." Isang bihirang tanda ng paghanga ang lumitaw sa mukha ng Cold Moon King.

Sa panahong iyon, ang lakas ng Pirate Emperor ay ang kataas-taasan, at siya ay lubhang kaakit-akit.

Malinaw na maraming mga dalaga ng Floating Dream Sacred Land super-families ang naloko at naakit niya. Kailangan malaman ng isa ang lakas ng mga super-families na ito ay malapit sa three-star superpower, at noon, mayroon silang Mystic Light Realm Sacred Lords.

Sa simula, hindi talaga isang pirata ang Pirate Emperor, siya ay isang Mechanisms Master. Sa partikular, siya ay isang tomb raider. Naisip ni Zhao Feng na ang isang Mechanisms Master ay lubos na madadalian na lamang sa pagiging isang tomb raider.

Ang Pirate Emperor ay lubhang mapalad at natuklasan ang maraming ancient ruins. Pagkatapos ng dose-dosenang mga taon, ang kanyang

kadalubhasaan sa mga mekanismo ay umabot na sa Grandmaster level, at siya rin ay nagsimula na magpaka-dalubhasa sa spatial secret techniques, upang matuklasan ang iba pang mga nakalimutang realms.

Karagdagan pa dito, nagawang hukayin ng Pirate Emperor ang natirang realm sa likod ng Heaven Legacy Race, isang lahi na niranggo bilang top three ng Ten Thousand Ancient Races.

Kung ang Ancient Race ay sinabi na magkaroon ng pinaka-perpektong bloodline at walang kapantay na lakas, kung gayon ang Heaven Legacy Race ang may pinaka-mataas na bilang ng mga matatalino.

Pagkadinig nito, nagulat ang puso ni Zhao Feng.

Pagkatapos sa pagiging isang mahusay na tomb raider, ang lakas ng Pirate Emperor ay tumaas ng labis-labis, at siya'y naging isang makapangyarihan sa lahat. Sa pagtaas ng kaniyang kapangyarihan, kinuha niya ang trabaho ng isang pagiging pirata at kalaunan ay naging isang Pirate Emperor.

"Sa panahong iyon, ang Pirate Emperor ay isang diyos, nagawa niya ring mawasak ang ilang two-star sects, kasama na ang peak two-star sect."

"Ang kahanga-hangang Pirate Emperor ang nagtulak sa mga pirata ng limitless ocean sa marangal na era."

"Ang kayamanan na kaniyang naipon ay aabot sa dose-dosenang mas madami - kung hindi higit sa isang daang beses - mas mayaman kaysa sa mga normal na Emperor."

Ang ilang mga pirata sa bulwagan ay nagsimulang mag-diskusyon na may mga nakasasabik na tono. Ang lahat ay nag-alala tungkol sa mga kayamanan ng Pirate Emperor. Sinasabi ng ilan na ang kayamanan ng Pirate Emperor ay maihahambing sa three-star superpower ng Floating Dream Sacred Land.

Ngunit lahat ng ito ay nakatago sa kasaysayan.

Tanging ang paglaban para sa Pirate Emperor na nangyari lamang tuwing tatlong daang taon lumilitaw ang pagbukas ng Pirate Emperor Sacred Land. "Kung ang Pirate Emperor ay malakas at matalo-talo, paano siya namatay?" May biglang isang tinig ang gumambala sa mga pirata na may mainit-init na silakbo ng damdamin. Ang tinig na ito ay nagmula kay Zhao Feng, at ang bulwagan ay naging tahimik.

"Ang Pirate Emperor ay pinatay ng Mystic Light Realm Sacred Lord na nagmula sa Floating Dream Sacred Land."

Nahulog ang damdamin ng mga pirata.

Mystic Light Realm Sacred Lord – ito ay isang level na kung saan nalagpasan na ang mga Emperors, at ito ay isang hakbang lamang mula sa Heavenly Divine Realm.

