webnovel

Supresyon (2)

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Dose-dosena na ang natalo ni Zhao Feng sa loob lamang ng maliit na oras, at lahat sa kanila ay ginamitan lamang ng isang atake.

Hindi makapaniwala ang mga manonood sa kontinente.

Hindi pa nga ito patas na labanan, para kay Zhao Feng, isa itong tagibang pagsawata.

Taimtim na nakatayo lamang sa wasak na kapatagan si Zhao Feng nang walang emosyon.

Tahimik lamang ang Tea Party sa oras na ito. Wala nang humamon pa kay Zhao Feng.

"Mas malakas pa sa normal na Napakahusay na Prodigies si Zhao Feng, at hindi pa siya gumagamit ng eye-bloodline sa lagay na 'yan."

Hindi makapagsalita ang mga henyong True Dragon.

Nagsitinginan ang lahat kay Zhao Feng. Hindi na lamang respeto at paghanga ang mga nasa mata nila. Para bang hindi na nila maabot ang lebel niya. Samantalang si Goddess Bing Wei naman ay sobrang taimtim na ng ekspresyon.

Mula sa simula, isang atake lamang ang ginagamit ni Zhao Feng sa lahat ng laban niya. Wala pang pumupwersa sa kaniyang gumamit ng eye-bloodline.

Walang pag-asang manalo si Goddess Bing Wei o si Shi Chengtian sa ipinakitang gilas ni Zhao Feng.

Wala nang humamon kay Zhao Feng. Kahit pa sina Shi Chengtian, Cang Yuyue, o si Tantai Lanyue ay wala ring sensyales para gawin ito. Dahil doon ay nagsimulang matakot si Goddess Bing Wei.

Ayos na sanang hindi siya hinamon nila Shi Chengtian at Tantai Lanyue dahil natalo na sila ni Zhao Feng sa Sacred True Gathering dati.

Kaya lamang, dahil walang Napakahusay na Prodigy ang humamon sa kaniya, mahirap na malaman ang tunay na lakas ni Zhao Feng.

"Hehe, kung wala nang hahamon sa akin…"

Ngiti ni Zhao Feng.

Tahimik ang lahat.

"Kung ganoon…"

Lumipat ang tingin niya sa Three Eyed Saint na siyang nakaupo sa tuktok ng arena.

Dahil wala si Yu Tianhao doon, si Zhao Feng na lamang ang pupuntiryahin ng Three Eyed Saint.

Nakuha agad ng aksyon ni Zhao Feng ang atensyon ng mga naroroon.

Hahamunin na niya sana ang Three Eyed Saint, nang biglang sumingit si Goddess Bing Wei, "Zhao Feng, magbigay ka naman ng tsansang makipaglaban ang iba. Ang dami mo nang nalabanan."

Huminto si Zhao Feng. Maagap ang pagtingin niya kay Goddess Bing Wei, bago siya tumango at lumakad paalis.

Sa kabila ng lahat, isa si Goddess Bing Wei sa mga namumuno ng pagtitipon, at hindi siya maaaring salungatin ni Zhao Feng.

Nagbuntong hininga ang ilang mga henyo sa pag-alis ni Zhao Feng, at nawala ang bigat sa kanilang mga dibdib.

Walang pag-asa ang iba kapag si Zhao Feng ang naroroon.

Kung hindi siya tinigilan ni Goddess Bing Wei, baka matalo niya ang lahat ng nandoon, at dahil dito, ay mawawala ang kahulugan ng Tea Party.

Makalipas ang ilang sandali, wala sa mga henyong True Dragon ang umaakyat sa entablado upang magpamalas ng galing nila. Dahil dito ay nagsimulang magpalakpakan ang mga tao.

Kahit pa sobrang lakas ni Zhao Feng at napahanga ang lahat, lahat ng laban niya ay natapos lang ng isang atake.

Sunod nito, pumunta ang isa sa mga tagapagmana ng eye-bloodline sa gitna — si Tuoba Qi.

"Tuoba Qi."

Naipit na naman ang dibdib ng mga henyo.

Ang mga tagapagmana ng three eye-bloodline families ay naroroon sa Tea Party.

Ang Three Eyed Saint, si Tuoba Qi, at ang ghost-eyed man ay kumakatawan sa tatlong pinakamalalakas na eye-bloodlines.

Heavenly Piercing Eye!

Umilaw ng malamig na liwanag ang mga mata ni Tuoba Qi.

Shua!

Lumitaw ang guhit ng dugo sa mukha ng kaniyang kalaban na umabot mula sa mukha nito hanggang sa baba. Kaunting lalim na lamang ay baka umabot na ito sa kaniyang leeg.

Sumamyo ang mga henyong True Dragon dahil sa hindi nila nakita ang atake ni Tuoba Qi.

