webnovel

Tama iyon, isa akong Beast Tamer

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Humingi si Grey Cat Eagle ng tulong upang samahan siya ng dalawang taong nasa 7th Sky at maitutulad ito kahit papaano sa tier ni Xu Zixuan o Ao Yuetian.

Tila mag-isa lamang si Qi Jiu habang nakatayo ito sa isang gilid at malamig na nakangiti.

Mayroon ding iilang taong nakatayo sa gilid na kumikislap ang mga mata.

Sa oras na ito, ang kapaligiran ay nabalot ng matinding tensyon.

Ang kaganapang ito ay dahil sa isang batang may kulay asul na buhok at nanggaling sa labas ng Canopy Great Country.

Ang kawawang probinsyanong batang ito ay mayroong mamahaling flying beast at isang matalinong alagang pusa na naging dahilan upang pagtangkaan itong kunin ng ibang tao.

Lahat sila ay inakalang walang background ang taong ito at may mababang low cultivation, kaya naman ay naging magandang target ito sa kanilang mga mata.

Hindi nagsalita si Zhao Feng at ngumiti na lang ito patungo kay Uncle Liu.

Ayon sa kanilang kasunduan, kinakailangan ng tatlong nanggaling sa Liu family na siguraduhin ang kanyang kaligtasan.

Gustong gumamit ni Uncle Liu ng mahinahong pamamaraan upang tulungan si Liu Tingyu na makuha ang munting pusang magnanakaw at isa itong magandang pagkakataon upang magkaroon ng utang na loob sa kanya si Zhao Feng.

"Makinig kayong lahat, ang kaibigan kong ito ay isang bisita ng ating Overlooking Mist Liu family. Sana ay pakitunguhan natin siya nang maganda.

Tinignan ni Uncle Liu ang mga tao at naglabas ng aura ng half-step True Spirit Realm. Siya ay mukhang hindi mapapantayang bundok.

Sa Canopy Great Country, mayroong isang technique na kayang maconvert ang True Force patungo sa Qi ng half-step True Spirit at maging isang parang Qi ng True Spirit.

Mas mataas na porsyento ng Qi ng half-step True spirit na naconvert, ito ay magiging mas malakas.

Ayon sa kaalaman ni Zhao Feng, ang mga eksperto sa half-step True Spirit Realm sa Thirteen Countries ay kaya lamang makaconvert mula 1/20 hanggang 1/10.

Gayunman, sa Canopy Great Country, ang mga normal na eksperto sa half-step True Spirit Realm ay kayang makaconvert mula 20 hanggang 30 porsyento, ibig nito ay dalawang beses silang mas malakas kumpara sa mga nasa Thirteen Countries.

Ang conversion ay mabagal, ngunit mas maraming naconvert, mas mataas na tyansang makarating sa True Spirit Realm.

Kung ang isang tao ay nakaconvert ng 90%, kahit papaano ay mayroon silang 50% na tyansang makarating ng True Spirit Realm.

Sa oras na ito.

Nang pinaramdam ni Uncle Liu ang kanyang aura, nagbago ang mga ekspresyon nina Grey Cat Eagle at mga kasama nito.

"30% hanggang 40% ang naconvert patungko sa Qi ng half-step True Spirit."

Iilang tao na nasa paligid ang napahinga nang malamig.

Ang aura na mula sa half-step True Spirit Realm ay naging dahilan upang hindi maging komportable ang ibang tao.

Si Grey Cat Eagle at mga kamasahan nito ay nagsimulang huminga nang mabilis at puno ng pangamba at pag-iingat.

Kung poprotektahan si Zhao Feng nina ang Uncle Liu at mga kamasahan nito ay wala silang tyansang manalo.

"Ang Overlooking Mist Province Liu family ay isang maliit na Branch family. Wala itong masyadong kinalaman sa main Liu family."

Isang malamig na boses ang nanggaling sa gilid.

Si Qi Jiu ay mapagmalaking tumayo sa gilid habang hinahangin ang kanyang kulay silver na buhok. Isang layer ng hamog na nagyelo ang lumitaw at naging dahilan upang bumaba ang temperatura.

