webnovel

Chapter 204

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Tama, kasama pa rin niya si He Xiao. Kasama pa rin niya ang hukbo ng Xiuli. Hindi walang tumutulong sa kanya. Ngunit hindi nagtagal, mula sa direksyon ng Yanming Pass ay nanggaling ang malaking ulap ng alikabok. Mabilis na bumalik ang mga tagamanman, nag-uulat, "Master, mga 10 kilometro ang layo, pinangungunahan ni Zhao Yang ang pwersa ng 100,000 malalakas, at patungo ito sa atin! Pagkaalis natin sa Longyin Pass, siguradong matatambangan tayo."

Sa puntong ito, halos gusto nang tumawa ng malakas ni Chu Qiao.

Yan Xun, Yan Xun, kamangha-manghang kilos na ginawa mo sa akin!

Ang buksan ang landas at padaanin siya, hindi ito nag-aksaya ng kahit isang sundalo. Ginamit ang mga sibilyan upang pabagaliln siya, lubos nitong sinira ang kalamangan niya sa bilis. Gamit ang pwersa ng Xia, hinarangan nito ang kanyang daraanan. Kahit na magsuspetsa ang imperyo ng Xia na may mali, hindi nila kayang ipagsapalaran na hayaang ang pinuno ng militar sa Yan Bei na gaya niya na makapasok sa kanilang hangganan. Kahit na alam nilang maaaring may pinaplano si Yan Xun, hindi maiiwasan ang labanan na ito.

Siguro, sa maliliit na labanan, magagamit ni Chu Qiao ang mga taktika at istratehiya upang talunin si Yan Xun, ngunit pagdating sa pagkalkula sa ibang tao, at makipagpwersahan laban sa isa't-isa, hindi siya makapapantay kay Yan Xun.

Napansin din ng mga mamamayan ang lumilipad na alikabok sa malayo, at nagsimulang kumalat ang takot sa mga tao. Kahit na marami ang puno ng kumpyansa—matapos ang lahat, nasa paligid si Master Chu—ngunit, nang lohikal nilang inisip ang napakalaking hukbo ng imperyo ng Xia na lalabanan ang hukbo ng Xiuli na may halos 5,000 lang, nanginig sila at nagsimulang magdalawang isip.

Bumalik si He Xiao sa paanan ng Longyin Pass, at ang ilan sa mga sundalo niya ay sumigaw, "Garison, pakiusap buksan niyo ang tarangkahan upang makapasok ang mga sibilyan!"

Saka lang may walang inaalalang boses ang sumagot sa kanila matapos sumigaw ng tatlong beses, "Utos mula sa Emperor, kung nais nilang pumasok sa syudad, kailangan munang pumasok ng hukbo ng Xiuli."

"Parating na ang hukbo mng Xia! Pakiusap papasukin niyo ang mga sibilyan!"

"Utos mula sa emperor, kailangan munang pumasok ang hukbo ng Xiuli." Dumagundong ang alingawngaw sa hangin, ang alikabok ay inaangat ng hangin. Inangat ang kanyang tingin, kinuyom ni Chu Qiao ang kanyang kamao habang sumulyap siya pabalik sa bandila ng Black Eagle na nagdedekurasyon sa pader ng syudad.

"Master?" mayroong mga sundalo na nagtanong ng utos sa kanya.

"Master!" ang boses ng mga tao ay lumalakas habang nagkumpol sila sa palibot ni Chu Qiao para sa utos.

"Master, anong gagawin natin?" mayroon mga sibilyan na natatarantang nagtanong. Natakot sa atmospera, nagsimulang umiyak ang mga bata, habang ang kapaligiranay naging isang magulong kaguluhan.

"Master, anong gagawin natin?"

"Master, parating na ang kalaban."

"Master, bumalik ka sa syudad. Magandang iwasan ang salungatan."

"Master, bumalik ka at humingi ng pasensya sa Kamahalan. Sigurado akong pagbibigyan ka niya."

"Master, lalaban kami hanggang huli! Bigyan mo lang kami ng utos!"

"Master, Master, Master…"

Yan Xun, ito pala ang gusto mo? Nakatingin sa kalangitan, kahit ang huling pag-asa na mayroon siya para sa lalaki ay nadurog.

Anong nais mong makita? Na mag-isa lang ako na walang tulong? Na napapalibutan ako ng kaaway? Na walang magawa akong tatakas, miserableng babalik sayo para sa tulong mo?

Yan Xun, minaliit mo ako.

