webnovel

Fusion

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Simple lang ang ideya ni Marvin: Ang awtoridad ng Fate Power ay mataas, at mas mataas pa ito kesa sa Divine Power.

Sa Feinan, mas mataas sa lahat nag Fate Power.

Kung mapapanatili niya ang kapangyarihan na ito habang-buhay, malaki ang maidadagdag nito sa kanyang lakas.

At kung gusto niyang panghawakan ang kapangyarihan na ito, kailangan niya ng makapangyarihang "sisidlan" na kaya itong lamanin.

Sa paggabay ni Jessica, nagkaroon siya ng magandang pang-unawa sa Fate Power.

Ang Fate Power ay nananatili sa katawan ng mga Fate Sorceress dahil ang kanilang mga katawan ay mayroong Fate Power Imprint.

Kahit na mabilis maubos ang Fate Power, kaya ring palitan agad-agad ng Fate Power ang kanyang kapangyarihan.

Pero ang bilis ng pagdadagdag ay mayroong limitasyon.

Kapag ang Fate Sorceress ay mayroong kaharap na malakas na kalaban at nasobrahan sila sa paggamit ng kanilang kapangyarihan, malamang ay maapektuhan nito ang Fate Power Imprint dahil sa labis na pagpupuno ng nawalang kapangyarihan, kaya naman may posibilidad na mawalan sila ng kapangyarihan.

At ngayon, mayroon din maliit na Fate Power Imprint sa kanyang katawan si Marvin.

Ang Fate Power Imprint ay ang susi para ma-kontrol ang Fate Power. Ang imprint na ito ay dating bahagi ng imprint ni Lorie na napasama noong nagpasa ito ng Fate Power kay Marvin.

Basta mapapanatili niya ang kanyang imprint, at magawan nang paraan na hindi ito mawala sa paglipas ng panahon, maaari rin niyang mapanatili ang kapangyarihan sa kanyang katawan.

Saglit na nag-isip si Marvin, hanggang sa napagtanto nito na mayroong nang isang bagay sa kanyang katawan na maaaring makapaglaman ng Fate Power Imprint at ang Fate Power.

At iyon ang False Divine Vessel!

Kung tutuusin, ang advance False Divine Vessel mismo ay mayroong katangian ng isang "sisidlan."

Kaya nitong maglaman ng mga Divinity at Divine Power, at mayroon din itong nilalaman na ilang bahagi ng mga Plane Law at mga Universe Law.

Halimbawa, noong in-activate ni Marvin ang kanyang mga Domain, kinailangan niyang gumamit ng Divine Power mula sa False Divine Vessel.

Pero dahil pwersahan niyang ginagamit ang kanyang mga Domain sa pamamagitan ng False Divine Vessel, nahirapan siyang makakuha ng tuloy-tuloy na daloy ng Divine Power.

Kahit na nakakakuha siya ng kaunting Divine Power araw-araw, mula sa kanyang tatlong Domain dahil sa paglunok niya sa avatar ng Wilderness God, para lang itong isang patak sa isang buong balde dahil sa laking halaga ng kapangyarihan na kailangan ng kanyang mga Domain ability. Kaya naman tinuturing ni Marvin na huling baraha niya ang kanyang False Divine Vessel.

Pero ngayon ay may pagkakataon na siyang maresolba ang pagkukulang na ito.

'Ang problema lang ay kung magkakaroon ng epekto sa pagitan ng Fate Power at Divine Power. At isa pa, unang-una, tatanggapin kaya ng False Divine Vessel ang Fate Power Imprint?'

Nag-aalala si Marvin pero gusto niya pa rin itong subukan.

Maaring ito ang unang beses na mangyayari ang ganito!

Kapag nangyari ito, parehong mapapasakanya ang kapangyarihan ng mga Fate Sorceress, na kinakatawan ang pinakamagandang regalo ng Plane, at ang kapangyarihan ang False Divine Vessel, na produkto ng kaalaman ng mga ancient powerhouse.

Mayroong kayang negatibong epekto kapag sapilitan niyang pinagsama ang dalawang ito?

Hindi alam ni Marvin.

Wala pang nakakagawa nito bago siya, at mukhang wala pang nagkakaroon ng pagkakataon na ganito. Lalo pa at kakaunti lang at magkakalayo pa ng panahon ang mga Fate Sorceress sa kasaysayan, at kakaunti lang rin ang mayroong taglay na advanced False Divine Vessel.

Kaya naman wala pang nakakaranas ng ganitong sitwasyon gaya ni Marvin.

Pero matapos pag-isipan ito nang mabuti, nagdesisyon siya na subukan ito.

Noong ibigay ng Fairy ang advanced False Divine Vessel kay Marvin, malinaw na sinabi sa kanya nito na kaya lamanin ng Divine Vessel na ito ang mga pwersang sumusunod sa Plane Law.