Ang lamig na ito ay naging dahilan upang magbago ang ekspresyon ni Uncle Liu.

Kumunot ang noo ni Liu Tingyu nang padaluyin niya ang kanyang True Force upang protektahan ang kanyang sarili. Si Lin Dong naman ay may kulay puting mukha nang mahirapan itong pigilan ang kanyang sarili.

"Qi Jiu, ang kailangan mo lamang gawin ay pigilan ang matandang iyan. Mula doon ay kami na ang bahala at bibigyan ka namin ng 40% sa aming makuuha."

Nagbigay ng masayang ekspresyon si Grey Cat Eagle.

Ang lakas ni Qi Jiu ay mas malakas pa sa kanilang inaakala at kaya pala nitong pigilan si Uncle Liu.

Ang akala ni Zhao Feng ay malapit lamang ang lakas ni Qi Jiu kay Cang Yuyue, pero kung titignan ngayon, tila may abilidad itong makipagsabayan kay Cang Yuyue.

"Sky Frost Dominance Fist."

Ang kamao ni Qiu Jiu ay naglabas ng isang cold blue aura at isang chilling ice blue light na pumilantik patungo kay Uncle Liu at sa dalawang kasama nito.

"Umiwas kayo!"

Sigaw ni Uncle Liu nang lumabas ang kanyang Qi ng half-step True Spirit at naging hugis palad na kulay yellow.

Peng~~

Ang palad na ito ay humampas patungo sa paparating na atake ni Qi Jiu.

Ang figure ni Qi Jiu ay bahagyang umatras nang maging isang malamig na anino ito at galit na umatake patungo kay Uncle Liu.

"Ang Qi Jiu na ito ay may pambihirang lakas, at ang kanyang offense ay malapit na kay Cang Yuyue pero ang kanyang defense ay mas malakas pa rito. Ibig sabihin nito ay mas malakas pa siya kay Cang Yuyue kung hindi nito naintindihan ang seed of sword intent.

Napabuntong-hininga si Zhao Feng.

Sa usaping edad, si Qi Jiu ay mas matanda ng apat hanggang limang taon gulang kay Zhao Feng at Cang Yuyue. Nang mapatatag ni Cang Yuyue ang kanyang seed of sword intent, ang kanyang lakas ay umangat na sa bagong lebel.

"Sugod!"

Sigaw ni Grey Cat Eagle at pinangunahan ang dalawang kasama niya na nasa 7th Sky patungo kay Zhao Feng.

Ang lakas ni Liu Tingyu ay hindi na masama at kayang labanan mag-isa ang isang taong nasa 7th Sky.

Gayunman, si Lin Dong ay bahagyang nahirapan sa pakikipaglaban sa isang nasa 7th Sky.

"Batang may asul na buhok, kung ibibigay mo sa amin ang iyong Azure Sharp Swallow at puputulin mo ang iyong mga kamay at paa, hahayaan kitang mabuhay pa."

Isang brutal na ngiti ang makikita sa mukha ni Grey Cat Eagle.

Habang kinakalaban ni Qi Jiu si Uncle Liu, ang tatlong nasa 7th Sky ay sapat na patumbahin sina Zhao Feng at mga kasama nito.

"Hehe, gano'n ba? Handa akong ibigay ang aking Azure Sharp Swallow, pero hindi ko alam kung may abilidad kang kunin ito."

Ibinuka ni Zhao Feng ang kanyang mga braso at sumipol, inuutusan nito ang Azure Sharp Swallow na bumaba.

Hmm?

Saglit na napahinto si Grey Cat Eagle.

Sa mabilis na sandali, ang Azure Sharp Swallow ay naging blur na halos hindi na makita ng mga mata at sumugod patungo kay Grey Cat Eagle.

Shewwww~~~

Isang malalim na hiwa ang makikita sa balikat ni Grey Cat Eagle. Kung hindi ito naka-iwas at naprotektahan ang sarili gamit ang True Force, marahil ay nahati na ito sa dalawa.

