webnovel

Feng Family

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Yumuko si Mubai at magiliw na bumulong, "Kumusta na ang pakiramdam mo? Mas maigi na ba?"

Mabagal na umiling si Xinghe at sumisinghap na nagsalita, "Ayos lang ako…"

"Sino ang may gawa ng lahat ng ito?" tanong ni Mubai matapos ang ilang sandaling pananahimik. Ang makitang ganito si Xinghe ay tila sinisira ang puso niya. Hiniling niya na sana ay mabuhat niya ito para yakapin, bigyan ito ng pisikal na kaginhawahan pero alam niyang hindi niya magagawa… dahil lalagpasan niya ang linya. Maaalagaan niya ito ng may distansiya at kailangang masiyahan siya sa ganitong paraan sa ngayon.

Iniling ulit ni Xinghe ang kanyang ulo. "Wala akong ideya …"

"Anumang kapaki-pakinabang na impormasyon?"

"Ang lalaking iyon ay naghahaap ng mga enerhiyang kristal. Ang isa ay hawak ni Ye Shen, hindi natin dapat hayaan na mapunta ito sa kanyang mga kamay."

"Sige, uutusan ko ang mga tauhan ko para hanapin ito." Itinango ni Mubai ang pangako niya.

Tiningnan siya ni Xinghe at nanghihinang sinabi, "Huwag mo akong hayaang makalimutan ang mga bagay na nangyari sa akin, kailangang pagbayarin ko sila …"

Matapos noon, nawalan ulit ito ng malay. Pagkatapos noon, mayroong ilang pagkakataon na nagigising siya pero wala ang kanyang kamalayan. Ang kondisyon ng kalusugan ni Xinghe ay lumalala, tulad ng isang lumang makina, na pupwedeng masira anumang oras.

Sa pakiusap ni Lu Qi, nagdesisyon si Mubai na ibalik sa ospital si Xinghe. Mas marami silang doktor at mas magagandang kagamitan doon. Mas mainam ito para sa paggaling nito.

Ang balitang ito ay nakarating sa pandinig ng misteryosong lalaki. Alam niya na wala pa din itong malay at hindi maganda ang lagay nito. Kahit na maraming eksperto na tinawag si Mubai para alagaan ito, ang katawan nito ay hindi na maililigtas pa.

Pinaikot ng lalaki ang kopita ng red wine sa kanyang kamay at ngumisi matapos mag-ulat ng kanyang tauhan. "Ito na marahil ang pinakamainam na katapusan para sa kanya. Kung hindi na siya magigising pa, mabubuhay pa din siya sa isang suspended state."

Ito ay dahil kung magising siya, mawawalan na siya ng pagpipilian kundi tapusin ang trabaho at patayin siya.

"Pabayaan na ninyo siya, malulungkot ako kung mamatay pala siya…" sabi ng lalaki ng may halakhak. Mababanaag na may konting simpatya sa boses nito. Ito ang nagpalito sa kanyang tauhan dahil alam nila na isa siyang walang awang tao.

"Young Master, nag-iimbestiga na ang Xi family para malaman ang katotohanan. Paano kung maitunton nila ito pabalik sa atin?" Isa sa mga tauhan niya ang kinakabahang nagtanong.

Tumawa ang lalaki. "Hindi nila magagawa ito. Pero sabihin na lang natin na nagawa nga nila, ano naman ang magagawa nila laban sa akin? Hindi magtatagal, ang buong Xi family ay sisilain ko!"

Kumislap ang kalupitan sa mga mata nito.

Ginamit na ni Munan ang lahat ng posibleng paraan pero hindi siya nakalapit sa misteryosong grupo na tahimik na pumatay kay Ye Shen sa bilangguan at dumukot at nanakit kay Xia Meng…

Sa kanyang pananaw, ang grupong ito ay may kakaibang katauhan. Sa City T, mabibilang sa kamay ang bilang ng mga grupo na makakaiwas sa kanyang paniniktik at ang Feng Family ay isa sa mga ito.

Isiniwalat ni Munan ang suspetsa niya kay Mubai, "Kuya, sa tingin mo ba ay posible na ginawa ito ng mga tao mula sa Feng family? Tulad ng pagkakaalam mo, si Feng Saohuang ay kilala sa malupit niyang taktika."

Pinagsususpetsahan na din ni Mubai na gawa ito ng Feng family, pero napakahirap nitong patunayan.

Ang City T, dahil sa lapit nito sa international trade route at kasaysayan ng may kilalang presensiya ng militar, at ang lakas ng militar ay nahahati sa dalawang kampo: ang isa ay sa Xi family, ang kabila ay sa Feng family.

Ang parte ng Xi family ay kinakatawan ng second uncle and pinsan ni Mubai, si Xi Munan.

Ang Feng family ay ang pinakamahigpit na karibal ng Xi family. Ang bawat isa ay pilit na sinusupil ang kabila, nilalayon na angkinin ang buong City T para sa kanilang mga sarili.

Sa kasalukuyan, hawak ni Elder Xi ng Xi Family ang kapangyarihan kaya naman lamang pa sila kung kapangyarihang militar ang pag-uusapan.

Gayunpaman, mabilis na humahabol sa kanila ang Feng family, lalo na at si Feng Saohuang ay nagkaroon ng kanyang sariling grupo. Mayroon siyang mahigpit na kamay at desididong utak, umunlad ang Feng family sa pamumuno niya.

Chương tiếp theo