webnovel

Dalawang Pagpipilian

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Isang dagdag na pabuya?

Bumilis ang paghinga ni Zhao Feng: "Maaaring ko bang tanungin Third Guard kung ano ang pabuyang ito?"

"Ang unang pagpipilian ay karagdagang isang daan na battle points, at ang ikalawa naman ay mawawalan ka ng battle points, pero makakakuha ka ng isang Holy martial art," wika ng lalaki.

100 battle points… Ano!? Holy martial art?

Ang unang pagpipilian ay magbibigay ka Zhao Feng ng napakaraming aytems sapagkat 10 battle points lamang ang kailangan para sa isang peak ranked martial art. Ngunit ang ikalawang pagpipilian ay isang holy martial art!

Hindi na nakapagtataka na ang Guanjun Palace ay isa sa mga pinakamalakas na faction, kayang kaya nitong kumuha ng Holy martial arts nang walang hirap.

"Kung ako sa'yo, pipiliin ko yung unang pabuya kasi mas marami akong makukuhang aytems doon. Para naman sa holy martial arts, sobrang hirap nila sanayin lalo na sa mga mas mababa sa ikapitong antas, kahit nga yung ibang nasa ikasiyam na, hindi pa rin kayang matutunan ito," wika ng Third Guard sa kanya.

Malalim ang iniisip ni Zhao Feng ngayon.

Ang lalaking nasa harap niya ay nasa ikatlong puwesto sa Guanjun Corpsmn, at isa rin siya sa mga kanang kamay ni Lord Guanjun, kung kaya lohikal talaga ang kanyang paghusga.

Kung pipiliin niya ang unang pabuya, makakakuha ulit si Zhao Feng ng dagdag pa na 100 battle points at pwede niya itong ipagpalit sa isang half-Holy martial art at kakaunting cultivation resources, pero sa ikalawang pabuya mawawala ang lahat ng kanyang battle points.

Kinakaharap niya sa kasalukuyan ang peligro na kapag pinili niya ang Holy martial art, maaaring masayang ito kapag hindi niya ito kayang sanayin. Kung gagamitin ang lohika, ang unang pabuya nga ang mas makabubuti, pero ang ikalawa ay isang Holy martial art! Isa itong pagkakataon para umalpas sa Martial Path at pumasok sa maalamat na mundo ng Holy Martial Path…

Hu!

Huminga nang malalim si Zhao Feng, mahirap para sa kanya ang magdesisyon.

"Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin sa'yo na isa sa mga patakaran ng Guanjun Palace ay nagsasaad na lahat ng mas mababa sa ikapitong antas ay hindi maaaring piliin ang Holy martial art. Pero mabibigyan pa naman kita ng pito pang araw para magdesisyon," sabi ng Guanjun Corpsman.

Ikapitong antas ng Martial Path?

Tumango si Zhao Feng, hayaan nating ang tadhana ang siyang gumawa ng paraan.

Noong ginawa nila ang misyon, ang kanyang cultivation ay umabot ng peak sixth rank.

Pitong araw.

Kung maaabot niya ag ikapitong antas, pipiliin ni Zhao Feng ang ikalawang pabuya. Kung hindi, pipiliin niya na lamang ang una.

Pagkatapos gawin ang desisyong ito, agad na bumalik si Zhao Feng sa silid niyang gawa sa kahoy.

Pagkatapos ng misyon, maraming kabataan ang nagtungo sa Treasury Hall upang ipagpalit ang kanilang battle points sa martial arts, resources, at mga sandata, Tanging si Zhao Feng lamang ang naiwang mag-isa sa kanyang silid.

Tanghali nang araw na iyon, bumalik si Zhao Yufei at Huang Qi na tuwang-tuwa. Nakakuha ng isang peak ranked martial art at maraming cultivation resources si Zhao Yufei.

Parehas namang ipinagpalit nina Feng Hanyue at Lei Cong ang karamihan ng kanilang battle points para sa mga cultivation resources samantalang si Lei Cong ay nagdagdag pa ng pills para sa natitira niyang battle points.

"Hahaha… Itong kakaibang thousand year fire grass at blood strength pill ay makatutulong sa akin para maabot ang ikapitong antas… Sisiguraduhin kung magtatagumpay na ako ngayon!" Magkasalubong ang paa ni Lei Cong habang nakaupo sa kanyang kahoy na silid, punong-puno ng ligalig.

Ang thousand year fire grass ay higit na natatangi kumpara sa iba pang thousand year plants sapagkat naglalaman ito ng higit na enerhiya kaysa sa iba.

Ang blood strengthening pill ay nakatutulong para tipunin at linisin ang Inner Strength, bukod pa roon, nagbibigay rin ito ng kakarampot na halaga ng tulong para sa isang tao upang makaabot ng ikapitong antas.