Isang kakaibang liwanag sa mata ng batang Demigod ang kumislap. Siya ay may bahagyang ekspresiyon tulad nito. Kilala niya rin ang Mystic Light Realm Sacred Lord, at alam niya rin ang tungkol sa himala ng Pirate Emperor, ngunit ang Demigod Kun Yun ay mas malakas kaysa sa normal Sacred Lords dahil siya ay isang hakbang nalamang patungo sa Heavenly Divine Realm.

"Ang Pirate Emperor ay lubhang nasaktan ng Mystic Light Realm Sacred Lord, ngunit nagawa niyang makatakas gamit ang isang secret item mula sa Heaven Legacy Inheritance, pagkatapos ay gumawa siya ng sarili niyang inheritances bago siya mamatay," bulong ng Cold Moon King.

Pagkarinig nito, wala agawa si Zhao Feng kundi bumuntong hininga.

Ang lakas ng isang Mystic Light Realm Sacred Lord ay sadyang napakahusay. Ang Wind Lightning Emperor at ang Pirate Emperor ay parehong mga maalamat, sabalit sa huli, umagaw sila ng masyadong maraming atensyon na naging sanhi upang atakihin sila ng Mystic Light Realm Sacred Lord.

Ayon sa mga nalalaman ni Zhao Feng, ang lahat ng Mystic Light Realm Sacred Lords sa Cang Ocean ay pangunahing na sa seclusion upang maghanda para sa God Tribulation. Kung walang anumang kailangan, wala silang ibang gagawing kahit ano sa panlabas na mundo.

Ang tanging bagay na interesado lamang sila ay ang domain of Gods - Ang Heavenly Divine Realm.

Si Zhao Feng ay nanatili noon sa Mystic True Sacred Clan nang ilang panahon, ngunit hindi niya nakita ang Grand Elder.

Siyempre, ang Wind Lightning Emperor at ang Pirate Emperor ay maaaring umakit ng Mystic Light Realm Sacred Lords upang sila'y atakihin at maipakita sa kanila kung gaano kasindak-sindak ang kanilang battle-power.

Gayon pa man, may panibagong tanong ang sumulpot sa isipan ni Zhao Feng - bakit wala sa iba pang mga Emperors ang sumubok upang piliting kunin ang inheritance ng Pirate Emperor? Ang Mystic Light Realm Sacred Lords ay maaaring masyadong mapanghamak sa paggawa nito, ngunit ilan sa mga two-star sects at mga Emperoray dapat maging interesado.

"Ang plano ng Pirate Emperor ay sadyang kahanga-hanga. Siya ay isang array at isang mechanisms Grandmaster at siya ay nakatanggap ng Heaven Legacy Inheritance. Tanging mga pirata lamang ang maaaring magmana ng kaniyang mga kayamanan."

"Ang kahit sino mang mga Emperor na mula sa taga-labas na nais sumubok makapasok sa Pirate Emperor Sacred Land ay masasaktan. Noong Isang libong taon na ang nakalilipas, isang Emperor ang namatay mula rito."

"Kapag nakaharap ng Pirate Emperor Sacred Land ang kapangyarihan na nalampasan na ang level ng mga Emperor, ito ay bibigay, kahit na ang Sacred Lords ay magiging maingat sa pagkawasak ng sarili."

Ang bawat isa ay nagsimulang magsalita nang sabay-sabay, inilantad ang dahilan.

Sa kabuuan, sa mga nakaraang dose-dosenang milenyo, tanging ang mga pirata ng Eighteen Corners lamang ang maaaring magmana ng ilang yaman at inheritances ng Pirate Emperor. Bukod pa dito, nang humina lalo ang Pirate Emperor, ang iba mga eksperto sa Sacred Lands ay hindi na ito pinansin.

Isa pa sa mga dahilan, nang nagbukas ang Pirate Emperor Inheritance Sacred Land, mayroong isang pagsubok na ang magiging gantimpala ay naaayon sa kanilang abilidad. Ang resources at inheritances na mga gantimpala na mula sa pagsubok ay hindi na masyadong kagulat-gulat,

at hindi ito sapat upang maakit ang mga top Emperors.

