webnovel

Ang Plano ng Ten Thousand Lightning Sect

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Sabay na gumalaw nang kaunti ang batang Demigod at ang munting pusang magnanakaw nang lumabas ang ulo.

Sobrang nakakabilib ang Wind Lightning Inheritance ni Zhao Feng… kung kaya niyang pagsamahin ang lakas ng Lightning Tribulation, malamang ay kaya rin ng lakas niyang umangat pa ng isa pang lebel, nag-aalala ang batang Demigod. Mabilis na bumabalik ang lakas niya at malapit na siya ngayon sa panggitnang yugto ng Great Origin Core Realm, pero lalo lang siyang nag-alala sa bilis ng paglakas ni Zhao Feng.

Kapag mas lalong bumaba pa sa landas ng cultivation ang isang tao, mas humihirap pa ito. Ang cultivation speed ng batang Demigod ay maaaring masabing dumadaloy ng libong milya bawat araw, pero matapos maabot ang lebel ng isang King, ay sobrang bumaba ang cultivation speed niya. Kahit gaano pa karaming potensyal mayroon sa isang tulo ng Demigod blood essence ay limitado pa rin ito.

Kasabay nito, iilan sa mga Kings sa True Martial Sacred Land na bihasa sa Lightning ay naramdaman ang ulo – lalo na ang lahat ng nasa Ten Thousand Lightning Sect.

Weng~~

Isang scarlet-and-black sword of Lightning sa loob ng Ten Thousand Lightning Sect ang nanginig, at ang mga kadenang nakapagpaipit dito ay nagsimulang kumalansing. Ang is$padang ito na nakapaloob sa malapit na mga arrays ay biglang nagpakita ng kakaibang aksyon, para ba itong sabay na natutuwa at natatakot.

Shua!

Lumitaw ang dalawang anyo sa tabi ng espada. Dalawang Emperors ang makikitang nababalot ng magandang liwanag. Isa sa kanila ay isang matandang may maitim na mukha at ang isa ay isang babaeng nababalot ng maraming kulay.

"Ang aura ng God Tribulation's Lightning ay muling lumitaw, at mukhang mas malakas ito ngayon kumpara sa dalawang beses na nakaraang pangyayari…."

"Ang tanging bagay lamang na makakagawa ng ganito sa Lightning Sword ay ang God Tribulation Lightning. Noon, ang Lightning Sword na ito ay nilinang ng God Tribulation Lightning, at may isang henyo sa isang continent zone ang naka-comprehend sa lakas ng Lightning nito at naging isang God."

Nag-usap ang dalawang Emperors, at napunta ang tingin nila sa Spiritual Peak ng True Mystic Sacred Clan.

Sobrang nakakaakit ang Lightning ng isang God Tribulation sa Ten Thousand Lightning Sect na siyang bihasa sa Lightning.

Matapos ang lahat, noong araw, ay may isang henyong gumamit ng kapangyarihan nito para maka-abot sa peak o rurok4j ng mundo.

"Kung tama ako, ang bahagi ng God Tribulation Lightning ay nanggagaling sa pinakaimportanteng parte – ang ulo," sabi ng babae matapos mag-isip. Nababalot ng iba-ibang kulay ng kidlat ang kaniyang katawan. Kahit isang maliit na arko mula dito ay kayang sumira ng isang maliit na nayon.

"Nakolekta na ng Thousand Darkness Sacred Clan at ng True Mystic Clan ang ibang parte ng bangkay ng God Tribulation, pero malamang ay hindi nila ibibigay ang mga ito sa atin…." Buntong hininga ng matandang maitim ang mukha.

Ang Ten Thousand Lightning Sect ang sect na pinakamalapit sa isang three-star superpower sa True Martial Sacred Land. Mayroon silang ilang Emperors, at lahat sa kanila ay may sobrang lakas na battle power.

"Hehe, mukhang hindi ganoon ang mangyayari. Narinig ko na pupunta na sa continent zone si Duanmu. Ibig sabihin ay may paraan…." Ngiti ng babae.

"Oh? Anong iniisip mo?" umilaw ang mga mata ng matandang maitim ang mukha. Hindi pa rin kasing dami ng lakas ng Lightning Sword ang lakas na nasa ulo ng God Tribulation, pero kaya pa rin nitong palakasin ang sect nila.

Sa main Spiritual Peak ng True Mystic Sacred Clan, nagpigil si Zhao Feng ng paghinga at nilagay niya ang kamay niya sa ulo ng God Tribulation corpse at naramdaman ang aura sa loob nito.

Boom!

Para bang natamaan ng kidlat ang buong katawan niya nang may luma at orihinal na aura ng Lightning ang nagpayanig sa isip niya.

"Ang kaunting bahagi ng aura lamang nito ay nakakatakot na," napahinto si Zhao Feng.