"Mga mandirigma, nasaksihan niyo na lahat ng nangyari nitong nakaraang mga araw." Nakaupo sa kanyang kabayo, inumpisahan ni Chu Qiao ang kanyang sasabihin, habang inunat niya ang kanyang kamay upang patahimikin ang kaingayan. May malalim at seryosong tono, nagpatuloy siya, "Ang hari natin, ang Emperor ng Yan Bei, ay inabandona ang nakaraan niyang pangako, tinraydor ang mga salitang pinangako niya sa lupain ng Yan Bei at bundok ng Hui Hui. Ang mga sibilyan sa Changqing ay naging mga buto at pagkain nalang para sa mga uwak, at ang Da Tong ay pinapatay ng isang pwersang tapat lamang sa Kamahalan. Patay na si Ginoong Wu, patay na si Binibining Yu, patay na si Prinsesa Huanhuan, patay na si Heneral Xiaohe, patay na si Heneral Biancang, patay na si Heneral Xirui, patay na si Heneral AhDu. Lahat sila ay pinatay ng isang ambisosyong tao na nais palakihin ang kanyang imperyo at patatagin ang kanyang kapangyarihan. Ngayon, isang pamugot ang nakasabit sa ating mga ulo. Mga mandirigma, sa harap niyo, ay isang 100,000 malakas na hukbo ng Xia, naghihintay sa atin, handa tayong tapusin. Sa likod natin ay ang hukbo ng Yan bei na nagsimula nang mabulok. Hinanda na nila ang sarili nila na duraan tayo sa puntong bumalik tayo at sabihin na tayo ay mga duwag. Sa gilid natin, mayroong mga sibilyan na inabandona na ng kanilang bansa. Mga mandirigma, anong dapat natin gawin?" ang kanyang malamig at walang emosyong boses ang tanging naririnig sa malawak na kapatagan. Walang nagsalita, at ang lahat ay tumingin lamang sa kanyang pigura na may panatikong kataimtiman.

Tumalon pababa ng kanyang kabayo si Chu Qiao. Tinuro ang mga sundalo, sumigaw siya, "Babalik ba tayo ay magiging alipin sa isang diktador, at pahihiyain ng mga traydor na iyon na tumalikod sa kanilang mga pangako? O aabandunahin ba natin ang mga sibilyan na ito at susubukang tumakas? O kakaharapin ba natin ang ating kaaway na ang bilang ay nahihigitan tayo ng 20 beses, at ipakita ang karangyaan at dangal na mayroon dapat ang isang sundalo?" sumigaw si Chu Qiao, "Mga mandirigma, gusto niyo bang mabuhay?"

"Oo!" pasigaw na sumagot sa kanya ang mga boses ng sundalo at sibilyan, tumatagos sa mga ulap, pinapalayo ang mga ibon.

"Nais niyo bang maging mga taksil?"

"Hindi!"

"Sa pagitan ng kamatayan at pagtataksil, anong pipiliin niyo?"

Sumigaw pabalik ang mga tao sa nababaliw na sigaw, "Katapatan sa Da Tong, kahit sa kamatayan!"

Hinarap ang hangin, sumigaw si Chu Qiao, "Mga mandirigma, mga kapatid. Sundan niyo ako, sundin niyo ako. Kahit na mamatay tayo, gagamitin natin ang dugo natin upang ibigay ang huling kislap ng kaluwalhatian para sa Da Tong! Ang ating mga ulo ay maaaring gumulong, ang ating dugo ay maaaring dumaloy, ngunit ang ating pananampalataya ay hindi maaaring maging makasalanan! Mabuhay ang Yan Bei! Mabuhay ang Da Tong! Mabuhay ang ating kalayaan!"

Isang malakulog na sigaw na makakahati sa lupa ang dumagundong bilang tugon, habang libu-libong pares ng mga kamay ang itinaas sa ere sa isang masayang sigaw, "Mabuhay ang Master!"

Maagang dumating ang taglamig na ito. Septyembre pa lamang, ngunit nagsimula nang bumagsak ang nyebe. Ang manipis na patong ng nyebe ay tila isang kumot ng puting mga bulaklak na kakabulaklak lang sa tagsibol.

Umatras muli ang hukbo ng Xia. Ikatlong araw na ito ng pagpapalibot nila, at ang malakihang pagsalakay na inisip nila ay hindi nangyari. Maingat na pinalibutan ni Zhao Yang ang Pass upang iwasan na makatakas si Chu Qiao. Ang proseso ng pag-iisip niya ngayon ay lubos na magulo na. Natatakot siya na isa itong bitag na inilatag ng Yan Bei, ngunit nag-aalala siya na mawawala sa kanya ang gintongpagkakataon na ito kung saan ang Yan Bei at si Chu Qiao ay talagang tinalikdan na ang isa't-isa, upang maalis na niya sa imperyo si Chu Qiao na isa sa mga pinaka malakas na kaaway na heneral. Matapos ang lahat, ang balita kung paanong si Yan Xun at Chu Qiao ay nagkasira na nitong nakalipas na dalawang taon ay nakarating na sa tainga niya; imposible na hindi niya lubos na alam ang lahat ng mga nangyayari.

