webnovel

Walang mga Patakaran

Biên tập viên: LiberReverieGroup

"Nawalan na tayo ng kontrol sa Sacred True Dragon Gathering…."

Ang nakakagulat na balitang ito ay nagdulot upang magbago ang mga ekspresyon ng siyam na Sovereigns at nagkagulo dahil dito ang Sacred Alliance.

Ang unang yugto na 'labanan ng limang zones' ay tiyak na nasa ilalim ng kontrol ng Sacred Alliance subalit ang sinaunang arena ay gumawa ng ikalawang entablado mismo at bumuo ito ng isang panibagong lugar na paglalabanan.

Ang mga bundok, mga ilog, at ang mga gubat sa loob ng transparent na liwanag ay isang panibagong kalupaan.

Kabuuan ng limangdaang mga henyo ang nagkalat sa dimensyon at hindi nila alam kung ano kanilang gagawin.

"Ang sinaunang arena na ito ay matanda na at mas misteryoso ito kaysa sa Sacred Illiance at Ten Great Clans. Naglalaman ito ng isang kapangyarihang abot mismo sa kalangitan."

Tumingin ang Deputy Palace Lord sa mga nakapaligid na estatwa ng mayroong paggalang.

"Subalit dahil nawala na sa kontrol ang Sacred True Dragon Gathering, hindi ba't madaling hulaan ang magiging kalalabasan?"

"Ang mga henyong ito ay ang kinabukasan ng ating kontinente sa nagniningning na era na ito."

Nag-alala ang mga Sovereigns.

Nagsalita ang bronze skinned giant sa mababang boses: "Ang pinakamahalagang misyon ngayon ay hanapin kung ano ang mga patakaran ng ikalawang round."

Tumingin ang mga Sovereigns patungo sa nag-uulat na Sovereign na mayroong puting balbas.

"Patakaran? Ikinalulungkot kong walang mga patakaran dito."

Mapait na ngumiti ang Sovereign na mayroong puting balbas.

Walang patakaran.

Hindi na kumalma ang mga Sovereigns.

Sa ikalawang round inilagay ng sinaunang arena ang lahat ng natitirang henyo sa isang hiwalay na dimensyon at walang magawa ang Sacred Alliance.

Para naman sa mga patakaran, walang nagbanggit tungkol dito.

"Ibig sabihin ba nito na kayang gawin ng mga henyong ito ang lahat ng gusto nila? Pumatay ng mga tao, magsindi ng apoy, bugbugin ang isa't-isa, manira… kahit ano?"

Ang Mystic Sword Sovereign ay napahinga ng malalim.

"Ganoon na nga. Matapos pag-aralan ang spatial array kaya nang makita ng mga nasa labas ang loob, subalit ang mga nasa loob ay hindi nakikita ang nasa labas, ibig sabihin na hindi tayo maaaring mangialam o gumawa ng kahit anong mungkahi."

Umiling ang Sovereign na mayrong puting balbas.

Ang Sovereigns ng Sacred Alliance ay namuhay na sa loob ng ilang daang taon at nakasaksi na sila ng maraming Sacred True Dragon Gathering.

Subalit ang Sacred True Dragon Gathering ng ngayong henerasyon ay kontrolado ng sinaunang arena. Ito ang unang beses na may nangyaring ganito.

"Kung ganoon tingnan natin kung ano ang mangyayari."

Walang emosyon ang boses ng Deputy Palace Lord.

Sa loob ng kalupaan sa transparent na liwanag.

Ang limangdaang mga henyo ay nagkalat sa lugar at sila ay parang mga langaw na walang ulo.

Sila ay nasa loob ng dimensyong ito subalit hindi nila makita kung ano ang nasa labas, subalit nakikita ng mga manonood ang bawat detalye.

"Hindi makakonekta sa panlabas na mundo? Anong nangyari sa Sacred True Dragon Gathering?"

Kumunot ang mga kilay ni Zhao Feng nang siya ay tumayo sa patag.