****************

Mula sa araw na iyon, ang mga kabataan ng Sky Guards Battalion ay nagsimula nang magcultivate.

Sa gabi pa lang na iyon, karamihan sa mga kabataan ay naabot na ang ikalima at ikaanim na antas.

Ikalawang araw, ikatlong araw.. Ang mga kabataan ay higit pang lumakas. Sa ikatlong araw, isang napakalakas na aura ang nagmula sa kwarto ni Lei Cong, at ang mga kabataan ng Sky Guards Battalion ay hindi mapigilang mapabuntong hininga.

"Diyos miyo… Hindi kaya nakaabot na ng ikapitong antas si Lei Cong?" Nag-iba ang ekspresyon ng mga kabataan.

Sa parehong pagkakataon, may mga nagaganap at kakaibang mga aura rin ang nagmumula sa iba pang mga kahoy na silid.

Ikaapat na araw, ikalimang araw… Isa tapos isa at lahat ng mga kabataan ay nagsisitaasan ang mga cultivation level.

"Labing-pitong taong gulang pa lamang si Kuya Lei pero nasa ikapitong antas na agad siya, isa nga talaga siyang tunay na henyo."

"Haha! Hindi ko na kailangang tignan pa ang mukha ni Feng Hanyue, magagawa ko na ang kahit ano mang gustuhin ko!" Naglakad si Lei Cong sa labas at naramdaman ang kaba at respeto mula sa mga mata ng mga malapit sa kanya.

Ngayon, lumapit sa kanya si Lu Xiaoyu. "Binabati kita Kuya Lei dahil nasa Martial Master rank ka na."

Nakagawa rin naman ng progreso si Lu Xiaoyu, naabot niya na ngayon ang peak sixth rank, isang yapak na lang mula sa ikapito.

Nagpalitan ng kaunting mga salita at saka hinila ni Lu Xiaoyu si Lei Cong sa isang sulok at sinabi sa mababang tono.

Oh?

Agad na tinignan ni Lei Cong ang ikasampung kahoy na silid matapos itong marinig.

Hindi lumabas si Zhao Feng sa kanyang kwarto simula nang makabalik sila mula sa misyon kung kaya walang sino man ang nakakaalam kung ano ang natanggap niya. Tanging si Zhao Yufei at Huang Qi lamang ang nakakaalam na hindi pa pumupunta si Zhao Feng sa Treasury Hall para kumuha ng kahit ano.

Ano ba ang ginagawa niya?

Kahit na magcultivate pa siya, hindi ba mas madali kung ipagpapalit niya muna ang ilan sa kanyang mga battle points para sa resources at mga pills?

Sa pagkakataong iyon, nakaupo si Zhao Feng sa sahig habang pinapadaloy ang kanyang Inner Strength sa buong katawan, Habang humihinga, ang aura na kanyang inilalabas ay lalong lumalakas rin.

Ilang araw ang nakakaraan, kinain niya na ang nag-iisa niyang one thousan year old plant at naramdaman niyang nalinis ang kanyang Inner Strength, pero hindi napagtagumpayan ni Zhao Feng ang makaabot ng ikapitong antas, sa halip kalahating yapak na lamang ang layo niya mula rito.

"Mukhang hindi ko na talaga maaabot ang ikapitong antas sa loob ng susunod na dalawang araw," bumuntong hininga si Zhao Feng.

Ang diperensya ng ikaanim at ikapitong antas ay napakalaki, maraming cultivators ang nanatili na lamang sa peak sixth rank at hindi na kailanman umabot ng ikapitong antas.

"Zhao Feng! Lumabas ka dyan at tanggapin ang hamon ko!" May sumisigaw mula sa labas ng kanyang kwarto.

Hm?

Lumabas si Zhao Feng sa kanyang kwarto at napagtantong napakaraming tao ang nagtipon. Ang hamon ay nagmula sa isang kabataan na nasa peak sixth rank.

Para makatanggap ng maayos na pagtrato mula sa Ten Sky Guards, ang isang tao ay nangangailangang maging isa sa mga ito.

Sige, sasanayin ko na lang muna ang aking mga buto at katawan.

Hinarap ni Zhao Feng ang kabataang naghamon sa kanya.

Dragon Soaring through the Sky!

Agad na gumamit ang kanyang kalaban ng isang peak ranked speed skill at isang naperpektong fist skill. Si Zhao Feng naman ay nakatayo lamang nang ang isang kamay ay nasa likod, saka itinuro ang kanyang isang daliri sa kalaban.