Ang Three Eyed Saint, si Zhao Feng, at ang ghost-eyed man lamang ang nakakita ng atake ni Tuoba Qi gamit ang kanilang mga eye-bloodline.

Kahit ang isang Napakahusay na Prodigy ay maaaring matalo sa pagtambang ni Tuoba Qi.

"Sobrang delikado para kay Tuoba Qi ang harap-harapang labanan. Kaya pang maghanda ng mga Napakahusay na Prodigies bago pa makaatake si Tuoba Qi.

Sabi ni Zhao Feng.

Kaya lamang, kahit pa sa ganoon, para bang walang kapantay si Tuoba Qi kung hindi siya kakalaban ng isang Napakahusay na Prodigy.

Base sa inaasahan, tuloy-tuloy na tumalo si Tuoba Qi ng apat o lima pang henyong True Dragon, at kahit ang dalawa pang first-tier na henyo ay natalo sa kaniya.

"Zhao Feng."

Isang matulis na liwanag ang umilaw sa mga mata ni Tuoba Qi nang tumingin siya kay Zhao Feng nang may layuning makipaglaban.

Si Zhao Feng naman ang pupuntiryahin niya. Maraming henyo ang naghintay para dito.

Sa kabila ng lahat, parehas sina Zhao Feng at Tuoba Qi na sumikat dahil sa kanilang eye-bloodlines.

"Sige. Natalo ko na dati ang ghost-eyed man. Ngayon naman, lalabanan ko na ang dalawang eye-bloodlines."

Tumango si Zhao Feng.

Umilaw ang mga mat ani Goddess Bing Wei.

_Dapat maipapakita ng laban na ito ang tunay na lakas ni Zhao Feng, hindi ba?_

Sa kapatagan, nagtitigan sina Zhao Feng at Tuoba Qi sa isa't isa mula sa daang yarda.

"Sugod."

Nakatayo lamang si Zhao Feng at hindi pinaikot ang kaniyang Qi of True Spirit.

May isang kakaibang liwanag ang umilaw sa mata ni Tuoba Qi. Sobrang bilis ng kaniyang Heavenly Piercing Eye, at kung hindi handa ang kalaban, baka mapatay nito ang isang True Lord Rank.

Hindi rin naman dahil hindi pa nakatambang at nakapatay ng True Lord Rank si Tuoba Qi dati.

Kahit ang mga Napakahusay na Prodigies ay kailangang maghanda laban kay Tuoba Qi.

Kaya lamang ay walang ginawa si Zhao Feng.

Sa puntong iyon ay humanga pa rin si Tuoba Qi, pero todo-todong atake pa rin ang gagawin niya kay Zhao Feng. Ang kalaban niya ay nakatayo sa tuktok ng Sacred True Dragon Gathering, at natalo ang dose-dosenang henerasyon ng mga manlalaban.

Heavenly Piercing Eye!

Umilaw muli ang kaniyang mga mata.

Shuu!

Muntik nang matamaan agad-agad ng isang 'di-makitang talim si Zhao Feng.

Mabilis. Ang Heavenly Piercing Eye ay sobrang bilis at hindi makita.

Nanlamig si Zhao Feng ng ginamit ang Heavenly Piercing Eye.

Ding!

May isang arko ng kidlat ang lumabas sa hintuturo ni Zhao Feng na para bang tumama sa patalim.

Bam!

Nalukot bigla ang 'di-makitang patalim at sumabog bilang pilak na ilaw.

"Ginamit niya ang kamay niya para maharangan ang aking Heavenly Piercing Eye… paano niya ito nagawa?"

Laki na lamang ang gulat ni Tuoba Qi. Ngayon niya lang nakita na may henyong nakapagpahinto sa kaniyang Heavenly Piercing Eye gamit lang ang isang kamay.

Alam na alam niya kung gaano kabilis ang Heavy Piercing Eye.

Hindi kayang iwasan ng isang True Lord Rank ang kaniyang atake kung hindi sila naghanda. Kakailanganin lamang nilang gumamit ng Qi of True Spirit para gumawa ng panangga.

Para gumamit ng kamay para harangan ang kaniyang atake ay para na rin bang pag-iwas.

"Heavenly Piercing Eye — Heavenly Cloud Pierce!"

Huminga ng malalim si Tuoba Qi, at may maliit na liwanag ang umilaw sa kaniyangmata.

Shuuuu!

Isang maliit na pilak na linya ang humiwa sa hangin, patungo sa anyo ni Zhao Feng.

Dalawang beses ang ibinilis ng atake niya ngayon, at dalawang beses rin ang itinalim.

"Ginamit niya ang kaniyang eye-bloodline para gumawa ng guhit habang dinadagdag ang elemento ng metal dito. Kahit ang isang True Lord Rank ay mahihirapang depensahan ang atakeng ito. Dagdag pa dito ang kakulangan ni Zhao Feng sa paghanda para dito."

