webnovel

Alchemy Box

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Sa pagkakaalala ni Marvin, ang isang bagay na kailangan nyang mahanap ay ang Artifact na tinatawag na Alchemy Box.

Sa laro, ang Alchemy Box ay nakuha ng isang malaking guild, na ginamit naman ito para gawin ang kaunaunahang Artifact na ginawa ng mga manlalaro.

At ang Alchemy Box na iyon ay nakatago sa laboratoryo ng Snake Witch.

Maingat na sinundan ni Marvin ang daan sa laboratoryo, at iniwasan niya ang mga item na halatang mapanganib hanggang sa makaabot siya sa isang maliit na kwarto.

Malinaw na naiiba ang kwarto na ito sa iba pang mga kwarto.

Karamihan ng mga kwarto sa loob ng bahay ay mayroong mga bintana at Wizard Fire bilang ilaw.

Dahil ang Snake Witch ay isang Human na ipinanganak sa ibabaw ng lupa, mahirap baguhin ang mga bagay na nakasanayan na.

Hindi naman ito maitatanggi.

Pero ang maliit na kwartong ito ay walang bintana at walang kahit anong ilaw o liwanag.

Kapag nakasara ang pinto nito, kung wala ang Darksight ni Marvin, wala siyang makikita sa kapaligiran nito.

'Eh? Mercury ba 'to?'

'Nagpahid siya ng Mercury sa lahat ng sulok ng kwarto? Bakit?'

Bigla naman napagtanto ni Marvin na nahanap na niya ang isang importanteng lokasyon.

Hindi niya alam kung ano ang itsura ng Alchemy Box, pero normal lang na ilagay ang isang Artifact sa espesyal na lokasyon.

Hindi kaya maaaring masira ang Alchemy Box kapag tinamaan ito ng liwanag?

Naglakad si Marvin sa maliit na kwarto, at unti-unting nagbago ang kanyang mukha.

Talagang kakaiba ang kwartong ito.

Pinahiran ang mga pader ng magkahalong gamot at mercury, at selyado ang kwarto kaya walang hangin o ilaw na nakakapasok /

Bukod sa maliit na pinto kung saan siya pumasok, wala nang ibang daan palabas.

Walang laman ang buong kwarto bukod sa isang maliit na lamesa na nasa gitna ng kwarto, wala nang iba.

"Para namang kulungan 'to…" Bulong ni Marvin.

Dahan-dahan siyang lumapit sa kahoy na lamesa at mayroong napansin na kakaibang queer na disenyo ito

Nagtaka siya kung ano ito kaya lumapit siya para tingnan mabuti.

Pero habang papalapit siya, ang mga disenyo ay biglang lumutang sa ere at naging isang mukhang nakangiti!

Inihanda naman ni Marvin sa kung ano mang posibleng mangyari!

Bigla namang lumakas ang liwanag at tumama ito sa kanyang mata, kaya naman nawala ang kanyang paningin!

[Blind]!

'Pucha! Masama 'to!'

Isang pagsipol ang dumaan sa kanyang tenga, na tila mayroong nagmamadaling magpunta sa pinto.

Ngumisi si Marvin.

Kahit na hindi na siya makakita at mabilis ang kanyang kalaban, magagamit niya ang ingay nito para malaman kung nasaan ito.

Agad na nilapitan ito ni Marvin!

Mabilis ito pero mas mabilis si Marvin!

Post-Godly Dexterity!

Kinilabutan ang anino nang biglang nakapunt agad si Marvin sa pinto at hinawakan ito gamit ang kanyang kanang kamay!

"Ano!"

Isang tila pamilyar na boses ang nanggaling mula sa dilim. "Gusto mo atang mamatay! Pakawalan mo ko, ngayon na!"

"Sa wakas, nakakuha na ako ng pagkakataon para takas sa manyak na matandang 'yon, at ngayon pipigilan ng isang pesteng Thief ang isang gaya ko!"

"Bitawan mo ko, peste ka!"

Nagulat si Marvin.

Nararamdaman niyang tila isang kahon ang nahawakan niya, at mukhang nakakapagsalita ito!

Mas nagtaka pa si Marvin dahil pamilyar ang boses na naririnig niya mula dito.

Kahit na hindi pa rin siya makakita, nararamdaman na niya.

Ang nagsasalitang kahon na ito ay siguradong ang usap-usapang Alchemy Box!

Tulad ng inaasahan, ang isang item na kayang gumawa ng Arifact ay kakaiba!

Hinawakan ni Marvin ang kahon at ngayon ay kinakapa-kapa na ito.

Ordinaryo lang ang hugis ng kahon… pero tila mayroon itong isang pares ng pakpak.

Kaya naman pala na napakabilis ng bagay na ito!

Subalit, lalong nagalita ng Magic Box sa ginawa ni Marvin. Galit itong sumigaw, "Ano sa tingin mo ang hinahawakan mo!?"

"Nakakadiring Thief! Bitawan mo ko, hindi iyan ang lugar na dapat mong hinahawakan!"