Ang bangkay na ito ay matagal nang nasa isang libingan pero mayroon pa rin itong mga marka na naiwan ng Lightning. Ang nagawang kasiraan ng God Tribulation Lightning ay halos walang katapusan.

"Masyado itong malakas. Walang katapusan ang kasiraang magagawa nito…." Naintindihan ni Zhao Feng ang tungkol sa God Tribulation Lightning.

Maraming bloodlines, races, at species ang may malahalimaw na recovery speed, pero hindi pa rin sila sumailalim sa God Tribulation. Sa nakalipas na mga milenya ay wala pang nakakarinig na isang taong nagiging God sa buong Cang Ocean. Sobrang nakakatakot lamang ang lakas ng God Tribulation at walang katapusan ang kasiraang nagagawa nito.

"Kung kaya kong paghaluin ang intent ng God Tribulation sa Wind Lightning Inheritance ay baka lumakas ang kapangyarihan ko sa Lightning nang sampung beses."

Nanginig ang dibdib ni Zhao Feng.

Ito rin ang dahilan kung bakit nag-aalala ang batang Demigod. Kahit pa isang peak inheritance ang Wind Lightning Inheritance ay may pagkakaiba pa rin ito kumpara sa Purple Saint Inheritance at sa iba pa. Madali pa ngang natablahan ito ni Lei Zhen gamit ang kaniyang Lightning Spiritual Body. Kaya lamang, lahat ng ito ay magbabago kung ang lakas ng God Tribulation Lightning ay naipagsama dito.

Sa loob ng kwarto, sinarado ni Zhao Feng ang mga mata niya at nagsimulang ramdamin ang lakas ng God Tribulation Lightning mula sa ulo. Habang nangyayari ito ay tuluyang nanginginig ang lightning sa loob ng katawan niya.

Kaya lamang ay mahabang proseso ang sipsipin ang lakas ng God Tribulation Lightning, Nadidikitan nito ang mga batas ng Heaven at Earth, at nalagpasan na nito ang Wind Lightning Inheritance ni Zhao Feng.

Hindi niya malaman kung saan siya magsisimula, kaya wala siyang nakuha sa unang dalawang araw maliban sa pag-aangkop sa presyon na galing sa ulo.

"Master, kailangan ng kakaibang Lightning Spiritual Body mo ang mag-comprehend ng God Tribulation Lightning, o kaya kailangan ng comprehension level mo ang sa isang Emperor na bihasa sa Lightning," babala ng batang Demigod. Sinasabi niyang hindi nakamit ni Zhao Feng ang mga kinakailangan.

"May sarili akong mga plano," malamig na ngisi ni Zhao Feng. Matapos ang lahat, sa batang Demigod na ito ang ulong ito kung kaya't may koneksyon ang dalawa.

Sa oras na iyon, sa taas ng main Spiritual Peak, may ilang chaotic Emperor auras ang dumating.

"Ang junior na nagngangalang Zhao Feng, lumabas ka!" isang mala-haring boses ang tumunog sa himpapawid.

Hmm? Nagbago nang kaunti ang ekspresyon ni Zhao Feng, at sabay na itinago ang ulo.

Lumulutang ang tatlong Emperors sa himpapawid at naglalabas sila ng nakakagulat na aura of Lightning. Nanginig ang Wind Lightning True Yuan sa katawan ni Zhao Feng. Ang lebel ng Lightning nila ay masyadong malakas, at maikukumpara sila sa Wind Lightning Emperor.

"Dark Lightning Emperor!" ilan sa mga Kings at Emperors sa loob ng Mystic True Sacred Clan ang napasigaw habang nagmamasid ang Divine Sense nila sa himpapawid.

May tatlong Lightning Emperor ang kasalukuyang naroroon. Sa kabila at kanan; may isang babaeng nababalot ng iba-ibang kulay ng kidlat at may isang matandang maitim ang mukha. Sa pinaka-gitna ay may isang matangkad na lalaki na naka-itim na baluti, na siyang napapaligiran ng itim na kidlat. Mula sa malayo ay nagmukha siyang Emperor of Darkness.

"Ang aura ng Dark Lightning Emperor na ito ay sobrang lakas. Nasa parehas na lebel siya ng Master…." Nagulat si Zhao Feng.

Punong-puno ng pag-iingat ang Kings at Emperors sa Spiritual peak.

"Ang Dark Lightning Emperor ay ang numero unong Lightning na eksperto sa Cang Ocean, at may hindi mapantayang battle power siya sa mga Emperor."

"Nang dahil sa kaniya kung bakit ang Ten Thousand Lightning Sect ang pinakamalakas na two-star sect, na siyang nasa ilalim lamang ng three-star superpowers."

Ilang Divine Senses ang naroroon, pero hindi pa rin lumabas si Zhao Feng. Hindi niya kakayaning makipaglaban sa ilang Emperors.