Nagbago ang itsura ng Three Eyed Saint.

"Ang Heavenly Piercing Eye — Heavenly Cloud Pierce ay sapat na para tumagos sa mga depensa ng isang normal na True Lord Rank."

Nagulat rin ang ghost-eyed man. Hindi niya inakalang umabot na ng bagong lebel ang eye-bloodline ni Tuoba Qi.

Whoosh!

Mukhang tumagos ang atake ni Tuoba Qi sa anyo ni Zhao Feng, at napangiti siya dahil dito. Kaya lamang ay bigla siyang napahinto.

Sa kumot ng hangin at kidlat ay biglang nawala ang anyo ni Zhao Feng.

"Gamit ang kaniyang bilis para maiwasan ang aking eye-bloodline… kahit pa ang impormasyon ay hindi kayang humabol dito, paanong kaya ng katawan niya?"

Nanlaki ang mata ni Tuoba Qi, at siya'y napahinto.

_Imposible! Imposible!_Iling nang iling si Tuoba Qi.

Kung sa bilis lang ay hindi pa rin dapat naiwasan ng kalaban niya ang Heavenly Piercing Eye kung nasa loob sila ng Origin Core Realm.

Kahit pa kaya ng isang tao ang tumauli dito, ay hindi pa rin nila magagalaw ang katawan nila para maiwasan ito. Kaya lamang nilang paikutin ang Qi of True Spirit nila.

"Paano niya nagawa iyon?"

Napatigil din ang Three Eyed Saint. Miski siya ay hindi nagtitiwala sa sariling kakayahan niyang iwasan ang Heavenly Piercing Eye, at gagamitin niya lamang ang eye-bloodline niya o ang Qi of True Spirit niya para dumepensa.

"Sumusuko na ako. Paano mo nagawa iyon?"

Huminga nang malalim si Tuoba Qi at itinaas ang kaniyang mga kamay. Hindi niya maintindihan ang lahat ng nangyari.

Matatanggap niya sana kung Sovereign si Zhao Feng, pero wala pang nagiging Sovereign na mas bata pa sa 30-taon. Hindi ito karaniwan kahit pa sa panlabas na mundo.

"Hehe, simple lang… hula."

Lumabas ulit ang anyo ni Zhao Feng sa harap ni Tuoba Qi sa ulap ng hangin at kidlat.

_Hula?_

Inis na pagkakaintindi ni Tuoba Qi, "Kaya pala."

Mahirap din para kay Zhao Feng na iwasan ang Heavenly Piercing Eye kahit pa naunawaan niya na ang Wind Lightning Stone Tablet.

Mahirap lamang iwasan ang atake ni Tuoba Qi kung hindi niya pa ito nagagamit. Ang tanging solusyon lamang ay kumilos na bago pa siya umatake.

Ang pag-iwas nang maaga o nang masyadong huli na ay magreresulta sa pagkatalo.

Kung masyado siyang maaga, aatakihin lamang ulit siya ni Tuoba Qi, at kung nahuli naman siya ay matatamaan siya agad ng atake.

"Paano niya nagawang hulaan ang atake ng isang eye-bloodline?"

Nagulat rin ang Three Eyed Saint.

Matapos ang lahat, isa sa mga pinakaprominenteng eye-families ang eye-bloodline ni Tuoba Qi, at base sa kasayaayan, hindi ito ganoon kahina kumpara sa Golden Sun Family.Sobrang lalim ng Heavenly Piercing Eye, at nagagawa nito agad ang lahat nang sobrang bilis.

Magiging posible lamang ito kung nakikita ang pagbabago sa eye-bloodline ni Tuoba Qi.

Kaya lamang ay posible nga ba talaga ito?

Taimtim ang itsura ng Three Eyed Saint.

Meron bang maalamat na "prediction" ability ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng?

Base sa pagkakaalam ng Three Eyed Saint, ang walong Great God Eyes ay mayroong kaniya-kaniyang branches, at isa sa kanila ay may kayang hulaan ang sunod na mangyayari sa susunod na ilang segundo o mas mahaba pa.

Kaya lamang ay mahirap pa rin ito para sa mga nasa Void God Realm dahil naka-patungkol ito sa space and time.

Pero baka masyado lang naluluklok sa pag-iisip ang Three Eyed Saint.

Nakabase sa katumpakan at kontrol ang paghuhula ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng.

Kaya niyang makita ang sunod na pagbabago sa eye-bloodline ni Tuboa Qi, pati na rin sa Qi of True Spirit niya at sa kaniyang bloodline aura.

Dahil doon ay kaya ni Zhao Feng na "manghula" kung ano ang magiging sunod na kilos ni Tuoba Qi.

Chương tiếp theo