Ang balahibo ng Azure Sharp Swallow ay napaka nipis. At sa katotohanang napakagaan ng katawan nito, ito ay parehas na mahusay sa speed at offense.

Samakatuwid, si Grey Cat Eagle ay lubhang nasugatan dahil sa mabilis na atake na iyon.

"Bastardo!"

Si Grey Cat Eagle ay umungol at pumunta patungo sa Azure Sharp Swallow, sinusubukang paamuhin ito.

Subalit, ang Azure Sharp Swallow ay isang halimaw na nasa 7th Sky na nasa peak tier ang bilis. Gano'n ba ito kadaling matalo?

Sa ilalim ng kontrol ni Zhao Feng, ang Azure Sharp Swallow ay lumipad sa himpapawid at lumipad sa mga misteryosong ruta na naging dahilan upang umatras si Grey Cat Eagle.

Ang mga manunuod ay nagulat at nagsimulang mag-usap-usap.

"Maaari bang isang rare beast tamer itong batang ito?"

"Ang beast tamer ay isang rare at napakatanggap na trabaho sa Canopy Great Country."

Sa sandaling ito.

Si Zhao Feng ang pinakaligtas sa kanilang lahat. Ang tangi niyang gagawin ay gamitin ang kanyang mental energy upang kontrolin ang Azure Sharp Swallow.

"Ang speed at offense ng Azure Sharp Swallow ay napaka perpekto. Ang tanging kahinaan nito ay ang defense nito, pero sa ilalim ng aking kontrol…"

Isang ngiti ang makikita sa labi ni Zhao Feng.

Ang God's Spiritual Eye ay kayang makita ang kahinaan ni Grey Cat Eagle, kaya naman nagbigay ito ng advantage sa Azure Sharp Swallow.

Sa kabilang banda.

Naglaban sina Uncle Liu at Qi Jiu at tinignan ni Uncle Liu ang kasamahan nitong sina Liu Tingyu.

Sa katotohanan, pinigilan niya nang kaunti ang kanyang sarili upang bigyan ng pagkakataon sina Liu Tingyu at Lin Dong na maranasanan ang isang totong labanan.

Hind siya binigo ni Liu Tingyu, isang itong babaeng matalino na malakas sa larangan ng pakikipaglaban, madaling niyang nakuhang makipagsabayan sa isang 7th Sky at malamangan ito sa labanan.

Tungkol naman kay Lin Dong na walang magawa, nahihirapan siyang labanan ang isang nasa 7th Sky ngunit hindi na rin ito masama.

Gayunman.

Ang pinaka hindi niya inaasahan ay si Zhao Feng.

Ang batang may asul na buhok na mula sa labas ay kayang gamitin ang kanyang flying beast upang pigilan si Grey Cat Eagle.

Matapos ang lahat, bukod kay Qi Jiu, si Grey Cat Eagle ang pinakamalakas.

"Hmm? Ito ang mental energy. Gumagamit siya ng sikretong technique upang kontrolin Azure Sharp Swallow. Maaari kayang… Isa talaga siyang beast tamer?"

Kayang maramdaman ni Uncle Liu wave ng mental energy ni Zhao Feng.

Ang beast tamer ay isang rare na trabaho na kayang gawing pets ang mga mababangis na halimaw. Ang mga taong may hindi pangkaraniwang mental energy ay may malaking kalamangan sa path na ito.

At sa katotohanan.

Kayang tapusin ni Zhao Feng ang labanan sa pamamagitan ng pagkontrol sa Azure Sharp Swallow, ngunit gusto niyang makita ang lakas ng pamilya ng Liu family.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay pumunta sa kanyang balikat at iwinasiwas kanyang mga kamay upang magcheer sa kanila.

Si Zhao Feng naman ay tumango at ngumiti, at halos pumalakpak ang mga tenga nito.

Ang eksenang ito ay naging dahilan upang sumabog sa galit sina Grey Cat Eagle.

Napatulala si Uncle Liu - tila ang taong iyon at ang pusa niya ay nanunuod ng isang palabas.

"Hahaha, chinicheer ba ako ng munting pusang magnanakaw?"