"Ah… Nakikiliti ako! Aaaaaarrrgh, sinasabi ko na ng aba! Ang lahat ng Human sa kamuhi-muhing lugar na ito ay mga manyak! Ganyan na ganyan ang matanda, ngayon pati ang Thief na 'to!"

"Huhuhu… Kawawang Wilson, bakit ba ako minamalas!"

Nanatiling tahimik si Marvin at walang reaksyon kahit na nagrereklamo at umiiyak ang Magic Box.

Iniisip niya kung saan niya na ba narinig ang boses na iyon, at bigla siyang kinilabutan.

Matapos magdalawang-isip nang kaunti, "May kilala ka bang lalaki na parang peacock manumit?"

Mapanghamak na sumagot ang kahon, "Isang libong taon na akong nabubuhay, kaya nakita ko na ang lahat ng klase ng lalaki. Pero… Hindi pa ata ako nakakakita ng lalaki na parang peacock kung manumit… Sino ba naman ang gugustuhin magsuot nang ganoon…"

"Teka!" Sumigaw ang kahon.

Napansin ni Marvin ang panginginig ng boses nito habang nagtatanong, "Ang lalaking peacock na sinasabi mo, mayroon ba siyang bulsa na kaya niyang bumunot ng kung ano-anong bagay mula dito?"

Napaisip si Marvin noong mga panahon na nasa White River Valley siya.

Noong inaatake ang Sword Harbore, ang nagsasabi sa kanyang sarili na pinakamagaling na Alchemist sa buong mundo, ay naglabas ng ilang kakaibang Alchemy Item mula sa kanyang bulsa.

Nagawa pa nga nito na patigasin ang ibabaw ng karagatan.

Ang kakaiba, at walang pangalan na Alchemist.

Ang boses nito ay tila parehong-paeho sa Magic Box, kaya nagdesisyon si Marvin na tanungin kung mayroon ba silang koneksyon. Hindi naman sa binibigyan niyang atensyon ang Alchemist, sadyang natatangi ang boses nito, tila boses ng isang mapagpanggap na tao.

Noon pa man ay naramdaman na ni Marvin na mayroong kakaiba sa sa lalaking iyon, pero sigurado siyang tunay na nawalan ito ng alaala, at sa huli, nagdesisyon na ang siyang hayaan itong manatili sa White River Valley.

Hindi niya inasahan na maririnig ang boses na ito sa lugar na ito!

Para bang isa itong milagro.

Unti-unti naman bumalik sa ulirat si Marvin at tiningnan niya ang Magic Box.

"Oo parang ganoon na nga," Nag-aatubiling sinabi ni Marvin na, "Sinabi niya na isa siyang Alchemist, pero parang hindi siya maaasahan."

"Nakita mo siya?!" Maririnig sa boses ng Magic Box ang tuwa at gulat.

"Nasa teritoryo o siya. Masasabing isa siyang…" Sumimangot si Marvin, hindi niya alam kung paano ilalarawan ang lalaking peacock, bago nagdesisyon na diretsuhin na ito. "Masasabing isa siyang hindi maaasahang tao na walang ginagawang kapaki-pakinabang."

Nanatiling tahimik ang Magic Box.

"Anong koneksyon niyong dalawa?" Nagtatakang tanong ni Marvin.

Sa mga oras na ito, bumalik na ang kanyang paningin.

Malinaw na niyang nakikita ang labas ng Magic Box. Isa itong simpleng kahon na mayroong pakpak na lumalabas sa magkabilang gilid nito, at mayroong mala-pilak na puting salamin sa labas nito.

Mayroong malaman na mukha sa salamin, na parang mukha ng tao.

Bigla na naman humikbi sa pag-iyak ang mukha sa salamit, at medyo tumagal ito nang kaunti.

Noong huminahon ito, garalgal itong nagsalita, "Siya ang tatay ko… Pucha… Akala ko patay na siya…"

Nagulat si Marvin.

Sa isang sulok ng laboratoryo, nakaupo si Marvin sa tabi ng Magic Box habang pinapakinggan ang kwento nito tungkol sa kanyang paghihirap. Nakaramdam pa nga ito ng kauntin awa para sa kahon.

"Ang buwang na iyon, alam mo ba kung gaano kabaliw ang matandang 'yon? Pinapagawa niya ako ng Artifact araw-araw… Punyeta! Kahit na si Wilson ay isang magaling ng Alchemy Box, hindi naman ako parang bibe na kayang mangitlog ng ginto kapag pinakain!"

"Lagi niya akong binibigyan ng mga lason at kakaibang bagay para "tulungan" ako, at umaasa siyang mayroon akong magandang maibibigay…"

"Hayst… Binigyan ko lang siya ng mga basura."

"Pero hindi siya sumuko, nagpursigi pa siya sa pagbibigay ng mga nakakasukang bagay araw-araw… Atay ng Bugbear, Pancreas ng Wyvern, kuko at mata ng paniki… Halos mabaliw ako! Nasisiraan na ako ng bait!"

"Ang masama pa doon, araw-araw may isang bagay siyang laging tinatanong sa akin, kung siya raw ba ang pinakamagandang babae….Syempre wala akong magawa kundi sumang-ayon…"

Chương tiếp theo