Ang mismong Fate Power ay ang pinakamalakas na kapangyarihan ng Plane Law kaya siguradong pasok pa rin ito.

Hindi napigilan ni Marvin ang kagustuhan niyang malaman ang resulta!

'Mas mabuting subukan ko na lang…'

'Nakakabagabag na makitang araw-araw, unti-unting nawawala ang Fate Power.'

Pilit na ngumiti si Marvin at nagdesisyon na ibuhos ang lahat.

Ang pinakamasamang maaaring mangyari at ang pagsasayang ng Fate Power Imprint, at ang mas maagang pagkawala ng Fate Power.

Tutal noon pa man ay ganito na si Marvin.

Sa mga sumunod na araw, habang sinusubukan panatilihin ni Raven ang control nito sa Ruby Stronghold at lumaban para patatagin ang kanyang pwesto bilang secondary member ng Underdark United Council, walang iistorbo kay Marvin.

Nagtago ito sa kanyang kwarto at sinubukan na ilipat ang kanyang Fate Power Imprint sa advances False Divine Vessel.

Mukha lang itong simple, pero napakahirap nito.

Magmula nang pumasok sa katawan ni Marvin ang advanced False Divine Vessel, ay nasa puso na ito ni Marvin.

Habang ang Fate Power Imprint naman ay pumasok sa kanyang utak.

Medyo magkalayo ang dalawang ito sa isa't isa.

Pero paglipas ng anim na oras, matagumpay na natanggal ni Marvin ang imprint mula sa kinalalagyan nito.

Ang ginintuang simbolo na kumakatawan sa Wisdom ay unti-unting bumaba, hanggang sa nakapatong na ito sa ibabaw ng asul na Divine Vessel.

Ang Divine Vesel, na naging hugis globo, ay mariing pinapanatili sa labas ang imprint.

Pawis na pawis si Marvin.

Matagal niyang ibinuhos ang makakaya niya bago niya napagtanto na hindi niya kayang kontrolin nang sabay ang dalawang magkaibang pwersang ito na nasa loob ng kanyang katawan!

Maging ang pagsubok niya na gisingin ang advanced False Divine Vessel man o ang pag-kontrol niya sa Fate Power, pareho nitong kailanga nang matinding konsentrasyon. 

Maraming beses niya itong sinbukan gamit ang iba't ibang paraan. Kailangan niya lang maipasok ang Imprint sa loob ng advanced False Divine Vessel, pero lagging hindi niya ito nagagawa.

Mariin siyang tinatanggihan ng advanced False Divine Vessel.

Tila ba takot ang Divine Vessel sa ibang klase ng kapangyarihan.

Dahil sa nahahadlangan siya nang hindi pagtutugma ng dalawa, walang magagawa si Marvin kundi gawin ang huling ideya niya.

'Kung ang problema ay hindi ko makontrol pareho nang sabay, kailangan kong subukan na panatihiling naka-activate ang isa sa mga ito nang mag-isa.

'Pwede kong hayaan na naka-activate ang advanced False Divine Vessel sa pamamagitan ng paggamit ko ng mga Domain ko, pero kung hindi gagana ito…. Malaki-laking Divine Power ang sasayangin ko.'

Saglit na pinag-isipan nito ni Marvin bago niya isinantabi ang mga alinlangan niya.

Laban!

Activate lahat ng Domain!

Bumuhos ang Divine Power niya kasabay ng pagbalot ng tatlo niyang makapangyarihang Domain sa buong kwarto.

Slaunghter! Shadow! Plant Metamophosis!

Isang makapal na Domain awra ang bumalot sa labas ng tinutuluyan ni Marvin at natakot naman nito palayo ang ilang mga napapadaan sa kalsada.

Mabuti na lang at mabilis na napansin ni Jessica ang sitwasyon at inutusan ang mga tauhan ni Raven na isarado muna ang lugar na iyon at wag hayaan makapasok ang sino man. Samantala, tumayo sa harap ng pinto ni Marvin, hindi ito makapaniwala.

Nararamdaman niyang lumalabas ang malaking halaga ng Fate Power!

'Anong ginagawa ni Marvin?'

Paglipas ng kalahatin oras, kumalma na ang awra na walang humpay sa paglabas sa kwarto ni Marvin.

Tumingin nang may paggalang ang lahat ng gwardya sa tinutuluyan ni Marvin.

Nabalitaan nila mula sa kanilang pinuno na isang nakakatakot na nilalang ang naninirahan doon, pero hindi nila alam kung gaano ito nakakatakot.

Pero ngayon-ngayon lang, hindi nila maiwasan na gustuhing lumuhod dahil sa awra ng tatlong Domain ni Marvin!

Hindi lahat ay mayroong pagkakataon na makasaksi ng ganito kalakas na kapangyarihan sa kanilang buong buhay.