"Ahh!" Bulalas ng kabataan, ang Inner Strength na nilalaman ng isang daliring iyon ay hindi mapipigilan at halos mapaubo siya ng dugo. Sa loob lamang ng dalawang atake, napatumba na agad siya ni Zhao Feng.

"Napakalakas naman ng kanyang chi!"

"Mukhang hindi siya ang Zhao Feng na nasa tsismis."

Ang mga nalalapit na kabataan ay bahagyang nagulantang sa lakas ni Zhao Feng na maaaring maituring na nasa top three o kaya top five.

"Napakalakas naman!" Bahagyang tumawa si Lu Xiaoyu mula sa malayo.

Sa tabi niya, isang nakakulay pilak na damit at kalbong kabataan ang nakatayo.

Hmmm?

Gulat ang itsura ni Zhao Feng nang titigan niya si Lei Cong na nakaabot na ng ikapitong antas. Sa loob lamang ng ilang araw, isang nasa ikapitong antas na naman ang isinilang.

Habang magkatinginan, naramdaman niya ang poot at lamig sa mata nito. Noong araw na nasa bandit zone sila, nais ni Lei Cong na makihati sa mga battle points ni Zhao Feng, pero hindi siya nagtagumpay.

"Ano ang kailangan niyong dalawa?"

Hindi takot si Zhao Feng sa kanila. Dahil sa hindi niya pa naaabot ang ikapitong antas, kailangan niyang ilabas ang kanyang inis sa pamamagitan ng pakikipaglaban.

"Ang sutil na si Zhao, nangunguna ka pagdating sa battle points. Ako, si Lei Cong, ay gustong makita kung paano mo nagawa iyon." Isang liwanag ang makikita sa mga mata ni Lei Cong.

"Teka lang! Ako muna ang kakalabanin niya," hamo ni Lu Xiaoyu.

"Hindi kita kapantay," umiling si Zhao Feng.

Kahit kalahating yapak pa ang layo nila mula sa pagiging Martial Master, ang totoo niyang lakas ay hindi mapapantayan ng kahit sino man.

"Hindi lang tayo nagkita ng ilang araw at naging ganyan ka na kaarogante. Gusto ko lang namang makita kung umuunlad ka ba." Kumislot ang kilay ni Lu Xiaoyu nang gamitin niya ang kanyang pinakamalakas na skill, ang Cloud Shattering Fist.

"Break," bahagyang bulalas ni Zhao Feng habang isang berdeng guhit ang lumabas mula sa kanyang mga daliri.

"Inner Strength na lumabas mula sa kanyang katawan!" Ang mukha ng mga nalalapit na kabataan ay higit na nagbago.

Shua!

Nahati at nasira sa gitna ang Cloud Shattering Fist niya ng isang kapiranggot na berdeng ilaw at isang butas pa ang ginawa nito sa kanyang dibdib.

"Paano…? Wala ka pa naman sa ikapitong antas!" Namutla ang mukha ni Lu Xiaoyu sapagkat hindi siya makapaniwala.

Natalo ni Zhao Feng si Lu Xiaoyu sa isang atake. Sapagkat nasa peak sixth rank na si Zhao Feng at ang kanyang Star Finger ay nasa ikaapat na lebel na, ang kanyang atake ay kapantay na ng mga Martial Masters.

"Zhao Feng, ang lakas mo ay higit pa sa inaakala ko pero hindi mo pa rin ako matatalo," kampanteng sabi ni Lei Cong habang dahan-dahang naglakad papunta kay Zhao Feng.

Pagkatapos niyang maabot ang ikapitong antas, parehas na ang kantidad at kalidad ng kanyang Inner Strength ay higit na tumaas, kung kaya kahit anong kilos niya ay higit na masidhi kung titignan.

"Tumigil ka na sa mga walang kwentang sinasabi mo, kung gusto mo ng laban, bilisan mo," wika ni Zhao Feng.

"Mabuti, mabuti, mabuti!"

Tumawa na lamang si Lei Cong sa halip na magalit at isang pilak na aura ang biglang nagpakita sa kanyang katawan na siya naman bumayo patungo kay Zhao Feng.

Final Wind Palm!

Sumabog ang Inner Strength ni Lei Cong na nasa ikapitong antas at habang tumutulak palapit kay Zhao Feng ang palm attack niya, isang pilak na air wave rin ang makikita.

One Line Star Finger!

Nagbuga naman ang daliri ni Zhao Feng ng kakarampot na kulay asul na chi na siyang gumuhit sa kalangitan na para bang meteor at saka bumangga sa palm attack ni Lei Cong.

Hong~

Ang pwersa na binuo ng dalawa ay nagdulot ng napakakapal na suson ng alikabok at siyang lumamon sa dalawang anyo.

Chương tiếp theo