Iba siya mula sa ibang mga tao at siya ay nanatiling kalmado.

Shua!

Binuksan ni Zhao Feng ang kaniyang God's Spiritual Eye at nakita niya ang estante ng mga manonood kasama na ang mga nasa ere.

Kasabay nito.

Ang mga tagapagmana ng tatlong malalaking eye families ay lahat nagpadaloy ng kapangyarihan at sinubukang tingnan kung ano ang mayroon sa labas ng transparent na liwanag.

Ang kinalabasan ay.

Pumalpak ang ghost eyed man. Hindi forte ng kaniyang eye bloodline ang tumatagos na tingin.

Pumapak ang tagapagmana ng pamilya ng Tuoba matapos ang ilang pagsubok dito.

Ang God's Spiritual Eye lamang ni Zhao Feng ang nakakakita sa sitwasyon sa labas sa pamamagitan ng kaniyang God's Spiritual Eye.

Siyempre, hindi ibig sabihin nito na ang eye bloodline ni Zhao Feng ay mas magaling kaysa sa tatlong malalaking eye families. Ang forte ng kaniyang God's Spiritual Eye ay ang malayuang tingin nito at ang pagsusuri. Ito ang basehan upang magkaroon ng abilidad na mangopya.

"Eh? Mukhang kaya tayong makita ng batang ito."

Sinuri ni Sovereign Yu Xingchen si Zhao Feng ng may paghihinala subalit sa oras na ito mismo ibinalik ni Zhao Feng ang kaniyang pagtingin, na para bang ito ay nagkataon lamang.

Ilang sandali ang nakalipas natagpuan ni Zhao Feng ang pinakamataas na bundok at sinuri ang kalupaan sa baba sa loob ng transparent light dimension.

Shua!

Sa pagsuri ng God's Spiritual Eye isang 'tunay na mapa' ang nakopya sa isipan ni Zhao Feng.

Una ay kinontrol muna ni Zhao Feng ang 'kalupaan' at naalala niya ang mapa.

Matapos ang hakbang na ito hindi na gumawa ng pabasta-bastang galaw si Zhao Feng at sa halip ay sinuri kung ano ang nangyayari sa loob ng dimensyon.

Mabilis niyang nakita ang mga eksena ng labanan malapit sa isang lawa.

Gumawa ng kilos si Taiyun Shuangzi sa isang peak True Human Rank na henyo.

Sa lakas ng isang Napakahusay na Prodigy, binugbog niya ang henyo hanggang sa sumuka ito ng dugo sa loob lamang ng isa o dalawang paggalaw.

Crack!

Pinutol ni elder Taiyun Shuangzi ang isang braso ng henyong iyon.

"Arghhh!"

Umungol sa sakit ang henyong iyon at lumuhod siya upang magmakaawa: "Tinatanggap ko na ang aking pagkatalo. Pakiusap tumigil ka na!!"

Subalit, ang kakaibang bagay ay kahit na tinanggap niya ang kaniyang pagkatalo, hindi nagbago ang kaniyang dragon blessing.

Walang kahit anong namamahala ngayong pagkakataon.

"Anong nangyayari? Bakit hindi natin makuha ang dragon blessing mula sa mga natalo natin?"

"P*nyetang Sacred True Dragon Gathering 'to, t*ngina anong mali?"

Pinakawalan ni Taiyun Shuangzi ang kaniyang pagkainis sa henyong ito at halos mamatay na ito.

"Patawarin mo ako…. Hayaan mo akong mabuhay ibibigay ko ang aking True Dragon Token sa'yo.:"

Iniabot ng henyong iyon ang kaniyang True Draong Token nang lumuluha.

Weng~

Sa oras na natanggap ang True Dragon Token, ang gintong ilaw ng True Dragon Token ni Taiyun Shuanzi ay lumawak ng isang yarda.

Crack!

Naglaho at nabasag ang True Dragon Token ng henyong iyon.