"Bakit nandito ka, Dark Lightning Emperor?" isang pamilyar na boses ang tumunog sa paligid.

Shua!

Lumitaw si Emperor Duanmu sa tapat ng tatlong Ten Thousand Lightning Sect Emperors. Sa ilang sandali lamang, dalawa pang Emperors ang lumitaw – Emperor Gu Luo at si Emperor Mi Kong. Kasama na si Duanmu Qing, may tatlo pang Emperors, at ang iba pang mga Kings at Emperors ng clan ay sabay-sabay na gumagamit ng Divine Senses para manood.

"Palabasin niyo si Zhao Feng dito," sabi ng Dark Lightning Emperor habang lumulutang sa himpapawid. Tanging si Duanmu Qing at ang ilang Emperors ng Mystic Sacred Clan ang maaring ikumpara sa kaniya.

Shua! Shua! Shua!

Sa isang iglap lamang ay may ilang dosenang Divine Senses ang lumipad patungo sa Thousand Darkness Sacred Clan.

Nagbago ang ekspresyon ni Emperor Duanmu nang malaman niya kung bakit pumunta ang Ten Thousand Lightning Sect dito – mayroon silang suporta ng Thousand Darkness Clan. Dagdag pa roon na malapit nang umalis si Emperor Duanmu sa clan. Pinagplanuhan ito.

"Dark Lightning Emperor, kung hindi mo kami bibigyan ng magandang rason, hindi ka namin papayagang makita si Zhao Feng," ngumiti nang bahagya si Duanmu Qing, at lalong bumagting ang paligid.

"Sige, sasabihin ko ang dahilan kung bakit narito kami," tumawa nang matagal ang Dark Lightning Emperor. Sobrang tahimik ng main Spiritual Peak.

"Dati pa nang hindi pa Emperor ang Wind Lightning Emperor, sumama siya sa sect namin bilang bisita. Sa mga panahong iyon, marami siyang ninakaw na Lightning techniques na siyang magpapasikat sa kaniya sa hinaharap. Nagpadala naman kami ng ilang eksperto para patayin siya, pero masyadong mabilis ang magnanakaw na 'yon, kaya siya napangalanang pinakamabilis na Emperor," pagdating doon sa sinasabi niya ay huminto siya nang sandali at tumingin sa ibang Emperors na naroroon.

"Narinig na namin ito dati," nagsimulang mag-isip si Emperor Mi Kong, at tumango ang iilang matatandang Emperors. Totoo ang sinabi ng Dark Lightning Emperor.

"Tama, walang kwenta ang asal ng Wind Lightning Emperor, at ginamit niya ang bilis niya para magnakaw ng mga kayamanan at resources sa iba."

"Nalaan kong nilait niya ang Purple Night Sacred Land at saka napatay matapos makatakas nang ilang beses."

Nanggaling ang ito sa ibang mga Emperor. Sa punto na iyon, maraming nakatataas sa buong True Martial Sacred Land ay nagtitipon dito.

"Magandang nandito ang lahat para manood," tumango ang Dark Lightning Emperor.

"Pero anong kaugnayan nito kay Zhao Feng?" ngisi ng Divine Sense ng isang Emperor.

"Siyempre may kaugnayan ito," sabi ng Dark lightning Emperor. "Ang junior na iyan ay ang inheritor ng legacy ng magnanakaw na iyon, at sabi sa batas ng Ten Thousand Lightning Sect, papatayin namin ang lahat ng taga-labas na nag-cu-cultivate ng mga techniques namin!"

Pumatay! Nagsimulang mag-usap-usap ang lahat matapos marinig ito.

"Anong gagawin niyo kung ikinalat ng isang magnanakaw ang mga techniques niyo?" tanong ng Dark Lightning Emperor.

"Papatayin namin sila o sisirain ang cultivation nila at tanggalin ang kanilang alaala," sabi ng ibang Divine Senses.

Sa totoo lamang ay ginagawa ito ng maraming mga pwersa para mapanatiling sikreto ang kanilang mga techniques. Iilan lamang ang may lakas ng loob para ikalat ang core skills ng pwersa nila. Miski ang Mystic True Sacred Clan ay mayroong mga nakahandang parusa kung may gumawa nito.

"Totoo ba ang lahat ng ito?" laking gulat ni Zhao Feng.

Nagbago nang kaunti ang ekspresyon ni Duanmu Qing pero hindi siya hindi sumang-ayon.

"Totoo ngang magnanakaw ang Wind Lightning Emperor na siya ring gumawa ng maraming kamalian…." Pag-aalala ng Purple Saint Partial Spirit.

Nanginig ang dibdib ni Zhao Feng. Totoo nga itong lahat. Kaya base sa batas ng sect nila, may karapatang silang kuhanin muliang bagay na talagang kanila.

Chương tiếp theo