Sa gabi, habang umiihip ang hangin, nakatayo si Chu Qiao sa tuktok ng matangkad na burol, tinatanaw ang buong lugar ng labanan. Ang mga hangin ng gabi ay magandang pinalipad-lipad ang makapal niyang buhok, katulad sa isang kawan ng itim na mga swallowtail. Nagtagal ng buong tatlong taon ang digmaan. Ginawa ang Longyin Pass na maging mas mataas ng ilang talampakan kaysa sa Yanming Pass, matayog sa taas ng dalawang hukbo na naghihintay. Sa pagitan ng dalawang pormasyon na taimtim na naghihintay sa paglalaban, mayroong malaking tagpi ng damo na madaling umabot sa bewang. Sa lumagpas na simoy ng taglagas, mayroong maraming kaluskos, tila mga alon sa puting karagatan, nirerepleksyon ang malapilak na sinag ng buwan sa isang magandang palabas. Isang kawan ng mga uwak ang lumipad, inaangat ang ulap ng nyebeng alikabok. Isa sa kanila ang bahagyang tumungo sa mataas na damo, at sa isang mabilis na kilos ay may pinulot na puti at lumipad palayo.

Sa isang sulyap lang, masasabi na agad ni Chu Qiao kung anong pinulot ng ibon mula sa lupa. Ibinato ang kanyang tingin sa mga alon ng puti sa harap niya, isang bahid ng kalungkutan at pagkasuklam ang umibabaw sa kanyang puso. Sa ilalim ng payapang mga umuugoy na damo, ilang mga buhay ang nawala?

Tulad ng higanteng kumakain ng tao, kahila-hilakbot na nilamon ng digmaan ang hindi mabilang na kalalakihan o kababaihan man. Ang mga hangin ng nababagabag na panahong ito ay iihip sa mga sira-sirang kabahayan na nawalan ng nagmamay-ari sa kanila, walang katapusan na umuungal na tila ba kumakanta ng isang awit na lumampas sa espasyo at oras mula sa underworld. Gayumpaman, maaari din bang maikonsidera si Chu Qiao na isa sa mga utak sa likod ng ganoong kamatayan at pagkasira?

"AhChu..." isang boses ang umaalingawngaw pa rin sa kadiliman, tila ba tinatawag ang kaluluwa niya, "AhChu..."

Isa itong boses na araw-araw niyang naririnig sa nakalipas na 2,000 gabi. Yumukyok ang kabataan sa kanya, at hinila pataas ang kanyang kumot, bago maingat na nagtanong, "AhChu, nilalamig ka pa rin ba?"

Iyon ang mga taon kung saan napakalamig, at madaling dinala ng malalakas na hangin ang nagyeyelong lamig patungo sa kanilang manipis na mga bintana, pinagyeyelo ang lahat ng nasa loob ng silid. Gayumpaman ito ay tulad ng panandaliang kawan ng mga ibon, naglalaho sa walang katapusang kaputian na umaabot lampas sa abot-tanaw.

Marahil, ang buhay ay isa lamang laro ng chess na walang maaaring maging dalubhasa. Sa hinaharap na pinag-aalinlangan, at wala nang magandang galaw na maaaring gawin, hindi niya malalaman kung kailan susugod o dedepensa. Gayumpaman, magpapatuloy pa rin ang laro, at maaari nalang nilang subukan ang lahat ng kanilang makakaya upang magpatuloy. Minsan, mapagtatanto nila na sa kabila ng kanilang pagsisikap, siya ay mas napalayo sa pagkapanalo.

Unti-unting pinikit ang kanyang mata, hindi mabilang na pagbabalik-tanaw ang nakita niya sa kanyang paningin. Tila ang daming tao ulit ang nakita niya. Nakita niya ang malumanay ngunit makatarungang Ginoong Wu, ang kalmado at matalinong Binibining Yu, ang nakaka-ibig at masiglang si Huanhuan, ang mabait at mapagpakumbabang Xiaohe. Nakita niya rin si Xue Zhiyuan, na namatay para alertuhin siya, si Wen Yang, na namatay para protektahan ang kanilang bandila, at si Feng Ting din, si Mu Rong, at ang Wu Danyu na mag-isang sumugod sa kaaway at namatay sa hindi mabilang na mga palaso. Nakita niya rin ang mga mukha ng mga sundalo ng hukbo ng Xiuli, at hindi mabilang na mga sibilyan ng Shangshen, kabundukan ng Hui Hui, at Beishuo. Hindi tumitigil doon, nakita niya din si Cao Mengtong, na nagpakamatay, humingi ng paumanhin sa pagkakamali niya, at iyong mga nabubulok na nakakatanda ng da Tong...