"Hahahaha ang sarap sa pakiramdam nito! Basta't makukuha ko ang kanilang True Dragon Token, kaya kong nakawin ang lahat ng kanilang dragon blessing!"

Nakahigop ng malaking bilang ng dragon blessing si Taiyun Shuangzi at siya ay umalulong sa alapaap.

Labis na nakakapagod ang unang round ng Sacred True Dragon Gathering. Kaya niya lamang makahigop ng isa sa limang dragon blessing ng kalaban subalit ngayon ay kaya niya nang kuhanin lahat ito.

Ang eksenang ito ay halatang nakaakit sa mga mata ng manonood.

"Naiintindihan ko na, ang round na ito ay tungkol lamang sa pagsamsam at walang kahit anong mga regulasyon o patakaran. Sa ganitong paraan lamang maipapakita ng isang tao ang kanilang tunay na lakas."

Nagliwanag ang mga mata ni Sovereign Yu Xingchen.

"Tama 'yan, masiyadong maraming mga dahilan na nakakaapetko sa lakas ng isang tao kabilang na ang skill, estado ng isipan, potensyal at iba pa. Dahil sa mga ganitong bagay ang lahat ng tao ay napipigilan na mapakawalan ang lahat ng kanilang lakas."

"Maganda 'yon subalit hindi ba't masiyado itong nagmamalabis? Silang lahat ay mga elites ng kontinenteng ito."

Nagkaiba-iba ang mga opinyon ng mga Sovereigns.

Kasabaty nito nakita rin ito ni Zhao Feng at hindi niya mapigilang hindi mapaisip.

"Mukhang walang kahit anong limitasyon ang round na ito. Ang kahit anong paraan ay maaaring gamitin upang makakuha ng True Dragon Token."

Puno ng pananabik at kagalakan si Zhao Feng matapos siyang magkaroon ng kongklusyon.

Mas gusto niya ito, at perpekto para sa kaniya ang lupaing ito.

Nagpatuloy pa rin ng pagtuon ng atensyon ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng kay Taiyun Shuangzi.

Ang napinsalang henyo ay hindi napalabas matapos matalo ang kaniyang True Dragon Token.

Ano ang ibig sabihin nito?

"Hindi pa ako tanggal? Kahit na nakuha ni Taiyun Shuangzi ang aking True Dragon Token, subalit kaya ko ring nakawain ang nasa ibang mga tao….Mayroon pa akong pagkakataon!"

Kumislap ang mga mata ng peak True Human Rank na henyo habang nagkaroon ng pag-asa sa kaniyang puso.

Matapo nito ay kaya niyang gamitin lahat ng skills niya upang nakawin mismo ang True Dragon Token, kailangan niyang gamitin ang lahat ng kaniyang skills upang nakawin ang True Dragon Token ng iba.

Sa pag-isip nito kumislap ang kaniyang mga mata at tumakas siya mula kay Taiyun Shuangzi.

"Hmph, hahayaan kita dahil alam mo kung ano ang dapat gawin."

"Ngayon ang oras upang paslangin natin ang mga hindi mag-aabot ng kanilang nga True Dragon Token…."

Sumunggab si Taiyun Shuangzi patungso sa pinakamalapit na lugar at maraming mga taong naroroon at mukhang naghahanap ng panibagong pakay.

Sa kalahating oras na kinailangan upang makagawa ng tsaa ang tunog ng labanan ay maririnig na naman.

"Ahhh!"

Isang sigaw ang nagmulsa bundok at ang henyo na hindi nag-abot ng kaniyang True Dragon Token ay pinatay ni Taiyun Shuangzi.

Hua!

Nagkagulo ang mga eksperto sa estante ng mga manonood at ang mga elders ng napatay na henyo ay hiniling upang patalsikin si Taiyun Shuangzi sa Sacred True Dragon Gathering."

"Pasensya na kayong lahat. Ang Sacred True Dragon Gathering ay nakapasok sa isang panibagong ere at ang sinaunang arena ay gumawa ng sarili nitong mga patakaran. Ang patakaran ay: walang mga patakaran dito."

