Ang mga henyo mula sa tatlong Sects na nagbigay ng atensiyon sa mga aksiyon ni kay Zhao Feng ay natunganga.
Ang palaso ni Zhao Feng ay maaari nang matawag na maalamat. Para itong isda na umiiwas sa mga sanga ng Towering Tree Yao at naghahanap ng landas ng buhay tuwing ito'y naiipit.
Kahit anong atake ng Towering Tree Yao ay maaaring makawasak ng mga nasa True Spirit Realm at sa ganitong sitwasiyon, ang palaso ni Zhao Feng ay tumama na sa target nito.
Ang ganitong klaseng archery skills ay maaaring makapagpahanga ng mga normal na archers.
"Ang tamaan ang target ay hindi ganoon kahirap dahil sa aking God's Spiritual Eye, ngunit ang mas mahirap ay hindi mapinsala ang prutas."
Isang butil ng malamig na pawis ang lumabas sa noo ni Zhao Feng dahil sa pagod.
Kung napinsala ang Tree Yao Essence Fruit, magiging walang kuwenta ang palaso ni Zhao Feng kahit na gaano pa ito kahusay.
Hỗ trợ các tác giả và dịch giả yêu thích của bạn trong webnovel.com