"Void Sky Darkness!"
Balot ng kadiliman si Zhao Feng at hindi niya na nasundan si Ye Moyu.
Maraming nanonood ang pamilyar sa Night Shadow Booodline ni Ye Moyu. Ang bloodline na ito ay nagbibigay nang kakayahan kay Ye Moyu na sumanib sa kadiliman at lumitaw sa kung saan.
"Ang aking pandama ay hindi gumagana sa kadiliman, hindi lamang ang bilis ni Ye Moyu ang umabot sa rurok, maging ang kanyang katawan ay tila sinag ng buwan, ang lahat ng pinsala ay bababa sa kalahati."
Hindi padalus-dalos na kumilos si Zhao Feng. Ang pananatili ang pinaka magandang solusyon kapag nasa dilim ang kalaban. Kapag si Zhao Feng ay naatake, isang tsansa iyon para magwagi si Ye Moyu.
"Traceless Dark Night!"
Isang misteryosong aura ang nakita sa dilim.
Whoosh!
Mga invisible na malamig na hangin ang nararamdaman ni Zhao Feng sa kanyang balat.
"Sobrang bilis!"
Hỗ trợ các tác giả và dịch giả yêu thích của bạn trong webnovel.com