Sa anunsyo ng tagapaghusga, nagsimulang matulala ang mga tao. Tunay na hindi inaasahan ang resultang ito. Bilang isang itim na kabayo, patuloy na dinodomina ni Zhao Feng ang kaniyang mga kalaban at gumagawa ng milagro!
Ngayon ay tinalo niya ang ikatlong pinakamalakas na inner disciple, si Zhao Han. Tumawa si Zhao Feng nang umupo siya sa ikatlong upuan sa unang hanay.
Sa kaniyang kanan ay si Zhao Chi na nakatingin sa kaniya na para bang ito ang unang beses na nakita siya nito. Nang matapos ang paligsahan ng mga outer disciples, lumapit si Zhao Chi upang tingnan si Zhao Feng, ngunit nang oras na iyon, basura lamang si Zhao Feng kumpara sa kaniya.
Matapos talunin ni Zhao Chi si Zhao Qin, kaswal niyang sinabi na walang sinuman ang may karapatan na lumaban sa top three sa pwesto. Gayunpaman, sa ngayon, nakaupo si Zhao Feng sa tabi niya. Ang top three ngayon ay sina Zhao Linlong, Zhao Chi, at Zhao Feng.
Hỗ trợ các tác giả và dịch giả yêu thích của bạn trong webnovel.com