Maririnig ang boses ng bronze skinned Deputy Palace Lord sa buong estante ng mga manonood.

Ang patakaran ay walang kahit anong patakaran dito.

Nagkagulo ang mga manonood.

"Mga bisita mula sa buong kontrinente. Ang Sacred Alliance ay nawalan na ng kontrol sa Sacred True Dragon Gathering, ito ay isang bagay na hindi namin nais matunghayan."

Sambit ng Sovereign na mayroong puting balbas at may namumulang mukha at nanlamig ang paghinga ng lahat ng elders sa bawat puwersa.

Ito ang katotohanan. Ang Sacred True Dragon Gathering ay nawalan ng kontrol at walang magawa ang Sacred Alliance.

Pasimpleng atake, kampihan, pagsindi ng apoy… kahit anong mga paraan ay maaaring magamit sa ikalawang round.

Ang patakaran dito ay wala dapat kahit anong patakaran.

"Hindi mo ba naisip na ang mga narefine lang sa ilalim ng metal at blood ang maaaring makakuha ng kanilang potensyal at mataas ang dragon blessing ng kontinente?"

Puno ng kalabisan, pananabik, pagasa at iba pang mga emosyon ang mga mata ng bronze skinned giant.

Walang kuwenta ang labanan sa mga Sovereigns. Para namang hindi pa nila ito nakikita noon.

Walang sumagot laban sa mungkahi ng Deputy Palace Lord.

Marami ang hindi nakakaalam sa lakas ng Deputy Palace Lord, subalit alam ng ilang mga Sovereigns na nakalaban na niya ang Scarlet Moon Demonic Religion, Sword Saint Ye Wuxie noon.

Ang mga pamilyar sa kaniya ay alam na isa siyang taong mahilig sa pakikipaslangan.

Sa loob ng transparent na liwanag ang mga tunog ng pagpatay ay mas lalong tumaas at ang mga henyo ay nagsimula nang gutay-gutayin ang isa't-isa.

Siyempre, walang masiyadong tao na kasinglupit at kasingwalanghiya ni Taiyun Shuangzi.

Ang mga normal na labanan ay kadalasan natatapos sa tuwing ia-abot ng isang panig ang kanilang True Dragon Token.

Kung tutuusin, ang lahat ay nagmula sa iisang kontinente at ang pagpatay sa isang tao ay maaaring makapinsala sa isa pang puwersa o kahit sa isang Sovereign.

Ang mga kayang umabot sa hakbang na ito ay mayroong makakapangyarihang pinanggalingan na kahit papaano ay nasa True Lord Rank.

Ang ilang mga henyo pa nga rito ay mga tagapagmana o mga nagmula sa Sovereigns.

"Tara."

Kumislap ang anyo ni Zhao Feng at lumutang ito pababa sa bundok nang may makitang direksyon ang kaniyang God's Spiritual Eye.

Sa isang iglap isang ice sapphire crystal bow ang lumitaw sa kamay ni Zhao Feng at tatlong mga palaso ang nakakabit dito.

Xiu!

Isang pana ng kidlat at yelo ang tumira patungo sa gubat. Ang bilis nito ay dalawang beses na higit pa kaysa sa tunog.

"Argh!"

Isang batang nakasuot ng itim na damit ang natumba sa sahig na may kasabay na tunog na 'plop.'

Ang kaniyang balikat ay natuhog ng Luohou Arrow at ang kidlat pati na rin ang yelo ay pinaguho ang kaniyang katawan kaya't hindi na siya nakagalaw pa.

"Paano nangyari ito… bakit nakakakita ka tagos sa aking Dark Secret Hiding Technique?"

Natulala ang batang nakasuot ng itim na damit.

Miao miao!

Isang kulay pilak at abong pusa ang lumitaw kung saan at sa tunog ng 'Shua', ninakaw nito ang kaniyang True Dragon Token.

Chương tiếp theo