Siyempre, alam na talaga ni Lin Xuan kung ano ang tunay na nangyari. Mabait itong bumulong, "Pero kailangan mo ito, nakagawa na sila ng ulat, hindi mo na ito maitatago pa habambuhay."
"Third brother, ikaw… hindi mo ba ako sasagipin?" Kinakabahang tanong ni Lin Yun.
Kung susumahin, kailangan niyang sagipin ito. Dapat ay alam nito na hindi siya maaaring madakip kung hindi ay ang buong kriminal na koneksiyon ng Lin family ay mabubunyag dahil sa kanya.
"Siyempre, ililigtas kita pero hindi ngayon. Huwag kang mag-alala, babalik ako agad para sunduin ka matapos kong makipag-usap kay lolo," buong tiwalang sabi ni Lin Xuan. Unti-unting nakumbinsi nito si Lin Yun.
"Pero…"
Nag-alanganin siya.
"Halika na, huwag kang matakot, nasa likuran mo kami," Masuyo ngunit makapangyarihang sabi ni Lin Xuan. Tumatango na si Lin Yun sa mga salitang binitawan nito. Sa bandang huli, alam niyang hindi siya makakatakas kahit na gustuhin pa niya. Naipasa na ni Xinghe ang ebidensiya sa pulisya, kaya kahit makatakas siya patungo sa City A, ang pulis doon ay patuloy na hahabulin siya. Hindi siya pwedeng ipagtanggol ng hayagan ng Lin family. Ang tangi niyang pag-asa ay kung makakahanap ng paraan ang kanyang lolo na mailigtas siya.
"Sige, madadala na ninyo siya sa ngayon. Kami ng Lin family ay matatapat na tao na hindi haharang sa landas ng batas," sinabi ni Lin Xuan kay Mubai ng may matapat na ngiti.
Nagtatakang nagkatinginan sina Mubai at Xinghe. Ang Lin Xuan na ito ay masyadong matapat. Gayunpaman, dahil hindi naman nila ito personal na kilala, hindi naman sila kinutuban dito.
Binuksan na ni Xinghe ang pintuan ng kotse at nag-utos. "Pumasok ka na, Lin Yun!"
Galit na puno ng malisyang tiningnan siya ni Lin Yun. Malapit na sana siyang makaalis sa City T. Kung hindi dahil kay Xi Mubai at sa p*tang ito, nakasakay na sana siya sa pribadong eroplano.
Kasalanan nilang lahat ito! Huwag nila akong bibigyan ng pagkakataon na makalaban pa dahil pagbabayaran nila ito ng buhay nila kung sakali!
Gayunpaman, gaano pa kalakas ang kanyang pagkamuhi, hindi nagtagal ay kinailangan pa ding pumasok ni Lin Yun sa kotse.
Kung kailan naghahanda na sina Xinghe at Mubai na umalis, biglang lumapit si Lin Xuan at iniabot kay Lin Yun ang kanyang handbag. "Nakalimutan mo ito."
"Third brother, hihintayin kita na sagipin mo ako, pakiusap huwag kang magtatagal," pakiusap ni Lin Yun.
Tulad ng isang mabait na nakakatandang kapatid na tulad niya, tumango si Lin Xuan. "Huwag kang mag-alala, magtiis ka lang muna sa ngayon."
Sa wakas ay ngumiti si Lin Yun, ang kanyang kaba ay unti-unting nawala. Inisip niya na hindi magtatagal ay ililigtas siya ng Lin family dahil hindi naman kalakihan ang kanyang krimen. Kailangan lamang niyang mapahirapan ng kaunti bago dumating ang tulong. Ang positibong pananaw na ito ang nagpaliwanag ng kalooban ni Lin Yun.
Dahil ang mga pulis ay wala pa doon, inihatid nina Xinghe at Mubai ito diretso sa istasyon ng pulis.
Habang tinititigan ang kotseng papalayo, tinanong ni Lin Xuan ang tsuper sa tabi niya, "Hindi ba't sa tingin mo ay pumalpak ng malaki si Xiao Yun sa pagkakataong ito? Ang tanga niya para ibigay ang isang matibay na ebidensiya sa iba."
"Third Young master, si Miss Yun ay bata pa kaya hindi maiiwasan na magkamali siya," magalang na sagot ng tsuper.
Umiling ng may pagsisisi si Lin XUan. "Walang lugar para sa pagkakamali sa Lin family. Ang maliit na pagkakamali ay maaaring magdulot ng malaking konsikuwensiya. Kaya naman, ang lahat kabiguan ay kailangang ayusin para kapakanan ng pamilya."
Hindi sinasadyang nanginig ang tsuper at hindi na lamang sumagot.
Pinanood pa ni Lin Xuan ng may katagalan ang kotse ni Mubai bago nag-utos, "Tara na; oras na para umuwi."
"Yes, sir."
…
Habang nagmamaneho na sila patungo sa presinto, agad na nakarinig ng orasang tumitiktak ang grupo ni Mubai sa maliit nilang espasyo.
Nagulantang silang tatlo.