Walang dagdag na kawal, walang pagkain, sa nagyeyelong temperaturang ito, habang pinoprotektahan ang libong mga sibilyan na lubos na walang armas, nanatiling nagbabantay ang hukbo ng Xiuli habang lumilipas ang oras. Gayumpaman, nawawalan na ng pasensya ang kaaway, dahil paparating na ang taglamig, ang malapit nang takpan ng mabigat na pagnyebe ang buong lupain.

Tumingala sa kalangitan si Chu Qiao, at naramdaman na tila nakakita siya ng pares ng mga matang nakatingin rin sa kanya. Ang mga matang iyon ay matagal nang lumubog sa bangin ng kalamigan, tahimik siyang pinanonood na walang galit, walang pangungutya, na kapayapaan nalang ang natitira sa kanya habang paulit-ulit niyang sinabi: Magpatuloy kang mabuhay...

Alam ko. Ngumiti si Chu QIao sa bakanteng kalangitan at tahimik na sinabi, "Siguradong kakapit ako."

Tumalikod, nakita niya ang mga tolda na nakatayo sa maayos na pormasyon, kalmado, tahimik niyang sinabi, "Siguradong poprotektahan kita."

Kalendaryo ng Baicang Taon 778, Tag-lagas, sa Longyin Pass, ang hukbo ng Xia ay nakamit ang unang buong pagpalibot sa kasaysayan. May malapit sa 130,000 mga sundalo, lubos na napapalibutan ang Longyin Pass na walang daan para makatakas. Lahat ng klase ng malayuang sandata ay dinala, at halata na mag-uumpisa ang hindi patas na labanan.

Kahit na kaharap ni Zhao Yang si Chu Qiao, na dalawang beses siyang tinalo sa labanan sa Chidu at Beishuo, hindi siya nag-aalala. Unang-una, ang Longyin Pass at Yanming Pass ay magkalapit, at may sapat siyang nakahandang dagdag-kawal. Kahit na nadiskubre niyang nabitag siya, madali siyang makakabalik sa kanyang tanggulan. Pangalawa, walang kahit anong syudad si Chu Qiao na magagarison niya, at hindi niya rin dala ang makakapangyarihan niyang mga sandata. May 5,000 magaang kabalyero, at mga sibilyan, hindi siya makakatayo sa kanyang 100,000 malalakas na mabigat na nababalutiang mga sundalo. Pangatlo, ang mga espiyang pinadala niya sa Yan Bei ay napadala na ng impormasyon. Mga isang linggo ang nakakalipas, nagkaroon ng masidhing laban si Yan Xun kay Chu Qiao sa labas ng Beishuo, nagresulta ng kamatayan ng sampung libong mga sundalo. Hindi lang iyon, ngunit ang mga opisyales ng Da Tong ay pinatay lahat o ikinulong, na si Chu Qiao nalang ang natitira. Kung kahit na bitag iyon, masasabi na lang niya na napakawalang awa ni Yan Xun, at hindi naman niya hahawakan.

Sa bukang-liwayway ng ika-18 ng Septyembre, nang nagsisimula pa lang magliwanag ang kalangitan, isang alon ng tambol at trumpeta ng militar ang narinig. Tila isa itong kidlat na tumama mula sa kalangitan, tumatagos sa mga puso ng hukbo ng Xiuli at ng mga sibilyan.

Sa sikat ng araw ng bukang-liwayway na tumatagos sa hamog ng umaga, ang grey na hukbo ng mga sundalo ng Xia ay tumingin sa karagatan ng bakal, kumakalat sa kadulu-duluhan ng madamong kapatagan. Ang kanilang mabigat na mga yabag na sabay-sabay na umaabante, ang malakulog na pagsabog ay nagdala ng ginaw paakyat sa kanilang mga likod habang ang pagyanig ng lupa ay mararamdaman. Naglabas ng alon ng irit ang mga sibilyan sa takot habang niyakap nila ang isa't-isa, nagyuyumukyok sa harap ng kalawakan ng kaaway, na mas pinaputla pa sila kumpara sasukat, tila ba isa lang silang alikabok na kaharap ang talon.

"Diyos ko po!" bulalas ng isa, "Ano iyon? Nagkaroon ba ng pagguho?"

"Maghanda!"

Chương tiếp theo