webnovel

Natalo sa Kanyang Apo

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Nahihiyang harapin ni Elder Shen ang pagtatanong ni Elder Xi. Bumuntung-hininga ito at sinabi, "Elder Xi, ang totoo, hindi naman talaga namin gustong mangyari ito, pero ang Lin family ay iniligtas ang aking anak kaya paano ko naman maitutuloy na gipitin sila?'

"Ah, kaya pala sobra ang pasasalamat mo sa tulong nila na hindi mo mahintay na maging balae sila?!" Galit na tanong ni Elder Xi.

Lumatay din ang galit sa mukha ni Elder Shen nang dumako doon ang usapan. "Hindi ko talaga intensiyon na maging balae sila!"

"Ikakasal sina Tong Yan at Lin Xuan. Gusto mo pa ding magsinungaling sa harapan ko?"

"Isa iyang bagay na hindi ko na mapipigilan." Walang magawa na napabuntung-hininga si Elder Shen. "Alam ng lahat na ang apo kong iyan ay gusto ang batang iyon mula sa Lin family. Ang pagkakakulong siguro niya sa bahay ay nagdulot ng sobrang galit sa kanya. Nakakita siya ng pagkakataon na makatakas sa bahay at ang unang bagay na ginawa niya ay ang hanapin ang batang iyon ng Lin family, isang bagay ang nangyari at… nagkasama na silang dalawa! Ang aking Little Yan ay sinabi sa akin na babae na siya nito at walang ibang papakasalan kundi ito lamang, kaya ano pa ba ang pagpipilian ko? Isa pa, pumayag na si Xiao Ru sa kasalang ito, kaya paano ko pa sila tatanggihan? Kahit ang Tong family ay wala nang ibang magawa kundi pumayag kaya ano pa ba ang magagawa ko?"

"Ang ibig mo bang sabihin, ang dalawang iyon ay…" napakunut-noo si Elder Xi.

Tumango si Elder Shen habang ang lahat ng liwanag ng pag-asa ay nawala sa kanyang mga mata. "Tama iyon. Kung hindi ito nangyari, gagawin ko ang lahat gamit ang kapangyarihan ko para durugin ang nakakasuklam na Lin family na iyon! Ang lakas ng loob nilang magplano ng laban sa amin, gamitin ang nag-iisang bloodline ng Shen family?!"

Gayunpaman, ano pa ba ang pagpipilian niya?

Nakakasuklam ang ginawa ng Lin family laban kay Tong Yan pero ang batang iyon ay tanga at payag na magamit ni Lin Xuan, kaya kahit gaano pa sila makapangyarihan, wala na silang lakas dahil ibinigay na ni Tong Yan ang sarili kay Lin Xuan.

Ang mga kamay ng mga matatanda ay nakatali na kapag tungkol ito sa babaeng ito, kaya wala na silang pagpipilian pa kundi ang tanggapin ang engagement na ito.

Ang pagpayag dito ay makakasira sa kanya pero ang tanggihan ito ay mas lalong makasisira dito. Salamat na lamang, dahil sa kakaibang katauhan ni Tong Yan, hindi siya masyadong maaapi kahit na ikasal siya sa walang puso na Lin family.

Alas, kailangan nilang isuko ang kanilang mahalagang kayamanan nang ganoon lang, hindi talaga sila pumapayag!

"Elder Xi, ang nag-iisang eredera ng aking Shen family ay si Tong Yan. Alam kong may nagawa akong mali sa iyo at sa buong Xi family pero wala na akong laban pa sa pares ng mag-ina na iyon." Napabuntung-hininga si Elder Shen ng may pait, tila ba tumanda siya ng ilang taon sa paningin ni Elder Xi.

Nagtrabaho ng husto si Elder Shen sa buong buhay niya, nakagawa ng pangalan para sa kanyang sarili at tinanggap ang respeto ng bansa, gayunpaman sa bandang huli, natalo siya sa kanyang apo.

Wala siyang anak na lalaki at ang parehong anak na babae ay hindi naman nabiyayaan ng maraming anak. Mayroon lamang siyang nag-iisang apo, pero kuntento na siya doon.

Alas, patuloy na gumagawa ng mga nakakapagsising pagkakamali si Tong Yan at ngayon ay sinira nito ang lahat ng mga bagay na ginugol niyang buuin ng buong buhay niya.

Ano naman ngayon kung marami siyang pera at malawak na kapangyarihan?

Ang lahat ng mga ito ay maiiwan sa kanyang mga apo sa hinaharap, at sa bagay na ito, ay talagang minalas ng husto si Elder Shen.

Ang pag-uusap dito ay lalong nagpainggit kay Elder Shen kay Elder Xi.

"Sa bandang huli, ikaw ang huling nanalo. Kahit na pinili mong umalis sa karera maraming taon na ang nakakaraan, ang pareho mong apong lalaki ay mahuhusay na mga binata. Wala ka nang ipag-aalala pa habang sila ang may dala ng iyong mga pamana. Pero ako, ano naman kung ginugol ko ang buong buhay ko sa karangyaan? Ang katanyagan ng Shen family ay mawawala sa pagkamatay ko. Ang totoo, paano ko pagkakatiwalaan si Tong Yan? Ang batang iyon na makita ang kanyang kaligayahan sa buhay ay isang bagay na kailangan kong ipagpasalamat sa kalangitan…"

Hindi maiwasan ni Elder Xi na maawa kay Elder Shen habang tinitingnan ang kasalukuyan nitong kondisyon.

Ang magkaroon ng apo na tulad ni Tong Yan ay talagang katumbas ng pitong henerasyon ng kamalasan.

Chương tiếp theo