Sa bandang hilaga ng Middle continent, sa himpapawid, sa ibabaw ng isang batis; nakaupo sa lumilipad nilang mga kabayo ang mga Canopy Great Country habang papunta sa kanilang destinasyon.
Sa haba ng oras na iyon, nag-cucultivate lamang si Zhao Feng. Iniintindi lamang niya ang inheritance ng Lightning Stone Tablet at ng Ice Imperial Spear simula nang pagbalik niya sa Purple Saint Ruins.
Ang nauna ay ang kaniyang cultivation technique, at ang nahuli naman ay tutulong sa kaniyang bloodline power.
Tanging sa Wind Lightning Stone Tablet lamang nakapokus si Zhao Feng dahil mas buo ito.
Hindi ganoon karaming inheritance ang maikukumpara sa bilis ng Wind Lightning Emperor.
Malabo at hindi kumpleto ang impormasyong mahahanap sa Ice Imperial Spear, kung kaya sa Earth-Grade Weapon na lamang siya nagtuon ng pansin at kung paano ito gamitin.
Hỗ trợ các tác giả và dịch giả yêu thích của bạn trong webnovel.com