webnovel

Natigilan ang Buong Mundo

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Pakiramdam din ni Aliyah ay nagugunaw na ang kanyang mundo. Habang nakatunganga siya sa screen sa likuran ni Philip ng hindi makapaniwala, ang mukha niya ay unti-unting tinatakasan ng dugo. Hindi siya makapaniwala na ang mga bagay na ito ay nangyayari sa harap ng kanyang mga mata.

Kahit ang mga mamamayan ng Country Y ay nabigla din.

Ang malakas at misteryosong IV Syndicate na sumisira sa Country Y tulad ng isang mapanirang tumor ay natagpuan na, at hindi lamang iyon, ay nawasak na din!

Isa ba itong panaginip?

Maliban doon sa mga sumusuporta sa IV Syndicate, ang mga normal na mamamayan na pinahahalagahan ang kapayapaan ay namamalisbis ang mga luha sa kanilang mga mata. Ang imaheng ito ay ipinalabas sa buong mundo.

Ang mga mamamayan ng Country Y ay itinigil ang lahat ng kanilang ginagawa at nagmamadaling pinagmasdan ang makasaysayang pangyayaring ito sa kanilang bansa. Ang digmaang nangyayari sa screen ay nagdala sa kanila ng kaba at kasabikan.

Ang mga mas sentimental ay hayagan nang umiiyak, kahit ang iba pang may reserbasyon ay namumula ang mga mata.

Nagdala ito ng panibagong yugto para sa kanilang bansa, sa wakas ay ito na ang oras para sila ay umunlad, ang oras para papasukin ang bagong panahon ng kasiyahan at kaligayahan. Ang sandaling ito ay habambuhay na magmamarka sa Country Y. Sa kaparehong oras, si Philip na gumaganap na kumander ng operasyong ito, ay itinaas ang kanyang sarili bilang isang maalamat na bayani sa mga mata ng mga mamamayan.

"Philip, Philip…" Sa loob ng hall, ang pagbigkas ng kanyang pangalan ay nagsimulang muli. Mas marami ang nahimok dito at ang mga tao ay nagsimula nang isigaw ang pangalan niya ng may sigla. "Philip, Philip!"

Ang mga nasa kalye ay tumigil para panoorin ito sa kanilang mga telepono ay nakisali na din. Ang pangalang 'Philip' noong araw na iyon ay umalingawngaw sa buong daigdig. Nagulat nito ang buong mundo!

Kahit si Saohuang na nasa City T ay napanood ito.

"Boss, paano ito nangyari?" Tanong ni Sun Yu na hindi makapaniwala habang pinapanood ang pagkawasak ng IV Syndicate sa screen.

Walang emosyon si Saohuang.

"Boss, ang organisasyon ay nawasak na ngayon. Maiuugnay ba nila ito pabalik sa atin?" Kinakabahang tanong ni Sun Yu.

SInorpresa siya ni Saohuang sa pagsasabi nang, "Mabuti nga na nawasak na ito."

Nagulat si Sun Yu. "Boss, ano ang sinasabi mo?"

Tinitigan ni Saohuang ang TV Screen at mabagal na sinabi, "Hindi ko na sila kailangan pa ngayon. Ang kanilang pagkawasak ay sumigurado ng aking kalayaan, wala nang pipigil pa sa akin sa ngayon!"

Agad na naintindihan ni Sun Yu ang ibig nitong sabihin. Ang pagkabuo ng IV Syndicate ay parehong mabuti at masama para kay Saohuang.

Magagamit ni Saohuang ang kapangyarihan ng organisasyon para maakyat ang ituktok, pero ang kuneksiyong ito ay maaaring makasira sa kanya kapag nabunyag. Ngayong ang IV Syndicate ay nawasak na, wala nang makakapagbunyag pa ng kalansay sa aparador ni Saohuang. Isa itong dahilan para magbunyi.

Isa pa, nasa proseso siya ng pagwasak sa Xi family at ilang araw na lamang mula sa pagpapangalan sa kanya bilang pinuno ng Flying Dragon Unit. Ngayon, ang huli niyang reserbasyon, ang IV Syndicate ay nawasak na.

Ang lahat ay umaayon ng perpekto para kay Saohuang.

Masaya itong tumawag. "Mukhang mahal talaga ako ng Diyos! Oras na para sa panahon ni Feng Saohuang!"

Agad na inialok ni Sun Yu ang kanyang mga papuri.

"Binabati kita, boss! Kahit ang Diyos ay kakampi mo, kaya ilang panahon na lamang bago mapasaiyo ang buong mundo!"

Lalong lumakas ang tawa ni Saohuang, ninanamnam ang katotohanan na hindi magtatagal at ang mundo ay yuyuko sa kanyang mga kautusan.

Lingid sa kanyang kaalaman ay hindi magtatagal at guguho na din ang kanyang mundo.

Balik sa Country Y, matatag na naitayo na ni Philip ang kanyang lugar sa kasaysayan ng kanyang bansa. Sa pagkawasak ng IV Syndicate, ang posisyon niya bilang pinuno ng bansa ay hindi na matitinag.

Kahit na wala nang talumpati, ang posisyon niya bilang presidente ay sigurado na!

Chương tiếp theo