Para naman kay Jessica, matagal-tagal na rin siyang bumubulong sa kanyang sarili, nagdadalawang-isip. Pero matapos masiguro na walang ibang ginagawa si Marvin, unti-unti na rin siyang umalis.

Sa loob ng kwarto ni Marvin, nakapikit ito, nadadama ang mga pagbabago.

Nagtagumpay siya.

Hindi nasayang ang kanyang Divine Power!

Sa ngayon, sa loob ng asul nag lobo, isang ginintuang imprint ang kumikinang-kinang.

Pero hindi siya nagdiriwang dahil pagsasama ng dalawa, pero mayroong isang bagay na nakakagulat ang nangyari.

Nang i-activate ni Marvin ang kanyang mga Domain at sinubukang sapilitan na ipasok ang Fate Power Imprint sa advanced False Divine Vessel, bigla siyang mayroong narinig na boses:

"Ha?"

Tunog lang ito nang pagkabigla.

Pero hindi maipaliwanag ni Marvin ang naranasan niya at ang dami ng impormasyon na nilalaman ng tunog na iyon.

Pakiramdam niya, ang nagsalita ay isang nakatatandang marami nang napagdaanan at naranasan, habang tila isa rin itong bagong panganak na bata!

Noong una, hindi naunawaan ni Marvin kung saan nanggaling ang tunog na iyon.

Pero biglang napuno ang kanyang isipan ng impormasyon.

Naisip niya kung kaninong boses ito!

Bigla naman siyang nakarinig ng ikalawang tunog.

"En!" 1

Ang unang tunog ay tila nagpapahiwatig ng pagdududa, habang ang ikalawa ay pagkumpirma.

Ilang sandali lang, ang advanced False Divine Vessel at ang Fate Power Imprint ay perpekto nang nagsama. Magkahabi ang Divine Power at Fate Power, binabago ang isa't isa!

Ang lahat ng Fate Power ay naipasok sa Divine Vessel at hindi na ito kusang lalabas mag-isa!

Matagumpay ang eksperimento ni Marvin!

Naging isa na siyang kalahating [Fate Sorcerer]!

Mas natuwa pa siya dahil nagawa niyang kumonekta sa [Plane Will]!

Ipinaliwanag ng lahat ng impormasyon lumitaw sa kanyang isipan ang lahat.

Tanging ang mga nilalang na kinikilala ng Plane Will ang maaaring maging Fate Sorcerer.

Tulad ng Three Sisters, at iba pang mga Legend dati.

Taliwas dito si Marvin na kakasali lang sa kanila.

Hindi niya alam kung bakit pero hindi siya itinaboy ng Plane Will. Sa katunayan, bahagya niyang nararamdaman na tinulungan siya kahit paano ng Plane Will ng Feinan.

Kung hindi, hanggang ngayon ay sinusubukan pa rin niyang pagsamahin ang Fate Power at Divine Power.

Pero matapos niyang marinig ang "En!", mabilis nang nalutas ang lahat ng kanyang problema!

Kusa namang na namatay ang kanyang mga Domain, at ang advanced False Divine Vessel ay matagumpay na tinanggap ang Fate Power Imprint!

Magmula ngayon, ang Fate Power sa kanyang katawan ay magpapatuloy na lang na lumaki!

Kahit na hindi siya nakakuha ng uri ng Fate Power gaya ng mga tunay na mga Fate Sorceress, at hindi niya natutunan ang malalakas na skill ng mga ito, isa pa rin siyang kalahating Fate Sorcerer.

Ang ikinasabik niya ay ang kanyang Fate Power ay maaari rin gawin Divine Power, at mataas-taas ang halagang kailangan nito.

Ngayon, maar na niyang i-activate ang kanyang tatlong Domain kahit gaano pa niya katagal gustuhin.

Pagmulat niya ng kanyang mata, biglang naramdaman ni Marvin na mas naging malinaw ang mundo.

Hindi ito dahil sa pagtaas sa kanyang Perception, at hindi rin ito pagtaas ng attribute… Ito ay pakiramdam na nauunawaan ang lahat.

Nakikita niya na ngayon ang diwa ng maraming bagay sa isang tingin lang.

Alam niyang dahil ito sa perpektong pasasama ng Fate Power Imprint at ng kanyang katawan.

Ang Wisdom ni Lorie ay naging Wisdom na niya!

'Tama pala ang sinabi ni Hathaway na ninakaw ko sa kanya ang pagkilala sa kanya ng Plane Will dahil sa inagaw ko sa kanya ang pagpatay kay Dark Phoenix?'

Sa tingin ni Marvin ito ang nangyari. Wala na siyang ibang maisip na rason kung bakit siya tutulungan ng Plane Will sa huling bahagi ng pagsasama.

Ngayon-ngayon lang, isang panibagong linya ang lumabas sa kanyang Character Sheet!

Ang [Child of the Plane] 2 !

Chương tiếp theo