Siyempre, ang isa pang dahilan kung bakit lubos na kaakit-akit ang Inherintances ng Pirate Emperor ay dahil sa isang bagay - ang sinumang makapagmamana ng inheritances ng Pirate King ay maaring maging isang Void God Realm Emperor sa loob ng sampung taon, at kung ang isa ay isang normal na Emperor na, sila ay magiging isang peak Emperor. Ito ay lubhang kaakit-akit sa Pirate Kings.

"Kawili-wili," hindi mapigilan ni Zhao Feng na maging bahagyang interesado sa Inheritance ng Pirate Emperor.

Ang labanan para sa trono ng Pirate Emperor ay may sariling mga alituntunin. Unang-una, hindi-bababa sa siyam na eighteen Pirate King Tokens ang kinakailangang matipon upang mabuksan at makapasok sa Pirate Emperor Sacred Land.

Ang Pirate King Tokens ay hindi maaaring alisin mula sa Eighteen Corners Pirate Sacred Land. Ang Pirate Emperor ang nag-lagay nito, at kung ang batas na ito ay sinuway, magiging katulad din nito ang paglaban sa kapangyarihan ng Heaven at Earth sa Eighteen Corners Canyon.

Bukod pa dito, tanging ang eighteen Pirate King legendary ships lamang ang maaaring pumasok sa Pirate Emperor Sacred Land. Hindi mapigilan ni Zhao Feng na alalahanin ang kaniyang ghost ship at kung paano ito sumanib sa aura ng Pirate King Token at ngayon ay hindi na maaaring lisanin ang Eighteen Corners Pirate Sacred Land. Nangangahulugan lamang na kailangan niyang lumahok sa laban para sa pagiging isang Pirate Emperor.

"Zhao Feng, masanay ka na sa paligid at isama mo ang iyong piratang barko sa aming armada," utos ng Cold Moon King. Tumango si Zhao Feng, at umalis sa bulwagan at nagtungo sa kaniyang ghost ship.

Sa ngayon, hindi niya kinakailangang makipaglaban. Ang tanging kailangan niya lamang gawin sa ngayon ay masanay sa paligid sumama sa puwersa ng Cold Moon King.

Kabilang ang kaniyang sarili at si Zhao Feng, ang Cold Moon King ngayon ay may kabuuang apat na Kings at tatlong Pirate King Tokens. Gayon pa man, hindi ito sapat; kinakailangan niya pa ng siyam na Pirate King Tokens upang makapasok sa Pirate Emperor's Inheritance Sacred Land. Kaya naman, may malaking labanan pa silang kinakaharap.

Sa ghost ship, sinabihan ni Zhao Feng ang skeletal Division Leader ng impormasiyon at sinabi kung ano ang binanggit ng Cold Moon King tungkol sa barko. Binigyan rin ni Zhao Feng ang skeletal Division Leader ng ilang resources upang mapalakas ang mga buto nito at mapataas ang kaniyang cultivation. Kamakailan lang napatay ni Zhao Feng ang Domain-level King, kaya siya ay napakayaman at mapagbigay.

Sa loob ng silid ng kapitan, Naupo si Zhao Feng at nagsimulang sagunitain ang labanan sa Lord Dark Snake at Cold Moon King. Ang dahilan kung bakit nagawa niyang patayin ang Lord Dark Snake ay dahil sa tulong ng batang Demigod. Sa kabuuan, hindi magagamit ng maayos ni Zhao Feng ang kaniyang eye-bloodline.

"Kung wala ang aking eye-bloodline, kaya ko lamang depensahan ang aking sarili laban sa Domain-level King. Mababa ang tiyansa na manalo," dugtong ni Zhao Feng. Para sa Peak-tier King, ang kaniyang tiyansang manalo ay hindi gaano kataas kahit na gamitin niya pa ang kaniyang eye-bloodline.