Puno ng kasiyahan si Liu Tingyu at mas pinagbuti ang kanyang kalaban kaya nagawa nitong paatrasin ang kanyang kalaban.

Hindi niya nakita ang masayang ekspresyon ng munting pusang magnanakaw.

"Sumpain tong pusa at taong 'to. Pinapanuod lang nila ang mga nangyayari at walang ginagawang kahit na ano."

Nagagalit si Lin Dong ngunit wala siyang ibang magawa. Mayroon na siyang masamang impresyon kay Zhao Feng.

Nahihirapan siyang paatrasin ang isang taong nasa 7th Sky. Kung tutulungan siya ni Zhao Feng, maaaring mabago ang sitwasyon.

Ngunit ang dalawa ay hindi nagpakita ng interes na tumulong.

Ang labanan ay tumagal pa at si Lin Dong ay hindi na kayang makipaglaban.

"Panahon na."

Tumango si Uncle Liu at biglang tumaas ang Qi ng kanyang half-step True Spirit at nagsimulang magcounter-attack.

Matapos ang lahat, isa siyang Elder na 30-40% na ang True Force na naconvert na sa Qi ng half-step True Spirit. Mabilis niyang napaatras si Qi Jiu at naging yamado.

Subalit, si Qi Jiu ay mas malakas kumpara sa kanilang inaasahan at nagkaroon ng ice armor na lumitaw sa kanyang katawan.

Bukod pa rito.

Ang bloodline power ay lumabas mula kay Qi Jiu at nagyelo ang buong kapaligiran.

"P*ta, ito ang bloodline power ni Qi Jiu."

Nagulantang si Uncle Liu.

Ang sitwasyon ngayon ay hindi maganda.

Inakala niya na madali niyang makokontrol si Qi Jiu ngunit ito pala ay mahirap kalaban.

Sa oras na ito.

Tumango si Zhao Feng at nagsalita, "Hehe, munting pusang magnanakaw, panahon na para magpakitang-gilas ka."

"Miao miao!"

Ang munting pusang magnanakaw ay napa-iling.

Bago pa man ito maka-react ay itinulak ito ni Zhao Feng gamit ang kanyang tainga patungo kay Grey Cat Eagle.

T*ng I*a?

Si Grey Cat Eagle ay nakikipaglaban sa Azure Sharp Swallow at nakitang itinulak ang munting pusang magnanakaw patungo sa kanya na parang bola.

Isang malamig na kislap ang nakita sa kanyang mga mata nang sumaksak ito patungo sa munting pusang magnanakaw.

Shua!

Biglang naglaho ang munting pusang magnakakaw mula sa kanyang paningin.

Bago pa siya makareact ay isang kalmot ng pusa ang humiwa sa kanyang lalamunan.

Plop!

Ang lalamunan ni Grey Cat Eagle ay bumulwak at kumalat ang dugo sa lupa.

Miao miao!

Muli nagpakita ang munting pusang magnanakaw.

"Kaya ng pusang ito mag-invisible!"

"Ang pusang ito ay lubhang mapanlinlang. Napatay nito si Grey Cat Eagle sa isang galaw."

Ang mga ekspresyon ng mga manunuod ay nagbago.

Halatang hindi isang normal na pet ang munting pusang magnanakaw.

Matapos mamatay ni Grey Cat Eagle, biglang nagbago ang ihip ng hangin sa labanan.

Seryosong tumingin si Qi Jiu kay Zhao Feng bago ito umalis.

Napabuntong-hininga si Uncle Liu at nagpunas ng malamig na pawis. Halos mabigo siya sa pagkontrol ng sitwasyo kanina.

Ang kanyang mga mata ay nabaling kay Zhao at sinabing, "Kaibigan, maaari ko bang malaman, isa ka bang rare beast tamer?"

Beast tamer?

Naramdaman ni Zhao Feng ang ekspektasyon at respeto sa mga mata ni Uncle Liu.

"Oo… tama ka, isa akong beast tamer."

Umikot ang pag-iisip ni Zhao nang siya ay tumango.

Chương tiếp theo