Nagsimula ang pag-iisip ni Zhao Feng. Ang pangunahing pagkakaiba ng isang Domain-level King at ang kaniyang sarili ay ang spatial domain. "King iyan ang kaso... gagawa din ako ng spatial domain," isang liwanag ang kumislap sa mga mata ni Zhao Feng.

May kaunti siyang kaalaman tungkol sa spatial domains, at nakita niya na ang Duanmu Qing Little World. Ang Duanmu Qing Little World ay totoo, at may mataas na kalidad. Kahit na si Zhao Yufei ay nagawang mapahusay ang Purple Saint Ruins upang maging Little World dahil sa tulong ni Duanmu Qing.

"Ang domain ng mga normal Kings ay hindi panlupa, na kung saan hindi ako gaanong mahihirapan," malakas ang loob ni Zhao Feng dahil ang kanyang talento ay Soul-based, at dalubhasa siya sa mga ilusyon. Nakagawa na siya ng Illusion Maze noon, isang mahabang lugar ng spatial domain, at ang isang spatial domain na ito ay bumubuo ng dimension sa pamamagitan ng Intent.

"...subalit anong elemento ang isasanib ko sa spatial domain?" Nagsimulang mag-isip si Zhao Feng. Sa ngayon, may ilan siyang mga pagpipilian: Una; paggamit sa kaniyang eye-bloodline at paglago ng Illusion Maze para maging isang spatial domain.

Pangalawa; gumawa ng Wind Lightning Domain. Ito ay nangangailangan ng Intent of Wind Lightning upang makabuo ng spatial domain, at sa tingin ni Zhao Feng mangangailangan ito ng mas maraming oras.

Pangatlo; gumawa ng Water Ice Domain gamit ang kaniyang kapangyarihan ng Water at Ice bloodlines. Sa palagay ni Zhao Feng na ang domain na ito ay magiging mahusay sa depensa dahil ito ang espesyalidad ng kaniyang bloodline.

Pagkatapos ng ilang pag-iisip, nagdesisyon si Zhao Feng na bumuo ng Illusion Maze Domain.

"Gagamitin ng spatial domain na ito ang kahusayan ng aking soul-talent. Ang mahalaga pa dito ay mas mapapataas pa nito ang aking kabuuang lakas nang napakabilis," tumango si Zhao Feng.

Sa mga sumunod na dalawang araw, pinasok niya ang seclusion upang lumago pa lalo ang kaniyang Illusion Maze. Sa kaniyang Purple Soul Sea, hinati ni Zhao Feng ang kaniyang pag-iisip ng ilang dosena at sinimulang isipin kung ano ang magiging itsura ng domain.

Isang siyudad ng mga mazes ang nagsimulang mabuo sa kaniyang isipan. Ang buong siyudad ay higit sa isang daang milya ang lapad, at ang sinumang nahuli sa loob ay hindi makatakas.

Weng~~

Maraming nilagay na soul-power si Zhao Feng, at ang balangkas ng siyudad ay mas naging malinaw.

Noon, ang siyudad ng Illusion Maze ay isa lamang ilusyon, subalit ngayon ay may senyales na ito ng pagbuo. Ang Illusion Maze ay nabuo gamit ang Intent ni Zhao Feng, at ito ay naglalaman ng kaniyang kapangyarihan.

Sa isang punto, ang balangkas ng isang mahamog na siyudad ang nagsimulang lumitaw sa paligid ng ghost ship. Sa simula, ang imahe na ito ay hindi nakikita, subalit isang source ng Magnificent Power ang nagsimulang rumagasa mula rito.

"Ano ang nangyayari...?" napagtanto ng skeletal Division Leader na ito ay nakapasok na sa half-transparent Illusion Maze.

"Napakabilis nito," pinatunog ng batang Demigod ang kaniyang dila. Nagawa na ni Zhao Feng na bumuo ng spatial domain na may Soul element nang napakabilis.

"Ang tawag dito ay talento," hindi makapaniwala si Zhao Feng. Ang paggawa ng Soul-based spatial domain ay tila naaayon sa pakiramdam para kay Zhao Feng.

Chương tiếp theo